darn. darn. DARN!



hey hey!


message me!
may tagboard naman sa baba. :D
   

<< October 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03
04 05 06 07 08 09 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed


Wednesday, May 13, 2009
talk aboout coincidences.

GAAAH. i should be removing love songs from my playlist. but then again, my playlist would reduce to how many songs i do not know. basta kaunti nalang. -_-

para lang may malagay muli sa blog. bakit nga ba hindi nako as enthusiastic as before na ikwento ang halos lahat ng details ng kung anu-ano mang pangyayari sa buhay ko? hahaha. tamad tamad tamad.

o late na. hindi pako naghuhugas ng kinainan. babay!

#283. HAPPY BIRTHDAY CELENE MARYSE LING! :)

Posted at 12:54 am by Melissa
Violent Reactions (2)  

Saturday, May 02, 2009
not really in the mood.

belated happy birthday to hazel mae solis and lui abanador! :)
happy birthday ulit kay inna marquez! :)

advanced happy birthday to rubie grace gula! :)

***

ugh. hindi ko na alam. sana hindi nalang nangyari yun. ansakit sa uloooooo. XD

#282. tamad mode. as always. -_-

Posted at 11:54 pm by Melissa
Comments? Suggestions?  

Tuesday, April 28, 2009
what a night.

ayoko ng mga ganung klaseng usapan!
kaya nga umiiwas ako sa topic na yun kasi wala akong maibabahagi. okay fine. ayoko lang talaga magshare. argh. hindi ko pa naman din kayang magsinungaling sa ganyang bagay. -_-

hindi nako magpapacorner muli. i hope. :))

#281

Posted at 11:07 pm by Melissa
Violent Reactions (2)  

quick post.

time flies.
it's already the last week of april. malapit na matapos ang summer classes. the next thing, it will be our turn to graduate. XD *fingers crossed*

congratulations again to all the graduates! :)


#280

Posted at 02:37 am by Melissa
Comments? Suggestions?  

Monday, April 20, 2009
it hurts. :(

i kinda expected for it to happen, but i was hoping that it wouldn't, because i know it would hurt me big time. still, i did not prepare for it. how stupid can i be?!

haha. ang emo!
ang sakit ng balat ko. particularly sa may shoulders. na-sunburn big time nung nagswimming kami sa pool sa condo ni lora. tapos wala akong dalang sunblock. agh. X_x

anyway, that was a fun weekend. first swimming this summer. andaming food. naka-aircon all day long. bonding moments. bridge. puyatan session. kwentuhan. inuman. (first time big time. :O)

i'm looking for the next weekend. :)

#279

Posted at 01:19 am by Melissa
Violent Reactions (2)  

Wednesday, April 08, 2009
i'm getting used to this (again).

finally summer vacation na! last week pa pala. XD

HAPPY BIRTHDAY MIKKI & ERICK! :)

some random chever muna...
  • globe nako! (kung hindi mo pa alam.)
  • may facebook account nako! (and i'm actually enjoying it. XD)
  • free internet all day long ulit! (dahil hindi ako ang nagbabayad wehehe.)
  • new LAPTOP in the house!!! (hindi ko na pinatawad. sorry na.)
whatever.

so anyway, andami nang dumaan, at wala man lang akong naba-blog. tsk. ayan o may listahan pako.
  1. 2nd Long Exams (super X as Cecile would say.)
  2. Loverage 3
  3. Math Wizard
  4. CS Week
  5. CS Miting de Avance & Elections
  6. Ang pagnuod ko ng You Changed My Life twice within a week (pareho palang sa sinehan.)
  7. CS Recognition
  8. KAISA Victory Party
  9. Org Boost
  10. Week-long Planning ng Double Birthday Surprise for Jodi & Beng at ang Mismong Surprise
  11. Matklab Miting de Avance & Elections
  12. 3rd Long Exams (X parin. hindi nabawi ang failure nung 2nd long exams.)
  13. Finals (isa lang pala ang tinake ko. boo. malaking pangbawi sana. pero tinamad kasi ako. XD)
  14. Matklab BOD 0910 Induction
  15. First Ever 'Meeting' ng BOD sa Trinoma
  16. CSSC 0910 Oathtaking at First Ever GA
argh. pero next time na sila. kung meron pang next time. tinatamad nako. at diko na sila feel pang ikwento. sad. tears.

