darn. darn. DARN!
"2007 most controversial blog of the year"



   

<< May 2008 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03
04 05 06 07 08 09 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:






Sunday, July 20, 2008
the CSSC dictionary.

UPDATED!!! :))
courtesy of
jodi abesamis!


Beng Villamil (v.) to be late for at least two hours in a scheduled meeting. Uy, mabe-Beng Villamil ako mamaya. Hey, I will be late for at least two hours in later's meeting.

Dennis Diaz (v.) to be grounded for half of the time of your misconduct, eg. grounded for one week for going to pictorial sessions for two weeks. Hindi ako makakasama, sorry. Na-Dennis Diaz ako. I can't come, sorry. I'm grounded.

Gabby Valbuena (v.) to lean against something with wet paint. Na-Gabby Valbuena ako! I stupidly leaned on this door with wet paint.

Jodi Abesamis (v.) to take a nap, forgetting about a scheduled meeting, and wake up when it's over. Nasaan na siya? Na-Jodi Abesamis yata. Where is she? She might have fallen asleep and forgotten about our appointment.

Likha Minimo. (v.) to lose your SIM, but not the phone. Akin na ang phone ko. Baka ma-Likha Minimo ako. Gimme my phone. I might lose the SIM.

Miji Dy (v.) to interchange different languages, letters and scripts of the world, regardless of who the target audience are.  隻雀嘅唱口幾好! That bird sings well.

Raisa Fontanilla (v.) to talk about, agree, comment and discuss things you know absolutely nothing about. This may continue for up to 2-3 weeks. Nakakabanas siya ha, sawsaw ng sawsaw sa usapan kahit walang alam, hilig talaga niya Rumaisa Fontanilla. I am terribly irritated at that effin’ guy. He keeps on mingling with our conversation without knowing the prerequites to being part of it.

Vicman Aricheta (v.) to post suggestive images of nude, old women in students' mailing list. Kadiri, huwag kang Vumicman Aricheta! Ewnesses! Away with those trashy images!

This list will constantly be updated.


#189

Posted at 06:25 pm by melissa
comments? suggestions?  

Saturday, July 19, 2008
itching to post.

namiss ko ang computer... XD
isa nalang ang exam ko sa first wave (quoted from rye). pero palpak ata ang first four exams ko. huhu.

anyway, back to what i'm really posting.


UPSCA tutorials
once again, pumunta ako ng payatas para magturo sa mga 4th HS students na magka-college entrance exams. last year, trigo ang tinuro ko sa hapon. kanina, algebra naman sa umaga.

745am ang meeting time sa mcdo philcoa. guess what? late ako ulit as usual. pero mas na-late ang upsca people so carry lang.

nakarating kami sa school around 9am at marami ng students na naghihintay. in-orient kami for 2-3 minutes tapos pinapasok na ung mga students sa classrooms.

ayan na. malapit nang magsimula.


sinimulan namin with a prayer. bilang hindi ako ma-prayer na tao, naghanap ako ng volunteer sa klase. nagturuan pa sila ng kung sinu-sino dapat maglead. pero may nagvolunteer din isang girl. :D nagroll call nako after ng prayer. mga 10 ata ang absent sa list ko. XD

this is the moment! kelangan ko nang magsimula!


sabay pasok ni mhira sa room para magpost ng freedom wall. tumingin ako sa kanya. sabay sabi: "okay. kinakabahan ako. XD" ngek ngek ngek.

so formally nagstart nako magturo. dinibdib ko ang factoring part. marami parin sa kanila ang hindi pa sanay magfactor. mga 5 times ko atang in-emphasize na bawal madala sa pagka-cancel ng mga terms sa isang expression. nagets naman nila. hehe.

tapos nag-ice breaker na. natuwa naman kaming lahat. (mas ginusto na pala nilang mag-ice breaker kesa sa magreview. wahaha)

nagresume na kami 5 minutes later. tapos na-realize ko na hindi ko na kakayanin pang bagalan ang pace ko dahil marami pakong kelangang i-cover na topics. so binilisan ko na. naramdaman ko na nabibilisan na sila pero go parin ako. titigil lang ako kapag super hindi talaga nila magets. (for instance: mixture problems. mahirap siyang i-explain. trust me.) tapos kapag medyo nagets na nila, balik ako sa talking-to-the-board mode ko. (tsk!)

in the end, hindi ko parin natapos lahat ng topics. XD so binigay ko ang email ko sa kanila para makatanong parin sila. sorry guys, wala akong friendster account. dinelete ko na siya ages ago. at wala nakong balak na gumawa ulit ng bago.

sa tatlong oras ko ng paghahandle ng section C, hindi ko din naiwasan ang maraming blooperS:
  • tumapon ang tubig sa damit ko habang umiinom.
  • pinagpag ko ang eraser na puno ng chalk dust sa harap ng mukha ko.
  • andaming beses akong nagsabi ng "ay joke pala mali yan."
  • all black ako nung pumunta. all white nako matapos magturo.
lahat pala yun tinawanan ako ng mga students. pero ayos lang. ganyan talaga ang buhay. hahaha!

