|
 |
|
Thursday, May 15, 2008
topak ang yah0o! ngayon. bakit kaya?!-----tapos na ang huling araw ng summer classes. isang probset at isang final exam nalang, at...... tapos na ang buhay 2nd year college student.
sige. hayaan muna akong magflashback. hay. kelan lang nang magulat akong 2nd year nako. old times, old times.onga pala, nacornihan lang ako sa party size ng eyaji. apat nga ang dips. hindi naman marami ang chips. (aba nagrhyme!) basta, marami siya pero dahil sa durug-durog na silang lahat. nahirapan tuloy ako kumain. WAHAHAHAHAHA! ano bang kwenta nito?doon naman tayo sa mas mahahalagang bagay. L0L!T S0L!$ nagsorry na kay $AM M!LBY at P!0L0 PA$CUAL!at inurong na nila ang kaso. bati na daw sila. kamon! bakit kinailangan pa nilang maghintay ng PITONG BUWAN para lang magkaayos?! haaay. isang simpleng sorry lang pala ang kelangan. ang daming kaartehan na dadaan pa sa korte blah blah blah blah blah...WAIT LANG AH, mahalaga ba yon?!seryoso na. nakakadepress ito, dudes.ang dami ng namatay na tao sa myanmar dulot ng cyclone at sa china na dahil sa 7.9 earthquake. ewan ko ba. pero sige, isipin mo nalang ang sitwasyon kung saan isa ka sa mga biktimang naipit sa mga gumuhong buildings, tapos nagkataon ay sinuwerte ka't buhay ka pa. nang makita ka ng mga rescuers, malalaman mo na lang na hindi ka nila maihatak palabas dahil nakaipit pa ang iyong paa. tapos wala ng ibang paraan na iligtas ka kungdi putulin ang iyong paa. WTF. kumusta naman yon diba. tapos sa bata nila yon ginawa. O_O (antagal ko na palang hindi nagamit ang O_O) tapos may isang buntis din silang na-rescue na natrap ng mga 50 hours. ang tibay niya grabe. tapos ung iba pang bata, super maga ang kalahati ng mukha nila nung nailigtas na sila.hindi naman sa gusto nang mamatay ang mga taong un, pero argh. nadepress lang ako bigla.nako, bakit hindi pa tapos ang make-up paper mo? mahaba pa ang araw mo mamaya! bilis!
#155
Posted at 01:56 am by melissa
Permalink
Wednesday, May 14, 2008
bakit hindi ko mapreenlist ang math 12*.1???? T_T haaay. ung ibang subjects naman wala pang open na sections.
ano bang gagawin ko sa buhay?! para lang may drama effect. wehe.
and HAPPY BIRTHDAY NICHOLE!!! tumanda ka nanaman, pero best friend parin kita! :)
marami akong gustong ikwento, pero tinatamad nako. XD
#154. wow ang cool! kapag jinumble mo pala ito ay magiging 5-14. naalala ko ang number 23. hala.
Posted at 01:15 am by melissa
Permalink
Sunday, May 11, 2008
kilala ba ako ng tao kaya ako ina-add sa mult!ply? so bakit hindi ko sila kilala? hm hm.
sikat ka kasi, melissa. lol. asa ka.
anyways.
sa huling sakay ko pauwi kanina, may nakasabay akong 2 babae sa jeep. ung isa nanay ata na karga ang baby at ina-assume kong ung isa pa ay ung yaya dahil andami niyang milk bottles na dala. katabi ko ung yaya tapos katapat ko ung nanay.
ang cute nung baby. nakatingin lang ako sa direksyon nila.
ayun. tiningnan din ako ng bata. lalong bumilog ang mga mata niya dahil narin siguro sa maliit pa ang mukha niya.
anong gagawin ko? papansinin ko ba siya?
sabay kong tinaas ang dalawang kilay ko (basta yun kaya niyo igets yan.) para sabihing pinansin ko siya.
aba. walang reaction. inulit ko ang ginawa ko. taas kilay ulit. hinintay ko ang reaction niya.
wala talaga. nakatitig lang siya sa direction ko. tumitingin sa kawalan? baka nga. hindi man lang nagbi-blink mga mata niya. grabe. talong talo nako sa staring contest kung yun man ang ginagawa namin.
ngumiti siya. wala pang ngipin. cute diba?
kinausap pala siya ng yaya niya. nagjo-joke ata tungkol pagbibigti ng kung sino. tawa lang ang baby. palibhasa hindi pa alam ang ibig sabihin ng salitang yun. tsk.
bumaba nako. dahil baka lumampas pa ako sa bababaan ko.