anyhow, gusto ko lang sabihing FAIL ulit ang enrolment ngayon. pagkuha palang ng form5a, tumagal na ng 20-30 minutes. pagdating ko sa pila...

me: BS Math. DY po. *hands over ID*
kuyang RA: *gets ID* pa-check nadin kung nasa list ka.
me: *checks* hala wala!
RA: may nakuha ka ba sa preenlistment?
me: wala. XD
RA: ah, sa taas mo kukunin. :)


preadvising. ang ineexpect kong maging madugo, naging maayos naman. walang pila. pagpasok ko sa room ni adviser na hindi na natin papangalanan,

[disclaimer. not exact conversation.]

adviser: ilang units ang balak mo?
me: 3 lang po.
adviser: ay. bakit naman?
me: uh, taking my time po. XD
adviser: so, anong balak mong kunin?
me: PI po sana.
adviser: alam mo bang mahirap tong makuha?
me: balita ko nga po e.
adviser: so anong other options mo?
me: uh, hindi nalang po magsa-summer class. XD
adviser: *pauses for a few seconds* okay, sige, bahala ka. :)
me: uh, hindi na po ba mag-a-update ng grades?
adviser: kumpleto na ba grades mo?
me: hindi pa.
adviser: o, sa first sem mo na gawin yan.
me: okay. XD


i was done in less than 5 minutes. uyeh. next stop: PI department Rizal department DFPP (whatever that means). bago pa kami makalampas ng CS, nakasalubong na namin ni Olga si Eka at wow. wala talaga silang balak mamigay ng slots sa mga taong hindi naman graduating this summer.

not today at least.

argh. maghihiwa-hiwalay sana kami tapos text-text nalang, pero lahat pala kami walang load (except kay eka na unli sa globe) so nagdecide kami na patulan ang kahit anong subject na pwedeng makuha. tapos gawin nalang free elective (for olga & my case) tapos pinili naming lahat na pumila for STS. naubos na ang slots nung nakarating kami. pero mag-oopen pa daw sila sa hapon, so naghintay naman kami (sa wala, well ako lang pala).

in the end, nakakuha sina eka and olga ng NatSci1 pero dahil tapos na kami ni tinnie dun, STS at NatSci2 (ubos na ubos na ito) nalang ang choices namin.

hindi kami nakakuha ni tinnie ng STS dahil sa mga butihing taong sumingit before us. *sarcastic much* cool pako nung simula e. "basta tirahan lang nila tayo ng slots, okay lang sakin." ohwell. *hinga hinga* they are not worth it. hindi ako magwawala dahil sa kanila.

nagstay pa kami dahil umaasa pa kaming may magka-cancel  ng STS o NatSci2, tapos nung may nagcancel nga, hindi parin binigay samin. so wala ng kwenta kung maghintay pa. pumunta kaming tambs at naglaro ng pusoydos. haaay.

at least today wasn't that bad. i think.

WINNING MOMENT OF THE DAY
sa dinami-raming nakitext kay eka ngayong araw, marami ding nagreply sa kanya, pero siyempre hindi registered sa phone ni eka.

so sa kalagitnaan ng isang round namin ng pusoydos...

eka: ay ano ba to! *basa ng text* "sige bukas ka nalang umuwi, wag ka ng gagala. love you. god bless!" yuck sino ba to!
me: eka patulan mo na! tutal unli ka naman e! sabihan mo na ng EWWW!

tawa tawa pa kami.

eka: *types "Ew"* *sends message* *realizes na baka para pala siya sa kung sino mang nakitext sa kanya* ay tinnie, hindi ba to sayo?!
tinnie: *kakarealize lang na sa kanya nga* ay oo! si papa yan! ganyan magtext si papa!
eka: O_O *kuha cellphone* *too late! hindi na macancel ang pagsend* halaaaaaa!

...

BUHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
yeah. sorry naman eka. :)) the next time na magbigay ako ng advice, stop and think muna. hehe.

#278

Posted at 02:52 am by Melissa
Violent Reactions (16)  

Sunday, March 29, 2009
vacation mode

argh i'm in vacation mode! argh. argh. argh. may finals at project pakong tatapusin e. XD konting tiis nalang. T_T

#277

Posted at 12:16 am by Melissa
Comments? Suggestions?  

Sunday, March 22, 2009
really not in the mood to blog now.