AT, may tutor evaluation palang naganap kanina.

Anu-ano ang mga magagandang katangian (kalakasan) ng iyong tutor (guro)? Mga maaari pang iimprub/ikahusay?

  1. tumatanggap ng mga kamalian at ipinapaliwanag ng maayos. (oo. andami kong mali kanina!)
  2. sana po mas lumakas ang voice niyo. thank you po!!! sana po makagraduate kayo... (oo naman! i think? baka mausog! waaah!)
  3. malakas ang boses. (okay. nasa likod ata umupo itong si #2)
  4. mas maging buhay o kaya'y gawing alive ang klase. (tinagalog lang niya ito a. pero sige, gagawin ko yan next time! :D)
  5. magaling siya at sa palagay ko math wizard siya. (dahil ba naka-wizard shirt ako? oo nalang! :P)
  6. medyo nahihilo but natutunan o nakukuha rin naman. thank you poh. (you're welcome! nakakahilo talaga ako magturo. sorry na. XD)
  7. maganda at cute. (matagal ko nang alam yan! :P)
  8. mabait at maraming alam sa pagtuturo, marami rin siyang ginawang halimbawa para maintindihan namin. (salamat sa xinerox na exercises sa libro!)
  9. magaling at tama lang ang kanyang pagtuturo. (salamat naman. :) )
  10. yung pagtuturo po niya ng mga leksyon na hindi pa namin na-lesson nakakaenjoy po dahil marami akong natutunan. (alin dun? XD)
like last year, na-enjoy ko ang tutorial experience! :) siguro dahil sa mababait din ang mga students at bibbo sila kung sumagot. pero may times din na nahihiya sila.

"ate kaya mo yan. ikaw na lang sumagot nyan. :D"
oh
some come on. kaya niyo din yan!

football finals

hindi kami nakaabot ni ernst. :c e di 3rd na sana ang iMath. joooke. (feeling player?) pero ayus lang. naabutan ko pa ung mga naglaro for math. maputik na sila as expected. bigla ba naman kasing umulan. mukhang nag-enjoy sila. inggit ako. XD

gutom nako. (magandang ending!)

#188

Posted at 11:42 pm by melissa
comments? suggestions?  

Wednesday, July 16, 2008
day 5 na.

day 5 of dialtone-less landline sa katips. forced to go to internet shop. limited time. limited money. buh-bye!


#187

Posted at 10:10 pm by melissa
comments? suggestions?  

Sunday, July 13, 2008
sabaw.

sa wakas at natapos na ang dalawang exams! tatlo nalang ang natitira! :D ay. marami pa palang ibang requirements. XD mamimiss ko ang net. wala paring dialtone sa katipunan. huhu. pero okay nadin yon. para walang distractions. haha.

sana july 21 na. para balik sa happy go lucky mode. :P

#186

Posted at 01:38 am by melissa
comments? suggestions?  

Thursday, July 10, 2008
haaay.

alam ko naman ang consequences ng bawat action na ginagawa namin; alam kong iki-criticize kami one way or the other; but i never expected it to be VERY HARSH. isang malaking ouch yun para sa part namin. :( well at least para sakin. ganun ba talaga ang meaning ng nasabi namin? hindi naman diba? wrong wrong. XD

#185

Posted at 12:46 am by melissa
vi0lenT reActi0ns (2)  

Tuesday, July 08, 2008
blame the old computer!

frustrated
it was not meant for me to post last night. atat na nga ako magblog pero sadyang maraming hadlang. (super pagha-hang ng pc, ayaw magconnect sa internet, hindi paglo-load ng mga sites, etc.)

let's move on, shall we?