*isang walang sense na kwento. wehehe. cute lang talaga kasi ung baby! XD* #153
Posted at 02:22 am by melissa
Permalink
Friday, May 09, 2008
ano ba yan. malapit nang mag-3. sisihin nalang natin ang halos sampung beses kong pagrereset ng computer para lang matapos ang 1-page paper ko due bukas mamaya.
sige, simulan na ang pagkukwento.
malapit na kasing mamatay ang computer namin. akalain niyong sa bawat linyang nata-type ko, bigla nalang siyang maghahang at hindi pako nagsesave ng file. at kung sakaling ma-save ko nga, sa hindi malamang dahilan ay hindi naman nare-retrieve ng word ang latest save ko. nakakabaliw! buti nalang naaalala ko pa ang mga gusto kong sabihin at natapos nako sa wakas!
at sa kahuli-hulihang pagrereset ko, nag CTRL+S nako sa bawat salitang matype ko para siguradong hindi na mawawala ang natype ko. ayos.
mabuti naman at inuna mo ang paper kesa sa pagba-blog. aba syempre! minsan lang ito. dahil jan, magpapaburger ka na. BURGER! BURGER! BURGER! (ano ba gasgas na. tigil na.)
speaking of burgers...
isang malaking crisis! hindi ako apektado pero wala ng meal#4 doon sa a+e mar!e's burger sa may mainlib! nahalata na ata nilang luging-lugi sila doon. kasi naman kapag hiwa-hiwalay mo silang binili, ang 2packs ng pancit / palabok (wala na din ata ito sa menu) = P25. PLUS C2 small / halo-halo / whatever shake = P25. PLUS french fries / cheeseburger = P20. for a total of P70. noon ko pa ito na-compute. tapos ang singil lang nila is P58. luging-lugi sila. P12 per order. tapos at least 3 orders pa mula sa 3 taong gutom na by 5pm. tapos mga 4-5 times a week pa. magkano kaya yon diba?!
ayon. nag-isip sila ng solusyon: menu makeover.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
DISCLAIMER:
lahat ng mga sasabihin ko ay sariling opinyon lamang. wala pang scientific studies and proofs (that i know of. malay mo meron na pala.) na tama ang mga bagay na mababanggit sa mga sumusunod na talata. HINDI ITO RELIABLE SOURCE kung masama man ito sa mga searches niyo. kindly disregard this crap after reading. magandang araw at maraming salamat po.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
the use of calculators is bad for your health!!! joke. wala lang, todo kasi ang hilo at sakit ng ulo ko hanggang gabi matapos kong gamitin ang scical ko after 10 years sa isang quiz namin. walang katapusang pagpipindot ang ginawa ko dahil nakarami din ako sa maling pagpipindot. umabot ata ng mga isang oras yon. ayon. nangawit tuloy ang leeg ko. wahehehe. kasalanan ko din pala iyon.
oh sige, tigil na. kelangan ko din ng tulog at nangangawit nanaman ako.
#152
Posted at 02:52 am by melissa
Permalink
Tuesday, May 06, 2008
well this is unusual. minsan na lang ako ma-tag, tapos dun sa natripan ko ng gawin dati.
rules are simple: Post 10 things that recently made you happy, then tag ten other people.
nagawa ko na ito dati (see it here), pero hindi na siya recent nung tinag ako ni chase (which was a month and a day ago, nice one.) at ngayon lang ako sinipag na gumawa.
so technically, kelangan kong gumawa ng bagong list. ... at dahil mahal kita chase, gagawa ako ng bagong list. :)
1. getting to talk heart to heart with madee nung weekend. habang naghuhugas ako ng plato. ayos. wala din kasi siyang magawa at mas masaya ang chores kapag may kausap. :)
2. seeing high school friends after 10 years. madaya itong number na ito. hindi na siya ganun ka-recent. pero to specify, madalas ko na makita at makakwentuhan si anay around campus these days.