HAPPY BIRTHDAY MADEE! :)
happy birthday din kay kuya aris at ate gloria. :)

#276

Posted at 01:18 am by Melissa
Violent Reaction (1)  

Sunday, March 15, 2009
sir... FRIES!

yeah. HAPPY BIRTHDAY BENG! :)
sana makatulong ang alarm clock na binigay ng MATTER sayo. :p

Belated Happy Birthday din kay Jodi Abesamis (3/8), Izzay Mascardo (3/8), Jocel Dilag (3/8), Marivic Fan (3/11) and Yasmin Chan (3/13). hehe. tinamad kasi ako magblog nung mismong araw. sorry na. XD

#275

Posted at 02:19 am by Melissa
Comments? Suggestions?  

Saturday, March 14, 2009
february: RTR edition!

okay, wala na talaga akong oras para mag-blog ng bongga.
[DISCLAIMER: hindi exact lines ang mga andito. everything is from my memory.]

Campaign Period at RTR's.
stressful. nakakaloka. pero nakakatawa din. kasama na dito ang (1) sabaw na mga meetings namin. with average attendance of 5 people; (2) pagtape at paggupit ng pins namin. it takes a lot of pages bago mo mama-master ang technique ng pagtape; (3) room-to-rooms. ang konti na nga ng RTR's ko (dahil hati talaga ang attention ko buong campaign period), pero andami kong fail moments. argh.

james, para sayo ito. ngayon lang ako nagpost. hehe sorry.

#1 sa Math117 class ko.

hindi ako dapat kasama dito. (papanuorin ko lang dapat sila or something) pero lima lang sila, and MATTER's RTR's would be much better kapag anim ang tao, so hinatak ako ni beng.

text ni beng: miji sama ka. ikaw yung sa responsableng edukasyon at kooperasyong panlipunan.
reply ko: ha? e wala pakong damit! (green kasi dapat ang suot. humiram lang ako kay jackie, pero hindi ko pa nakukuha sa kanya.)
reply naman ni beng: okay lang yan. :)

so lumabas nako. pero hindi pa pumayag si sir na mangampanya kami, so hintay kami ng konti. tapos nung pinayagan na kami...

MATTER arrangement: beng, likha, karl, mikael, mike, ako.

beng: magandang umaga po sa inyo! mula po sa College of Science, kami po ang MATTER, at mula naman sa National Institute of Molecular Biology *hinga hinga* and Biotechnology, ako po ay si Gabriel, BENG, BENG, Villamil, ang inyong CSSC Chairperson.

likha: at mula naman po sa National Institute of Geological Sciences, ako naman po si Likha, LIKHA, LIKHA, LIKHA Minimo, ang inyong CSSC Vice-Chairperson.

karl: mula din sa National Institute of Geological Sciences, ako naman si Henry Karl, KARL, KARL, KARL Mijares, ang inyong US-----CSSC Councilor.

mikael: mula din sa National Institute of Molecular Biology and Biotechnology, ako naman si Mikael Andre, MIKAEL, MIKAEL, MIKAEL Pura, ang inyong CSSC Councilor.

mike: AKO NAMAN PO SI MICHAEL ANGELO, MIKE, MIKE, MIKE ARTEZA, ANG INYONG CSSC COUNCILOR MULA SA INSTITUTE OF CHEMISTRY. (oo malakas boses niya)

me: mula naman po sa Institute of Mathematics, ako naman po si Melissa Janelle, MIJIMIJIMIJI Dy, ang inyong CSSC Councilor. (hindi daw ako humihinga. XD)

beng: M! matatag na student body!
likha: A! aktibong nakikilahok sa isyung napapanahon!
karl: T! tunay na representasyon at serbisyo!
mikael: T! tumutugon sa kapakanan ng bawat mag-aaral!
mike: E! epektibong komunikasyon!
me: R! responsableng edukasyon at ko... uh wait. kooperatibong? ay kooperasyong... panlipunan! XD XD XD XD

beng: *explains some parts of our GPOA* blah blah blah... so, meron po ba tayong mga katanungan?

kennett: miji, ang R ba ay yung primitive root (referring to that day's lecture)?
me: ewan ko ba! XD *inattempt na sipain si kennett*

beng: wala po ba? *plug plug plug ng ibang candidates*


#2 sa isang Chem class (same day as #1)
MATTER arrangement: beng, likha, miji, jackie, mike, clar, bea, gino.
fail ako dahil hindi kumasya ang green blouse na pinahiram ni jackie sakin. XD XD XD sinuot ko muna ang dakilang green jacket ni likha.

