darn. darn. DARN!
"2007 most controversial blog of the year"



   

<< April 2008 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:






Tuesday, May 06, 2008
tagged by chasibol

well this is unusual.
minsan na lang ako ma-tag, tapos dun sa natripan ko ng gawin dati.


rules are simple:
Post 10 things that recently made you happy,
then tag ten other
people.

nagawa ko na ito dati (see it here), pero hindi na siya recent nung tinag ako ni chase (which was a month and a day ago, nice one.) at ngayon lang ako sinipag na gumawa.

so technically, kelangan kong gumawa ng bagong list.
... at dahil mahal kita chase, gagawa ako ng bagong list. :)

1. getting to talk heart to heart with madee nung weekend.
habang naghuhugas ako ng plato. ayos. wala din kasi siyang magawa at mas masaya ang chores kapag may kausap. :)

2. seeing high school friends after 10 years.
madaya itong number na ito. hindi na siya ganun ka-recent. pero to specify,  madalas ko na makita at makakwentuhan si anay around campus these days.

3. pagtext ni inna sakin kanina.
wala lang, it's been a while since nagtext ako para lang makipagkwentuhan sa tao.

4. existence of airconditioners, halo-halo at ice cream!
sa pamatay na init ng summer, ewan ko na kung hindi ka pa magpapasalamat na may ganito sa earth!

5. ang daily routine na merienda sa mainlib with blockmates.
kahit nakakasawa na ang pagkain, hindi parin ako magsasawa sa company ng mga autistic kong blockmates! hehehe. hindi kami nauubusan ng mapag-uusapan. :)

6. ang pag-progress ng pag-aayos ng friendship.
kahit paunti-unti, basta alam mong papunta na sa direksiyong iyon.

7. summer classes, as a whole.
sa schedule palang, masaya nako! may mga little complaints, pero may natututunan naman ako. hindi naman ako naii-stress masyado. wehehe. nakikita ko naman ang crush ko araw-araw.

8. ang pagpupuyat for no reason.
parang ngayon. nagba-blog lang. :) im a night person kung hindi niyo alam. (madaling araw person to be exact. adik lang.)

okay, number 8 palang un?!
exhausted na ang utak ko.
corny na ng mga naiisip ko.
ay eto may naisip ako ulit.

9. ang successful operation ng isang friend.
haha. hindi naman sa super major operation yan pero mabuti naman at tapos na. sorry nga pala kung inakala kong joke lang yun. wahehehe.

10. pag-uwi nang mag-isa.
weird pero naisip ko lang kasi na baka ito nalang ang time na meron ako para magmuni-muni ng kung anu-ano. uy ano kaya yon?! basta. time for yourself na walang iniisip na problema.


ayan! natapos na din sa wakas! ang hirap nun. hehe. at tulad ng last time, tinatamad akong magtag. oh well.

#151

Posted at 01:54 am by melissa
vi0lenT reActi0ns (2)  

Monday, May 05, 2008
pahingi naman ng clue.

sige na, feel ko nga na tama ka friend, na clueless ako. mali ata talaga ung iniisip ko. enlighten me. (ang pangit pakinggan.)

wala lang.
nung umuwi ako, sumakay ako ng jeep na may dibidi player. ang hitech nila. tapos ung palabas ru$h h0ur (1 or 2 di ko maalala). tapos halos lahat ng pasahero nanunuod. pati driver nanunuod. ayos. buti walang nangyaring masama.

gusto ko ng manuod ng sine!!!

pero wala akong pera. hay hay. andami nang nakapila. forbidden kingdom. iron man. tapos sa wednesday, speed racer. ang loser ko naman! XD

#150

Posted at 11:45 pm by melissa
comments? suggestions?  

Sunday, May 04, 2008
mas masaya

maayos na.

iba ang feeling na alam mong wala ng problema. :)
#149

Posted at 01:59 am by melissa
comments? suggestions?  

Saturday, May 03, 2008
greetings!

haberdey
to
karina paula marquez
and
rubie grace gula


#148. edited. mali pala ang information. wehehehe.

Posted at 03:13 am by melissa
comments? suggestions?  