org recognition
nag-aayos na kami ng chairs, tables, etc. sa atrium habang dumarating na isa-isa ang mga orgs dala ang mga assigned foods. puro pansit! maraming pansit! at ung juice pala marami din. akala namin maraming matitira para samin. but no! halos naubos nga lahat ng food. para kaming mga PG's na nakipag-agawan sa mga natirang pagkain. tsk tsk tsk. kakagutom kasi magcater ng food! at nakakapagod pala siya (dahil mainit?)

monoblock queen king queen
dahil sa hindi inaasahang maagang pagtatapos ng org recog, nagawa ko pang magstay para sa clean up. noong dini-disassemble na ung mga tables, nagkataon na hindi nila maihiwalay ang isang paa ng table. e di sinubukan ko rin tanggalin. "mahigpit nga ang pagpasok nito..." poof! sabay natanggal ko. ang lakas ko! hahahaha! lalaking-lalaki daw! XD

ma+h60 1st long exam tutorials
hinati namin sa dalawang rooms ang tutorials, isa para sa m13, isa para sa m14. ako ung nagturo sa last part sa m14. na-realize kong boring akong magturo. the 'talking to the board' type to be exact. :( tapos hindi ko pa maalala lahat ng techniques para magsolve ng problems. tsk. ilang beses pako lumabas-pasok para lang magverify kung tama ung ginagawa ko. XD tapos super tahimik ng mga freshies. hindi ko malaman kung dahil ba nagegets na nila or super boring ko lang talaga magturo kaya hindi sila nakikinig. :( disappointed ako sa performance ko. tsk tsk.

anti-b0ycott
nagbotohan kami kung pro or anti kami sa proposed b0ycott. lahat kami ayaw. tapos pinapikit pa kami ng mata kasi daw baka nahihiya lang kaming sabihin na sang-ayon kami. haha labo. pero unanimous ang decision namin. pinagawa ni kester si juanchi ng official statement ng council para i-post sa lahat ng CS buildings (except mbb. hindi din naman daw sila magbob0ycott if ever. ok fine, malayo daw kasi building nila.). sinamahan ko si kester para magpost sa math at n!gs. andami naming tinanggal na flyers.

cool pala ang wording ng statement. mapapa-WHOA ka sa ganda ng pagkakasabi. tapos sa bawat kakilalang makasalubong namin, ipagmamalaki ni kester ang official statement. "bakit, ikaw ba gumawa?" "hindi. si juanchi." haha.

late as usual
kaya ako nalelate kasi natutulog ako ulit natapos patayin ang alarm. dahil jan, nakarma nako. nauntog ako sa double deck namin. masakit na tuloy ang batok ko. XD moving on, sa kamamadali ko sa paglakad papuntang class, sinadya kong dedmahin ang isa kong kakilala. tinawag pa niya ako ng dalawang beses pero tuloy lang ako sa paglalakad. sorry na. ang bad ko. XD

anti-b0ycott pala?
tinanong kami ng pr0f kung ano daw special sa july10. may proposed boycott nga. tapos nung ni-suggest na ni maam na wag nalang magmeet sa thursday, lahat kami nag-YEHEY! bastos pala ako. hehehe. ang pagboboyc0tt pala ay isang form ng c0rruption. (sabi ni maam.)

a little more confident
binigyan kami ni jb ng list of exercise kanina. tapos may ilang items na sinagutan sa class. medyo nagegets ko na ung ilang concepts ng lesson. hahaha! big improvement! problema nga lang, 1-5pm ang dalawa kong exams this sat. yahoo. good luck sakin.

stressed
dumarami na naman ang pimples ko, kasing dami na ng kelangan kong gawin for the next two weeks. XD sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip. hindi nako nakakagawa. tsk tsk tsk.

parang nagb0ycott na din
wala ng meeting ang 2 out of 3 classes ko sa thursday (eng 30 at ma+h 123.* ). wala pala si maam r0que dahil aawardan daw si s!r baIma bilang isang academecian (tama ba spelling?) at susuportahan daw ng halos lahat ng ma+h faculty si sir. pipilitin pa daw ung iba na sumama. so baka mawalan din ako ng pasok sa ma+h 14*. XD

questions
wala pakong nagagawang matinong questions. lahat nafoformulate ko palang sa utak ko. huhu. pasaway! mabait naman si alip. ;)

#184. let's pray for stan feleo's recovery!

Posted at 10:41 pm by melissa
comments? suggestions?  

Sunday, July 06, 2008
again and again.

anong meron at na-tag ako ulit? :))

TAGGED BY JODI

RULES:
A. People who have been tagged must write their answers on their blogs
and replace any question they dislike with a new question formulated by themselves.
Tag 8 people. Those who are tagged cannot refuse.