so kumusta naman ang super informal outfit ko: UP shirt na may green jacket, maong pants, at purple rubber shoes. at ihambing mo siya sa suot ni beng na todo karir: light green na long sleeves polo, black slacks, at black leather shoes. kulang nalang ata ay necktie. XD XD XD

so blah blah blah. nagpakilala kami isa isa. pero since more than six kami...

beng: M! matatag na student body!
likha: A! aktibong nakikilahok sa isyung napapanahon!
me: T! tunay na representasyon at serbisyo!
jackie: T! tumutugon sa kapakanan ng bawat mag-aaral!
mike: E! epektibong komunikasyon!
clar: R! responsableng edukasyon at kooperasyong panlipunan!
bea: *steps forward* MATTER! :) (hahaha benta ito!)

mejo fail kasi hindi pa kami masyadong trained to answer questions. tapos binombard kami ng isang student (who turns out to be Winner) ng maraming questions. tapos puro si beng ang sumagot. XD

#3 sa Math123.2 class ni Ma'am Roque
MATTER arrangement: beng, miji, mikael.
si beng sa M, ako sa A, mikael sa T, beng sa T, ako sa E, at mikael sa R. ang konti namin, pero at least matino ang hatian. haha. (dapat pala kasama si cecile nito pero pumunta siya ng SC para ipaprint ang mga nameplates namin. XD)

joke time ang naging performance ko. palibhasa kilala ko lahat ng mga tao sa classroom. errr. XD at this point, namigay nako ng pins sa wakasss.

#4 sa isang Bio lab class

MATTER arrangement: beng, ako, mikael, bea, gino.
after magpakilala at mag-explain ng GPOA...

beng: meron po ba tayong katanungan?
majority ng class: si [insert his name here i can't remember]!!!

kuyang nagtanong: okay, so alam naman natin na sa mga events, kelangan ninyo ng maraming pera. tapos umabot kayo sa isang point na super walang wala na kayo. in the end, nagdesisyon kayong mang-holdap. ayun, hinoholdap mo na yung isang tao, pero lumaban siya. so nasaksak mo ang tao. PERO, imbis na dugo ang lumabas, isang genie ang lumabas! ano ang tatlong iwi-wish ninyo?

beng: uh, since lima kami, pwede bang tig-isa nalang kami? (para naman hindi puro siya ang sumagot)
kuyang nagtanong: sige lang.

beng: okay, so para sakin, ang iwi-wish ko ay sana magkaisa ang mga CS students from different instis, alam naman nating hindi sila nagkakaaway, pero somehow may animosity parin ang mga magkaibang courses blah blah blah... uh miji, ikaw na next. :D

me: uh... WORLD PEACE! ... Joke! uh... uh... mikael, pass muna ako. ikaw muna. XD

mikael: ang wish ko ay sana, ang mga CS students ay mangialam sa mga napapanohong isyu blah blah blah...

bea: blah blah blah... at siyempre maging best insti ang chem. :)

gino: kung ako ang tatanungin, hihingin ko na ang pera, nakasaksak nako ng tao para sa pera, tapos hindi ko pa kukunin?!

#4 sa tambayan ng Geol orgs
MATTER arrangement: beng, likha, karl, mikael, ako, nitzie, gino.
usual pagpapakilala. usual spelling ng MATTER. explain ng GPOA. tanungan.

fail ako dahil after magstutter ng bongga, pangit parin ang pagkakasagot ko sa isang tanong. RARGH. ohwell. frustrated talaga ako ng mga panahong iyon. hehe. naka-ilang strikes na ba kasi. tsk.

***

basically, marami pang ibang fail moments tulad ng hindi pagtuloy sa RTR's in so many instances dahil ayokong magRTR ng mag-isa dahil biglang nagback-out mga dapat kong kasama for acads. *whew* tapos sayang hindi nagkasabay ever sina clar at karl para sa kanilang combo. XD

#274. shet andami pang waitlisted. gusto kong i-post lahat. XD XD XD

Posted at 11:14 pm by Melissa
Violent Reactions (7)  

Previous Page Next Page


random