|
 |
|
Tuesday, June 24, 2008
for the longest time nakong pinipilit na mag-gl0be para kasama naman daw ako sa mga group messages ng mga tao. at hanggang ngayon, hindi pako nagbabago ng number.
bakit nga ba?
a. wala akong extrang phone. (sayang ang lumang number!) b. ayokong nafa-flood ang inbox ko. (mahirap daw magdelete ng messages.) c. loyal ako sa smart. (smart na kasi si pi0lo! hi pareng olga! :D) d. all of the above.
hindi ko alam ang tamang sagot. hahaha. swear. pero kung 'bakit kapag nagtext ako hindi nagrereply ang tao?' ang tanong, alam ko na kung bakit. bwahahaha!
gusto ko nga pala nung bagong lanyard ng UP. huhuhu. pero 10-12 lang ang bentahan! :( may willing bang pumila para sakin? ;;) babayaran ko naman, sige na.
niyayaya pala ako ni eka na mag-app sa ememsi. kasi andun daw ung pogi nyang kras kaya napa-sign-up daw siya. huwehehe!
#172
Posted at 10:49 pm by melissa
Permalink
Monday, June 23, 2008
some things are just WAY TOO PREDICTABLE.
around the world special. in-air kagabi sa dos ang dalawang episodes na nasa pinas sila. at ang special sa episodes na ito (isa lang pala napanuod ko), may challenge part. basta ganito yan. may tatlong challenge na offered sa player, worth 1k, 5k at 10k each. pero isa lang ang kelangan niyang gawin. at siyempre ang pinili ni player, ang huli.
at sa pagpili ng 10k challenge, pinakita muna sa kanya ang 1k at 5k challenges: ang pagkain ng adidas (chicken feet.) at ang pagkain ng fish heads, respectively. ang 10k challenge nga pala: pagkain ng balot.
nagawa ni kuyang player ang challenge nang walang kahirap-hirap. kaya may additional $10,000 siya... sa next offer.
*celebrate lahat ng tao sa studio* come on. magno-no deal lang naman siya. buti sana kung guaranteed na ung 10k. hindi e.
at aba. nag-no deal nga. sabi ko sayo e. ayan tuloy. laki ng tinalo ni kuyang player. pati daw pala ung player sa isa pang episode, malaki ang talo. tsk tsk tsk.
suspension of classes ang pagpredict ng mga dapat nagpepredict sa oh-so-unpredictable weather ay hindi kapani-paniwala. pero one thing's for sure: kapag nagsuspend ng klase dahil sa ulan, titigil din ang ulan sa mismong araw ng suspension. at kapag inaasahang hihina na ang ulan (kaya hindi magsususpend), lalo pa itong lalakas.
o diba.
#171
Posted at 04:33 pm by melissa
Permalink
Sunday, June 22, 2008
mali ang timing mo. wala. sinasabi ko lang.
#170
Posted at 11:14 pm by melissa
Permalink
Friday, June 20, 2008
gusto ko ng choco mall0ws!
4 lates out of 4 meetings. 100% parin ang late record ko sa natsci.
hindi pako umuwi ng manila dahil sa first genmit ng mc kanina na natapos ng 730 ng gabi. andaming pinag-usapan. andaming pagkain. at relatively maraming umattend. yehey.
mali pala ang code ng isa kong program. pero sumuko nako. kahit anong pilit hindi ko siya maayos. haay. bawi nalang next time. sana.
#169
Posted at 11:40 pm by melissa
Permalink
napansin ko lang na everytime na may kailangan akong ipasa, (e.g., papers, exercises, etc.) na basta kinakailangan ang use of computers, parati nalang magwawala si max at maghahang ng fatale. (i.e., at least 20 times.)
so how do you expect me to finish anything?!
tapos kapag nagsusurf lang ako ng net, wala naman siyang angal. ang ayos nga ng pagbblog ko ngayon e. badtrip. palibhasa sumuko nakong matapos ang assignment ngayong gabi. baka bukas ko nalang itutuloy. at most probably mang-aasar nanaman itong pc ko para hindi ako matapos. haay.
#168. ang ironic. dapat good luck ang dala ng 1-6-8 a.