B. These 8 people must state who they were tagged by.
You cannot tag the person who tagged you.
Continue this game by sending this to 8 other people.

1. If your lover betrayed you, what will your reaction be?
- "WTF? !@#?!#!@*$%#$!!!"  who knows? i don't. :))

2. What will you do if you do not share the same feelings as the person who likes you?
- uh? may nagkakagusto sakin? talaga? XD

3. What's your take on same-sex marriages?
- it's their lives. it's their choice. wala akong magagawa kung gusto nila.

4. Are you confused as to what lies ahead of you?
- yes? yes. wala pakong idea kung anong mangyayari sa buhay ko after college. parang malapit na yon a. XD

5. What's your ideal lover like?
- siyempre dapat mahal din ako. tapos gwapo. matalino. sporty. (masyado ba akong idealistic???)

6. Which is more blessed, loving someone or being loved by someone else?
- being loved. :)

7. If the person you like does not accept you, would you continue to wait for them to change their feelings?
- ewan. depends on who the person is? may ganung factor? :))

8. If the person you secretly like is already attached, what would you do?
- maiinis. tapos tuloy sa paghanga. tapos eventually magmomove on. hah.

9. What recent event has made you unhappy?
- uh, not really unhappy. naiirita ako sa unnecessary noise ng mga tao sa tabi-tabi. parang ako hindi ganyan! :)) (you know what they say, ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw.)

10. What do you want most in life?
- fulfillment? happiness? success? ewan.

11. Is being tagged fun?
- haha! oo naman. forced kang mag-isip ng mga interesting na sagot.

12. If you find out that your best friend is going out with your boyfriend/girlfriend, how would you react?
- diko maimagine na mangyayari yon. kasi wala namang maaagaw sakin si nikol. haha. yo! wala pakong balak magkarelasyon as of now (baka the next hour meron na? wtf? :)) )

13. Who is currently the most important person to you?
- siyempre family and friends! :D

14. What kind of person do you think the person who tagged you is?
- super fan ni britney! masayang kakwentuhan. :)

15. Would you rather be single and rich or married and poor?
- single and rich. darating din ang lovelife kapag mayaman ka na! haha. ang gandang logic. :))

16. If the person you secretly like cannot recognize you, what would you do/how would you react?
- duh. secretly like kasi. malamang di niya alam. malamang di ako kilala. how sad. :))

17. Would you give your all in a relationship?
- yah, i think. but then again... ewan ko. ang labo ko. :))

18. What's you're all time favorite song?
- ewan. marami akong favorite songs. mostly senti. ayyyy. :))

19. What type of friends do you like?
- fun. game sa lahat ng kalokohan ko. masarap kakwentuhan. mga taong nakakatulong para maging mas mabuti akong tao. (may ganyang drama?)

20. If you played a prank on someone, and he/she fell for the trick, what would you do?
- pagtatawanan ang biktima. sabay broadcast sa buong mundo. ganun naman talaga dapat diba? >:)

nakakatamad talaga mag-isip ng taong itatag. haha. tsaka nako magtatag kapag sinipag. (hindi na ata darating ang panahong yan. XD)

#183

Posted at 10:59 pm by melissa
comments? suggestions?  

ten random facts.

tagged by mitch
-
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Rules:
1. Each blogger starts with ten random facts/habits about themselves.
2. Bloggers that are tagged need to write on their own blog about their ten things and post these rules.
3. At the end of your blog, you need to choose ten people to get tagged and list their names.
4. Don't forget to leave them a comment telling them they're tagged, and to read your blog.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

1. mahilig ako sa chocolates. mahilig ako sa nuts. mas gusto ko chocolates na may nuts! :D lalo na almondsssss. <3

2. kaya kong hindi matulog for more than 24 hours, pero kapalit nun, dapat matulog ako for an average of 15-16 hours straight. note the average word. then again, kung maaari, matutulog talaga ako for 15 hours. XD

3. hindi pako nakakanuod ng live na UP basketball game. in fact, kanina lang ako nakapanuod sa tv. so much for school spirit! (loser din ako phia. :( ) hooray for UP's win kanina against NU. :)

4. favorite boyband ko ang NSYNC. HAHAHA! marami akong kanta nila sa phone ko. at oo, kumakanta din ako sa banyo habang naliligo. but only if 100% sure akong walang makakarinig. bawal pala magreact sa #4. :))