3. pagtext ni inna sakin kanina. wala lang, it's been a while since nagtext ako para lang makipagkwentuhan sa tao.
4. existence of airconditioners, halo-halo at ice cream! sa pamatay na init ng summer, ewan ko na kung hindi ka pa magpapasalamat na may ganito sa earth!
5. ang daily routine na merienda sa mainlib with blockmates. kahit nakakasawa na ang pagkain, hindi parin ako magsasawa sa company ng mga autistic kong blockmates! hehehe. hindi kami nauubusan ng mapag-uusapan. :)
6. ang pag-progress ng pag-aayos ng friendship. kahit paunti-unti, basta alam mong papunta na sa direksiyong iyon.
7. summer classes, as a whole. sa schedule palang, masaya nako! may mga little complaints, pero may natututunan naman ako. hindi naman ako naii-stress masyado. wehehe. nakikita ko naman ang crush ko araw-araw.
8. ang pagpupuyat for no reason. parang ngayon. nagba-blog lang. :) im a night person kung hindi niyo alam. (madaling araw person to be exact. adik lang.)
okay, number 8 palang un?! exhausted na ang utak ko. corny na ng mga naiisip ko. ay eto may naisip ako ulit.
9. ang successful operation ng isang friend. haha. hindi naman sa super major operation yan pero mabuti naman at tapos na. sorry nga pala kung inakala kong joke lang yun. wahehehe.
10. pag-uwi nang mag-isa. weird pero naisip ko lang kasi na baka ito nalang ang time na meron ako para magmuni-muni ng kung anu-ano. uy ano kaya yon?! basta. time for yourself na walang iniisip na problema.
ayan! natapos na din sa wakas! ang hirap nun. hehe. at tulad ng last time, tinatamad akong magtag. oh well.
#151
Posted at 01:54 am by melissa
Permalink
Monday, May 05, 2008
sige na, feel ko nga na tama ka friend, na clueless ako. mali ata talaga ung iniisip ko. enlighten me. (ang pangit pakinggan.)
wala lang. nung umuwi ako, sumakay ako ng jeep na may dibidi player. ang hitech nila. tapos ung palabas ru$h h0ur (1 or 2 di ko maalala). tapos halos lahat ng pasahero nanunuod. pati driver nanunuod. ayos. buti walang nangyaring masama.
gusto ko ng manuod ng sine!!! pero wala akong pera. hay hay. andami nang nakapila. forbidden kingdom. iron man. tapos sa wednesday, speed racer. ang loser ko naman! XD
#150
Posted at 11:45 pm by melissa
Permalink
Sunday, May 04, 2008
maayos na.
iba ang feeling na alam mong wala ng problema. :) #149
Posted at 01:59 am by melissa
Permalink
Saturday, May 03, 2008
haberdey to karina paula marquez and rubie grace gula
#148. edited. mali pala ang information. wehehehe.
Posted at 03:13 am by melissa
Permalink
Wednesday, April 30, 2008
synchr0nized swimm!ng pero walang connection sa kwento. may analog clockS na pala sa el-ar-ti-tu stations (at least sa kat!p$ station) at hindi sila synchr0nized sa isa't isa. hindi din synchr0nized ang digital clocks nila sa kahit isa sa mga analog clocks.
blessing in disguise? kahapon nung magpapainit nako ng dinner, may nakita akong maliit na ipis na nakadapo sa isang kutsara namin.
0 actual size ng ipis. este actual length. tapos mas manipis ng konti. hindi actual color. ito na ang pinakamalapit. at wala siyang butas sa gitna.
