|
 |
|
Monday, June 16, 2008
ang lonely na mag-isa. walang makausap. tapos wala pang 'magbabantay' sayo. basta. too much independence. diko ma-take. haha. sana may kasama pako dito sa katips.
pero wag naman sana ipis ang ibigay niyo sakin bilang roommate diba.
hanggang ngayon nandidiri parin ako sa ipis. pero at least mas hindi nako takot sa kanila.
dati noong batang-bata pa ako, whenever may ipis sa sala, makikita mo nalang akong tumatakbo papasok ng kwarto. sabay lock pa ng door. tapos hindi ako lalabas hanggang sa ma-confirm kong patay na ung ipis. (buti hindi ako madalas tumili! haha.)
pero ngayon. may new found courage nako. (hah!) napilitan akong matutong pumatay ng ipis na mag-isa. darn. mag-isa na kasi ako ngayon dito sa katips. wala ng magpo-protect sakin. yuck, as if.
the fact na ni-spray-an ko na ng halos 10ml (hula lang. kungyari ganyan kadami.) ng baygon, nagawa pa nitong makaabot sa kabilang dulo ng room (na ilang meters away) sa banyo at nangisay pa for so long.
YUCK.
tapos sa banyo pa talaga siya mamamatay. if there's one thing i hate: ipis/butiki/daga/other creepy stuffs sa banyo. kainis.
trivia: nagse-secrete DAW ng some smell ang mga ipis every 15 minutes. diko naaamoy e. at wala akong lakas ng loob para pumulot ng isa para lang maamoy ito. NO WAY. mamamatay muna ako. i think.
trivia ulit: gumagawa ng weird sounds ang ipis. diko maexplain pero basta may naririnig akong sounds. pramis.
trivia ulit ulit: alam niyo ba ang lasa ng ipis?!
ako diko alam. akala niyo ha! hehehe.
#165. kills for today: 1 ipis, 2 spiders.
Posted at 11:44 pm by melissa
Permalink
Sunday, June 15, 2008
pumapasok parin kasi ako ng mondays. ano pang sense nun? haay. tapos wala ng break in between. hindi parin ako makaget over. haha.
happy fathers' day sa lahat ng mga tatay!!!
#164
Posted at 11:11 pm by melissa
Permalink
Wednesday, June 11, 2008
day 2 ng bagong sem. late ako sa first class as usual. tapos tinulugan ko pa. tsk tsk.
na-dissolve pala ung section namin sa isang subject. 5 lang kasi kami dun. e dapat at least 10 students daw para hindi ma-dissolve. e mahirap naring humatak ng lima pa para mapilit na magenroll dun. kaya pinili nalang naming lumipat ng section.
ang problema, kapag lumipat kami sa bagong sked, matatamaan ang isa pang subject. so kelangan din namin i-change section ung isa pa.
so kasama sina v!cman friend at g!m, pumunta ako ng cs para kumuha ng dalawang chang3 ma+ f0rms, tapos diretsong cslib para dun magfill-up (may table kasi). sabay balik ng mb para papirmahan sa mga profs ng involved classes.
e limang forms un: 2 sakin, 2 ke vicman, at 1 ke gim. so andaming pirma nun. so pinahintay kami sa loob ng teachers' lounge. ibang aura ang room na yon. tahimik lang kaming 3 nun sa loob habang tawanan ang mga faculty. dun sa ilang jokes na nakakarelate ako, pinigil kong tumawa. hehehe. at after ilang mb-cs roundtrips, naayos na namin ang pagpapalit ng sections. bayad nalang ang kulang.
uuwi na sana kaagad ako para matapos agad ang assignment ni alip sakin, pero bumuhos ang malakas na ulan. nastranded ako sa mb for so long. mga 6 na ng gabi ako nakauwi. ayos diba.
ayoko talaga ng mondays off. anong konek?!
may natagpuan palang stray bombs from WWII sa loob ng science complex! naku. panoo un nangyari?!
#163. wala palang kinalaman ang post sa title. haha
Posted at 11:03 pm by melissa
Permalink
Tuesday, June 10, 2008
630am palang nasa cs nako.
ang aga no?
che. late nako niyan. 6 ang calltime namin e.
by 645am ay nasa up theater na kami with 8 large bags of long balloons. tumayo lang muna kami sa tabi. picture here, picture there. marami ng freshies na nakaabang. sobrang ingay. ang tagal magsimula ng registration. sinakto nilang 730 magsimulang magregistration with a goal na mapapapasok na nila lahat ng freshies by 8. 30 minutes. come on. parang anlabong mangyari yon. pero sino nga ba ako para magsalita ng ganyan? baka nga kaya nilang tapusin sa kalahating oras. malay ko ba.
noong nagstart na ung registration, nag-abang kami directly sa likod ng pilahan para maabot agad ang mga balloons sa cs freshies. hindi namin inexpect na mula sa 3 iba't ibang pila ang dadaan sa harapan namin kaya napilitan pa kaming magtanong ng isa-isa.
case 1. cs freshie ang tinanong.
"c0llege of sc!ence?" "opo." *abot ng blue and yellow balloons* "welcome! :D"
case 2. non cs freshie ang tinanong.