5. kahit na malapit nakong mag-19, mahilig parin ako manuod ng cartoons. top3 tv channels na chine-check ko sa bahay (kapag may cable) is nickel0deon, d!sney channel at cart0on network. tsaka lang susunod ung HB0 at ibang channels. hahaha! naalala ko one time, nakipagwrestling pako with mommy dahil ayaw niya akong panuorin ng p0werpuff girls! :))

6. sa hindi pa nakakaalam, whenever i have the chance (i.e., kapag wala sa mood makinig ng lecture), magdodoodle ako sa kahit anong papel na meron ako. (sa yellow pad, sa notebook, sa index cards, sa bluebooks, sa scratch papers, sa readings, at dati, sa mga textbooks ko pa. baaad!)

7. takot akong maglaro ng volleyball dati. kasi puro pasa ang kapatid ko nung nag-PE siya nun. pero para sa aking minamahal na Ethereals (HS section IV-5), sumali ako sa intersection at natutong maglaro. (pero hindi parin magaling haha) :) kami pala ang kauna-unahang star section na naging volleyball champions sa intersection. hah. we made history! beat that.

8. never pako nagpahaba ng buhok. EVER. ung buhok ko ngayon na ata ung pinakamahaba na napahaba ko ang buhok ko. (whew.) nung bata ako ginusto ko magpahaba pero na-realize ko na ngayon na hindi ko kayang magmanage ng long hair, so wag na kayong umasa na magpapahaba pako ng buhok. pero malay mo? XD

9. isang akong secretive type of person. (so much for keeping THIS a secret. haha!) hindi ko sinasabi ang lahat sa iba. may bagay na mas gugustuhin kong ako lang ang nakakaalam. so kung inaakala niyo na kilalang-kiala niyo nako, well, im sure na may something parin na hindi mo alam sakin. uy, ano kaya yon? :))

10. nagpiano lessons ako nung kinder1-grade2. tumigil ako dahil hindi ko naman gusto. kinailangan pa nga akong i-bribe ng french fries para pumunta sa lessons. tapos one time, for some weird reason, nagawa kong i-stuck ang ulo ko sa chair ng piano teacher ko! hahaha. ngayon, medyo nagsisisi ako na tinigil ko ang pagpipiano. e di sana super galing ko na ngayon di ba? :(

sino pa ba ang hindi nata-tag dito??? kung sino nalang ang may trip gumawa na. haha. AY. si nikol gusto kong i-tag! :))

#182. HAPPY BIRTHDAY TO ROBIN CHRISTOPHER SY!!! :D

Posted at 10:15 pm by melissa
comments? suggestions?  

Saturday, July 05, 2008
wii! masaya ako! :D

first things first.

HAPPY BIRTHDAY TO FRANZE RACQUEL,
RACHELLE RACQUEL and ROBERT VARILLA!


dinner date with jodi :)

friday. hanggang 230 lang ang class ko. wala nakong business sa UP pero ayoko pang umuwi. lately kasi mga around 9pm nako nakakauwi. at may KaSCIyahan opening pa the next day so hindi din makakauwing manila. so tumambay pako. (naghahanap na ng meeting/appointment. haha) tinatamad pako for assignments. tapos hindi pa natuloy ung wii test run. :( tapos wala namang humihingi ng tulong for the opening preparations. i've got nothing to do. naghang out kami ni jodi sa office para magsoundtrip. pero nahuli ata kaming nagsesurf ng forbidden site. lagot. haha.

kaya ayun. nagdecide kami na kumain sa labas. may certain craving pala kami for pizza so sa shak3y's kat!punan kami kumain. (at partially dahil nagSM n0rth na kami nung isang gabi with vicman. para maiba naman.) ang order namin: isang basket 0f m0jos at isang large thin crust pizza. woohoo. at naubos namin yon. busog na busog kami sobra after. :D