YUCK. ayun, na-dispose ko naman siya nang maayus at hindi nagpanic. (wehehehe!) tapos hinugasan ko ang lahat ng spoons and forks. (hassle diba?) tapos naisip ko lang, buti naman at nakita ko pa yun, kesa sa gapangan niya lahat ng kubyertos namin nang hindi namin alam tapos gagamitin namin sila with all those germs.
daily routine araw-araw pagkatapos ng klase ay tumutungo pa ako ng main lib (hindi sa loob. akala niyo ha!) para kumain ng ice cream, hamburger, o kaya pancit canton. tapos mga kasama ko, walang kamatayang meal #4 na may 2 pack ng pancit canton (pwede gawing palabok), isang 330ml na C2 (pwedeng gawing halo-halo), at isang cheeseburger (pwedeng isang order ng fries). pagkatapos kumain ay magkukwentuhan lang kami ng kung anu-ano (i.e. anime, lumang cartoons, kanta, c2 boys, etc.) hanggang kadiliman. nagsasawa na ata ung mga tindera sa pagmumukha namin. kelangan na namin ng bagong tambayan. hehehe.
excuse me, do you have 5 minutes? *sabay dukot ng baril sa bulsa, BANG!* (thank you kennett for that wonderful intermission number.)
strike 3. namataan nanaman kami. ganun ba kami ka-eye-catching? pero this time, hindi na namin sila pinagbigyan. ayun, naghanap nalang sila ng ibang maa-ambush.
at dahil May 1 na bukas... ... marami daw manganganak! (thank you kennett for that uhhh... "wonderful" joke. pagbigyan na daw, isang taon din niya ito hinintay! XD)
... walang pasok bukas! yes pahinga! pero may quiz sa friday. tsk tsk.
... HAPPY BIRTHDAY HAZEY!!! (pa-cheeseburger ka naman. miss na kita eh.)
#147
Posted at 09:29 pm by melissa
Permalink
Tuesday, April 29, 2008
kaya niyo bang gawin ito? "pagsama-samahin ang ekis na itinaas sa ikalawang kapangyarihan da ekis mula wala hanggang walang hanggan" whew.walang klase sa panp!l bukas at sa thursday!hindi na kelangang magmadali! tapos hindi ko alam kung bakit pero mas na-appreciate ko ang diskusyon namin kanina sa tula kesa ung sa komiks. weird. speaking of the poem, may napanuod akong news about a bunti$ pageant. anong kalokohan ito?! kumusta naman ang talent portion nila?! sumasayaw ng kung anu-ano. good luck sa mga magiging anak niyo. magpe-pray nalang ako na walang masamang mangyayari sa kanila. congrats pala sa mga graduates ng 2008!dumaan na nga pala ang up graduation. sori na kung hindi ako nag-usher, sunday kasi. (che! excuses!) to kuya mike. ate iris. kuya chris. buddy famay. buddy rachel. lord nikko. kuya j.e. kuya daniel. at sa iba pang hindi ko nabanggit, pasensya na. XD
mamimiss ko kayo. kahit na hindi tayo masyadong close, iba pa rin kapag hindi mo na madalas na makikita mga taong yun sa campus. dalawa na.kahapon habang umuulan nang malakas. tapos kanina, habang nagkaklase naman. in-ambush nanaman kami ng mga taga-alfa.om3ga.internati0nal.s+udent.ass0ciat!on. ayoko na ng ganun. no offense pero hindi ako religious. pero hindi din ako non believer. goodness, nagduda ako sa sarili kong faith. (may ganyang factor?) anyways, ito ang interesting part.dalawa silang nagpi-preach. isa mula yu-es at ung isa naman ay mula sa koloomb!a. tapos ung nakasulat sa shirt ni koloombian guy:
"esta camiseta no es lac0ste tampoco n!ke y mucho menor *insert shirt brand name nakalimutan ko kasi* pero esta camiseta es mi favorito por que j3sus nunca pasa de moda"
na-challenge naman ako, e di in-attempt kong i-translate...
"this shirt is neither lac0ste nor n!ke and most especially not *insert shirt brand name nakalimutan ko kasi* but it's my favorite shirt because j3sus never..."
ayun. na-blank ako. hindi ko na alam ung last three words!!! nabitin tuloy ako. wehe. ano meaning nun? kung alam mo, pakisabi naman please?onga pala. ito ang ibig sabihin ko sa unang segment ng post: (courtesy of s!r *insert pr0f name*. cool diba?)
#146. sorry for the spelling inconvenience. this is an anti-go0gl3 campaign. wehehe
Posted at 11:48 pm by melissa
Permalink
|
|
|