Posted at 01:00 am by melissa
Permalink
Wednesday, June 18, 2008
the future's a mystery, but today is a gift. that's why it's called the PRESENT. *bow* thank you!!! ang napakaprofound na line mula sa kungfu panda. hehehe.
napanuod ko nadin ang kung fu panda. nakakatawa daw siya sobra, at truly, tama ang mga naririnig ko. super naenjoy ko siya! :D as usual, kasama ko ay ang emten. well, 5 lang pala kami. (ako, eka, tinnie, ralph at kennett.) and as usual, biglaan lang ang movie date. mas effective ata un kesa sa mga super pinaghandaan na outings. basta may pera kami. hehehe.
matapos ang movie, sinamahan namin ni eka si tinnie para bumili ng backpack. habang si ralph sinamahan si kennett para kumain ng dinner. kita kita nalang daw sa foodcourt. noong binalikan na namin ung mga lalaki sila kennett at ralph, bigla nalang din silang napabili ng pagkain. at napakain sila ng husto. nyahahaha. kasalanan daw ito ni ralph. anyways, hindi ako bumili kasi andami pang ulam dito sa katips na kelangang ubusin. so pinanuod ko lang sila.
aba. bigla akong inalukan ni kennett ng libreng softdrinks. alam kong bastos ang tumanggi sa ganyang mga offer. pero gutom ako at walang laman ang tiyan ko at masama ang uminom ng softdrinks kapag ganun. pero binilhan parin ako ni kennett-san. e di tinanggap ko nadin. minsan lang naman yon. first time. and maybe the last. hahaha. salamat kennett! :D
grabe ang laughtrip namin kanina habang nasa foodcourt. sumakit ang tiyan ko sa katatawa. whew. namiss ko ang ganitong bonding moments. masyado kasing maraming trabaho. haha. pero wala akong sinasabing ayoko sa trabaho ko. in fact, enjoy nga ako. :)
***
- foundation day pala ng UP ngayon. wala man lang ako nasubaybayan ni isa sa dami ng pakulo for the day. loser. haha.
- hindi dumating si jb kanina sa klase. mahuhuli na kami. sira na ang future namin. exagg. anyhow, tinatamad din pala akong magklase noon so kebs lang.
- may nakita kaming look-alike ni mam _____. ang cool ng resemblance! (at least sa buhok.) unang tingin ko palang nagets ko na ung tinutukoy ni kennett. hahahaha!
- nagdodownload pala ako ng scilab ngayon. grabe ang bagal ng pc dito. haaay. kung gusto mo din ng scilab for free, punta lang kayo dito.
- late pala ako sa natsci. as usual. 3x nakong na-late out of 3 meetings. ayos. buti nalang hindi nagchecheck ng lates si sir. duh. large class kasi. sayang sa oras. XD
- tinanong ako ng pinsan ko about some probability question. nasagutan ko naman ng maayos. fresh pa kasi sakin dahil may 150 ako ngayon. :) saya magturo si sir! tapos kumakanta pa siya habang naglelecture. :P
- ewan ko ba, lately kapag sumasakit ang ulo ko, sumasakit siya ng fatale. at ngayon ko lang naa-appreciate ang effectiveness ng bi0ges!c. dati parang hindi kasi ako tinatablan nun. bakit kaya?
- may nalaman akong napakalupit na sikreto. super hindi ko ineexpect na may mangyayaring ganun. tapos sa taong nirerespeto ko pa (oo. kahit hindi halata.) super disturbing. -.-
- TANONG: may masamang mangyayari ba sayo kung ang kinain mong maalat na itlog ay naging kulay pink na? (i mean, ung mismong itlog.) too much food coloring yon diba? XD
#167
Posted at 11:35 pm by melissa
Permalink
Tuesday, June 17, 2008
namiss kita ngayong tuesday.
haggard parin ako nung gumising ako kanina. pero kahit na tapos na ang fo, may upca+ form pakong kelangang ilakad. so maaga parin akong bumangon.
kahit na pabreak-break ang schedule ko ng TTh, naubos lahat yon sa pagpipila't paghihintay para lang matapos na ung upca+ thing. at dahil pabalik-balik ako ng mb at our, kinailangan kong sumakay ng jeep around to save time.
buti nalang at tuesday! free lahat ng ik0t, t0ki at ph!lc0a jeep rides from 8am-5pm. grabe ang haba ng pila sa mga jeep. super sinulit ng mga students ang pagkakataon. kasama pala ako dun. 3x ata akong umikot around campus para tipid sa oras dahil tinatamad akong maglakad.
kasama ko pala si jodi na nagpass ng form. ung nilakad niya ay yung sa kapatid ng kapitbahay niya. o diba. at least ung nilakad ko ay yung sa pinsan ko. pero dahil kulang ang picture na binigay sakin, napilitan pakong pumunta ng sc para magpacolored xer0x ng picture. grabe ang hassle. tapos inabutan pako ng ulan. basang-basa ako pero at least na-settle ko ang task in one day at nakuha ko na ang test permit.
at may next class pako sa lagay na yon. kapag hindi pako nagmadali, ay na-late nako ng sobra. buti nalang at hindi naman nagwawala ang pr0f ko kapag may nalelate. hahahaha. buti nalang. baka umabsent nako kapag iba ang nagtuturo.
hindi pala ako umabot sa short meeting namin. kasi short talaga siya.