KaSCIyahan 08 opening highlights
  
    parade of colors

  • maraming dumating for iMath! (galing ng paawa powers ni vicman! hehe.)
  • dumating si s!r balma sa parade! woohoo.
  • may beagles ang nigs. ang cute nila. (tapos tumatae pala sila kahit saan.)
  • sobrang daming dumating for chem. tapos handang-handa sila with their P15-balloons.
    opening ceremonies sa CS audi
  • ilang beses kaming tumayo-upo para sa invocation, national anthem at oath of sp0rtsmanship.
  • at some point nung kinakanta na ang national anthem, natawa ako bigla. pati si jodi. pati si beng din ata. haha. pero hindi naman namin binabastos ang kanta. swear. (actually, madalas akong natatawa habang kinakanta ang lupang hin!rang. bastos pala talaga.)
    tug-of-war
  • malakas ang chem. pati ang nigs.
  • may isang round ang iMath na against sa nip na halos matalo kami. they're good.
  • may isang round din pala ang iMath against nigs na naglast for 46 seconds. we're good.
  • at sa same round na yon against nigs, natumba si jed at tara at halos mapahiga na din sa damuhan si s!r balma. nung tumayo sila, ako ung natumba paharap. madumi ang pants ko.
  • tatlo palang ang tao for bio. pero go parin sila. at ang ganda ng strategy nila: kapag hindi na kaya, bitawan na ang rope. :))
  • halos lahat ng players nasugatan sa kamay. isa ako sa mga hindi. hah! puro paltos nga lang. XD
  • 3rd ang iMath! (we're one step closer to our goal this year! hahaha.)
    dance dance revo
  • hindi siya natuloy :( isa lang kasi ang nadalang dance pad. pero ok na din dahil bulok na version daw ang nadala. XD
    wii boxing
  • si karlo ang naging player namin. sumali siya kasi gusto niyang masubukan ang wii. (oo. first time din niya kanina.)
  • malupit ang player ng nigs. at babae siya. go ate!
  • mas malupit ang player ng chem. parang wala lang sa kanya ang laro.
  • may character dito na lola. pangalan niya ay magdalena. sosyal. malupit na boxer. bangon kung bangon. at nakakainis pala ang ngiti niya. XD
  • ako ang naglaro sa battle for third against gelo. super nakakapagod! talo ako despite sa number of times na napatumba ko siya. :(
  • grabe ang crowd sa audi. parang tunay na boxing match ang pinapanuod. :))
  • 4th ang iMath! (another step closer to our goal? :D)
    wii tennis
  • diko napanuod ang buong event. nasa labas kasi ako ng audi nun.
  • magaling si karizz! go karizz! champion pala ang nigs dito.
  • hyper parin ang crowd sa audi.
  • sumakit lalamunan ko sa sobrang excitement at pagchi-cheer.
    scav hunt
  • na-realize ko na more of an amazing race siya than a scavenger hunt.
  • hindi pala ako sumali dito. mabagal kasi ako tumakbo. XD
  • nakipag-unahan si vicman sa isang pr0f sa chem. at hindi niya alam na pr0f yun. :))
  • 2nd ang iMath. YAY! :D (isa pa! haha!)
    raffle
  • isang CS shirt, 3 CS ballers, 3 CS lanyards, at 3 CS water bottles ang pinamigay.
  • bawal pala manalo ang council members
  • despite the larger chance ng iMath, wala parin nanalo sa amin. (at 2 out of 3 ang nanalo sa nip! malas lang talaga kami. or may something... hmmm? joke.)
masaya ang opening day! :D (dahil na din sa libreng pizza ni vicman! :D) salamat sa lahat ng pumunta for iMath: tara, terrence, mayen, jed, melisa, eleiza, jack, poch, aiko, marian, karlo, at siyempre kay s!r balma at mam r0que! :) (sino nakalimutan ko?)

sa susunod na mga events ulit! :D

171 update
kakatapos ko lang ng code ko sa 171. grabe ang hirap hanapin ang mali! at least naayos ko pa. XD

#181

Posted at 10:00 pm by melissa
comments? suggestions?  

Friday, July 04, 2008
perfect? flawless!

usapan sa loob ng jeepney:

X: musta na si Z?
Y: ha?
X: si Z.
Y: a ok pa naman.
X: kayo na ba?
Y: ano?! hindi no.
X: kayo nalang.
Y: okay?
X: okay kayo na.
Y: so mas tatanggapin mo kung ako kesa kay W?
X: parang ganun na nga. ay, balita ko may lovelife ka na.
Y: ha? wala ah.
X: e may nagsabi na meron e.
Y: sino nagsabi? wala kaya. swear.
X: sa blog mo daw mukha kang blooming. (wtf?!)
Y: wala. swear.

nafi-feel ko na pala ang bigat ng 21 units. yahoo. hindi pako nag-aaral ng maayos. good luck sa mga exams ko next week.

#180

Posted at 12:20 am by melissa
comments? suggestions?  

Next Page