Wednesday, April 30, 2008
random random.

synchr0nized swimm!ng
pero walang connection sa kwento. may analog clockS na pala sa el-ar-ti-tu stations (at least sa kat!p$ station) at hindi sila synchr0nized sa isa't isa. hindi din synchr0nized ang digital clocks nila sa kahit isa sa mga analog clocks.

blessing in disguise?
kahapon nung magpapainit nako ng dinner, may nakita akong maliit na ipis na nakadapo sa isang kutsara namin.

0
actual size ng ipis. este actual length. tapos mas manipis ng konti.
hindi actual color. ito na ang pinakamalapit. at wala siyang butas sa gitna.

YUCK. ayun, na-dispose ko naman siya nang maayus at hindi nagpanic. (wehehehe!) tapos hinugasan ko ang lahat ng spoons and forks. (hassle diba?) tapos naisip ko lang, buti naman at nakita ko pa yun, kesa sa gapangan niya lahat ng kubyertos namin nang hindi namin alam tapos gagamitin namin sila with all those germs.

daily routine
araw-araw pagkatapos ng klase ay tumutungo pa ako ng main lib (hindi sa loob. akala niyo ha!) para kumain ng ice cream, hamburger, o kaya pancit canton. tapos mga kasama ko, walang kamatayang meal #4 na may 2 pack ng pancit canton (pwede gawing palabok), isang 330ml na C2 (pwedeng gawing halo-halo), at isang cheeseburger (pwedeng isang order ng fries). pagkatapos kumain ay magkukwentuhan lang kami ng kung anu-ano (i.e. anime, lumang cartoons, kanta, c2 boys, etc.) hanggang kadiliman. nagsasawa na ata ung mga tindera sa pagmumukha namin. kelangan na namin ng bagong tambayan. hehehe.

excuse me, do you have 5 minutes?
*sabay dukot ng baril sa bulsa, BANG!*
(thank you kennett for that wonderful intermission number.)

strike 3. namataan nanaman kami. ganun ba kami ka-eye-catching? pero this time, hindi na namin sila pinagbigyan. ayun, naghanap nalang sila ng ibang maa-ambush.


at dahil May 1 na bukas...

... marami daw manganganak!
(thank you kennett for that uhhh... "wonderful"  joke. pagbigyan na daw, isang taon din niya ito hinintay! XD)

... walang pasok bukas! yes pahinga! pero may quiz sa friday. tsk tsk.

... HAPPY BIRTHDAY HAZEY!!! (pa-cheeseburger ka naman. miss na kita eh.)

#147

Posted at 09:29 pm by melissa
comments? suggestions?  

Tuesday, April 29, 2008
masaya masaya

kaya niyo bang gawin ito? "pagsama-samahin ang ekis na itinaas sa ikalawang kapangyarihan da ekis mula wala hanggang walang hanggan" whew.

walang klase sa panp!l bukas at sa thursday!
hindi na kelangang magmadali! tapos hindi ko alam kung bakit pero mas na-appreciate ko ang diskusyon namin kanina sa tula kesa ung sa komiks. weird.

speaking of the poem, may napanuod akong news about a bunti$ pageant. anong kalokohan ito?! kumusta naman ang talent portion nila?! sumasayaw ng kung anu-ano. good luck sa mga magiging anak niyo. magpe-pray nalang ako na walang masamang mangyayari sa kanila.

congrats pala sa mga graduates ng 2008!

dumaan na nga pala ang up graduation. sori na kung hindi ako nag-usher, sunday kasi. (che! excuses!) to kuya mike. ate iris. kuya chris. buddy famay. buddy rachel. lord nikko. kuya j.e. kuya daniel. at sa iba pang hindi ko nabanggit, pasensya na. XD

mamimiss ko kayo. kahit na hindi tayo masyadong close, iba pa rin kapag hindi mo na madalas na makikita mga taong yun sa campus.

dalawa na.
kahapon habang umuulan nang malakas. tapos kanina, habang nagkaklase naman. in-ambush nanaman kami ng mga taga-alfa.om3ga.internati0nal.s+udent.ass0ciat!on. ayoko na ng ganun. no offense pero hindi ako religious. pero hindi din ako non believer. goodness, nagduda ako sa sarili kong faith. (may ganyang factor?)

anyways, ito ang interesting part.
dalawa silang nagpi-preach. isa mula yu-es at ung isa naman ay mula sa koloomb!a. tapos ung nakasulat sa shirt ni koloombian guy:

"esta camiseta no es lac0ste tampoco n!ke y mucho menor *insert shirt brand name nakalimutan ko kasi* pero esta camiseta es mi favorito por que j3sus nunca pasa de moda"

na-challenge naman ako, e di in-attempt kong i-translate...