#166
Posted at 09:16 pm by melissa
Permalink
Monday, June 16, 2008
ang lonely na mag-isa. walang makausap. tapos wala pang 'magbabantay' sayo. basta. too much independence. diko ma-take. haha. sana may kasama pako dito sa katips.
pero wag naman sana ipis ang ibigay niyo sakin bilang roommate diba.
hanggang ngayon nandidiri parin ako sa ipis. pero at least mas hindi nako takot sa kanila.
dati noong batang-bata pa ako, whenever may ipis sa sala, makikita mo nalang akong tumatakbo papasok ng kwarto. sabay lock pa ng door. tapos hindi ako lalabas hanggang sa ma-confirm kong patay na ung ipis. (buti hindi ako madalas tumili! haha.)
pero ngayon. may new found courage nako. (hah!) napilitan akong matutong pumatay ng ipis na mag-isa. darn. mag-isa na kasi ako ngayon dito sa katips. wala ng magpo-protect sakin. yuck, as if.
the fact na ni-spray-an ko na ng halos 10ml (hula lang. kungyari ganyan kadami.) ng baygon, nagawa pa nitong makaabot sa kabilang dulo ng room (na ilang meters away) sa banyo at nangisay pa for so long.
YUCK.
tapos sa banyo pa talaga siya mamamatay. if there's one thing i hate: ipis/butiki/daga/other creepy stuffs sa banyo. kainis.
trivia: nagse-secrete DAW ng some smell ang mga ipis every 15 minutes. diko naaamoy e. at wala akong lakas ng loob para pumulot ng isa para lang maamoy ito. NO WAY. mamamatay muna ako. i think.
trivia ulit: gumagawa ng weird sounds ang ipis. diko maexplain pero basta may naririnig akong sounds. pramis.
trivia ulit ulit: alam niyo ba ang lasa ng ipis?!
ako diko alam. akala niyo ha! hehehe.
#165. kills for today: 1 ipis, 2 spiders.
Posted at 11:44 pm by melissa
Permalink
Sunday, June 15, 2008
pumapasok parin kasi ako ng mondays. ano pang sense nun? haay. tapos wala ng break in between. hindi parin ako makaget over. haha.
happy fathers' day sa lahat ng mga tatay!!!
#164
Posted at 11:11 pm by melissa
Permalink
Wednesday, June 11, 2008
day 2 ng bagong sem. late ako sa first class as usual. tapos tinulugan ko pa. tsk tsk.
na-dissolve pala ung section namin sa isang subject. 5 lang kasi kami dun. e dapat at least 10 students daw para hindi ma-dissolve. e mahirap naring humatak ng lima pa para mapilit na magenroll dun. kaya pinili nalang naming lumipat ng section.
ang problema, kapag lumipat kami sa bagong sked, matatamaan ang isa pang subject. so kelangan din namin i-change section ung isa pa.
so kasama sina v!cman friend at g!m, pumunta ako ng cs para kumuha ng dalawang chang3 ma+ f0rms, tapos diretsong cslib para dun magfill-up (may table kasi). sabay balik ng mb para papirmahan sa mga profs ng involved classes.
e limang forms un: 2 sakin, 2 ke vicman, at 1 ke gim. so andaming pirma nun. so pinahintay kami sa loob ng teachers' lounge. ibang aura ang room na yon. tahimik lang kaming 3 nun sa loob habang tawanan ang mga faculty. dun sa ilang jokes na nakakarelate ako, pinigil kong tumawa. hehehe. at after ilang mb-cs roundtrips, naayos na namin ang pagpapalit ng sections. bayad nalang ang kulang.
uuwi na sana kaagad ako para matapos agad ang assignment ni alip sakin, pero bumuhos ang malakas na ulan. nastranded ako sa mb for so long. mga 6 na ng gabi ako nakauwi. ayos diba.
ayoko talaga ng mondays off. anong konek?!
may natagpuan palang stray bombs from WWII sa loob ng science complex! naku. panoo un nangyari?!
#163. wala palang kinalaman ang post sa title. haha
Posted at 11:03 pm by melissa
Permalink
|
|
|