"this shirt is neither lac0ste nor n!ke and most especially not *insert shirt brand name nakalimutan ko kasi* but it's my favorite shirt because j3sus never..."

ayun. na-blank ako. hindi ko na alam ung last three words!!! nabitin tuloy ako. wehe. ano meaning nun? kung alam mo, pakisabi naman please?
onga pala. ito ang ibig sabihin ko sa unang segment ng post:

(courtesy of s!r *insert pr0f name*.  cool diba?)

#146. sorry for the spelling inconvenience. this is an anti-go0gl3 campaign. wehehe

Posted at 11:48 pm by melissa
vi0lenT reActi0ns (4)  

Sunday, April 27, 2008
update kungyari

nakikain kami ng dinner sa 16th birthday celebration ng anak ng friend ni papa kanina. pero hindi lang ata birthday ang sine-celebrate nila. kasi parang isang table lang ung para sa friends nung celebrant, tapos mga 4 tables para sa mga friendships ng magulang niya, tapos kami nag-isang table nadin dahil wala ng nakihati samin tapos maraming pang other tables na hindi ko na alam kung sino ang nakaupo.. o diba. lamon lang ako, ni hindi ko man lang kilala kung sino ang nagbirthday.

grabe nanaman ang dami ng kain namin. hindi na mapakali ang tiyan ko. pakiramdam ng kapatid ko ma-e-lbm nanaman daw siya. tapos ung isa ko pang kapatid, biglang nagising minutes ago para sumuka. mahusay. ayan, nasusuka ata uli siya. lumabas kasi ulit.

naalala ko lang ung mga manong tagalinis sa casaa. kasi naman, hindi pa nga tapos kumain ang tao, naka-abang na sa tabi mo para kunin ang plato mo. hehe.

oo nga pala, gagawa pala ako dapat ng reflection paper. sige na nga. paalam.

#145

Posted at 03:31 am by melissa
comments? suggestions?  

Wednesday, April 23, 2008
basta.

note to self:
use the same k kapag hindi nagbago ng situation. ayun. ok na sana pero hindi.

strike 2!
two consecutive days na. dapat ko ng i-condition ang aking sarili. wahehehe.

ako ba yun?
kasi kung oo... hala! bad melissa, bad!


#144

Posted at 11:21 pm by melissa
comments? suggestions?  

Monday, April 21, 2008
head & sh0ulders will save the world!

hindi ko alam kung bakit pero kagabi ko lang napanuod ang movie na "evolution" sa dos. at naaliw ako dahil isang dandruff shampoo (technically, super daming bottles of it, pero iisang brand lang) ang tumapos sa alien na balak kainin ang earth. wahehehe.

tapos nag-endorse pa sa dulo:
"not only does it keep your scalp flake-free and your hair shiny, it can save the world."

or something like that.


#143. i love you daw. bleaugh. wala ito. pramis.

Posted at 11:22 pm by melissa
comments? suggestions?  

Sunday, April 20, 2008
nakalimutan ko pala

nung friday ng hapon nung sinamahan namin si leo papunta ng SC, may nakita kami isang batang humihingi ng tulong. umiiyak na nga siya. tapos ung nakalapit na kami, nalaman naming naipit ang kanyang hinlalaki sa chain nung bike niya... (morbid! joke)

andaming taong dumating para tumulong, at naitanggal din naman ng bata ang daliri niya nang buo parin. ang nagawa ko lang ay bigyan ng payo ang bata pero hindi din niya sinundan.

sadyang pinagtagpo ang landas namin... kasi kami daw ang "chosen ones".

waaaah. corny. sisisihin si leo (or kung sino man sa 3 dito: kennett, ralph, grego).
dahil jan, magpa-cheeseburger ka naman!


#142. bakit may topak ang multiply inbox ko???

Posted at 02:13 am by melissa
comments? suggestions?  

Next Page