"c0llege of sc!ence?" "uh hindi po." "ah okay..." "...loser!!!"
eventually, nagdecide kaming sa loob nalang mamigay dahil mas maluwag at mas malamig sa loob. pinayagan naman kaming pumasok sa lobby. pero sa dami ng pumapasok sa theater, nagpakalat-kalat pa kami sa lobby. picture here, picture there ulit.
blah blah blah...
after a few more minutes, mas dumami na ung pumapasok at sinimulan na namin ang pamimigay sa may door. "c0llege of sc!ence?" "c0llege of sc!ence!"
ang nakakatawa lang dito is natatakot ung non-cs freshies samin. doon kasi sila dinerect ng guard tapos puro kaming science na nakaabang sa door. akala nila mali ung pinuntahan nila. hehehe. at tuwang-tuwa ang mga taga-cs dahil may balloons sila (kahit medyo deflated na sila. haha!). mabuti naman.
around 830 umalis nako para magbayad ng tuition sa our. dumaan ako sa lagoon only to find na may two possible ways para marating ang our. one, turn left to cal tsaka dadaan sa likod ng cal. or two, turn right papunta sa direction ng up press, archi, etc... BASTA! i chose the latter. at laking pagsisisi ko at un ang pinili ko. mas malayo pala siya. nyak.
nung nilabas ko na ung pera para magbayad. na-realize ko na wala ng matitira sakin for the day. argh. mali ang bilang ko ng pera. nangutang pako kay bernie para lang may pangkain at pamasahe ako pauwi.
bottom line: enrolled nako. at oras na para sa first class ko. pero hindi kami sinipot ng prof. hah. inaasahan ko na yon.
halos matulugan ko na si jb sa klase kanina. hindi ko alam kung may something sa pagtuturo niya or talagang kulang lang ako sa tulog o dahil siesta time ang 1pm o dahil loner ako sa klaseng yon. pero nagawa kong magising the whole period. kungdi bad shot agad sa first meeting palang. hahaha.
masaya ang last class for the day dahil familiar nako sa prof at kilala ko na halos lahat ng classmates ko.
dumaan ako ng tambs after class at baka may maabutan pa kong freshies. at ta-daa! nandun si sigrid! hahaha! long time no see. ang cool.
at mahaba na ito. bow.
#162
Posted at 09:02 pm by melissa
Permalink
Monday, June 09, 2008
hindi natuloy ang aking haircut.
balik eskwela implies many things...
- balik sa katips.
- balik sa walang cable na tv.
- balik sa mabagal na internet connection.
- balik sa pagtulog ng maaga.
- balik sa paggising ng maaga.
- balik sa stress.
- balik sa pagiging independent (kuno).
...kaya ako'y nagbabalik din! *yehey*antagal ko nang hindi nag-a-update. andami kasing pwedeng gawin kapag nakakawindang ang bilis ng net. pero hanggang blogging lang talaga pwede kong gawin dito sa katips. kahit ang pagcheck ng mail hassle pa.oo. nasanay nako sa mabilis na connection. at oo, umaangal ako.
anyways, what better way to spend your last day of vacation than to pump balloons?! okay, hindi ako nagpump. pero isa ako sa mga nagbuhol nun. SOBRANG MASAKIT siya sa daliri. at sa kamay. at sa braso. all those effort for the incoming freshies. one wrong move at mumurahin na kayo ni gabby. hahaha! at susumpain na namin kayo! joke.masaya parin kahit nasasaktan na kami (literally). at syempre may new friends! at mas maraming trabaho. pero sa tingin ko mag-eenjoy naman ako. yahoo!
#161
Posted at 06:52 pm by melissa
Permalink
Wednesday, June 04, 2008
bayad nalang at officially enrolled nako for the first sem.
kwentong enrolment 9 units pa ang kulang ko. lahat majors.
6am palang gising nako. nakarating ako ng UP wala pang 8. nakuha ko kaagad ang form5a ko at dumiretso ng MB. pangatlo akong dumating sa aming batch. ayos. minsan lang ito. hehe.
at dahil june2, mga freshies and graduating lang dapat pwedeng makapag-enlist. pero dahil sa college of science kami, pwede na rin! mabilis kong naenlist ang 123 at 150. yehey. ang 110 sa hapon pa magbubukas ng bagong section (umaasa kasing iba ang prof! hahahaha!) kaya nakipagkwentuhan pako sa kung sinu-sinong math people.
naglunch sa grill queen kasama sina tin, thea, laarni, rye, eks, dudubs at onin. at bumalik ng MB para kumuha ng 110. darn. pareho lang ang prof. ohwell.
nagpa-assess at umuwi na. wala pa kasi akong pambayad. XD bagsak sa kama pag-abot sa bahay. bumawi muna sa tulog.
i have to say na mas nadalian ako sa enlistment ngayon. kahit 9 units pa ang kulang ko, at least puro majors. so lahat sa MB lang. hindi na kelangang palipat lipat ng buildings.
21 units ako this sem. at 15 doon ay math subjects. kakayanin ko to! XD
#160
Posted at 12:25 am by melissa
Permalink
Monday, May 26, 2008
wahaha, hindi nako nakakapagkwento lately.
nagawa ko nadin ang gusto kong gawin! 1. swimming sa wakas! salamat kay thea, onang, & co. para sa pagkakataong ito. super saya niya! :) next time ulit.
2. nanuod ng sine sa wakas! at dalawa pa sa loob ng isang linggo. at may bagong dvd din pala kami. AT natuto nakong manuod sa internet. (kaya marami talaga akong pinanuod.)
ginagawa ko parin ang dating gawain. 1. puyat hanggang sunrise. (almost everyday)
2. tulog. nap. idlip. basta yon.
3. nuod ng cartoons. at magpakababoy.
4. hugas ng pinggan. at some other chores.
one of the worst things to do on a sunday morning: pumunta sa star city para mag 'sunbathing'. tapos makikipagsiksikan ka pa sa maraming tao. tapos nakaitim ka pa.
#159
Posted at 02:51 am by melissa
Permalink
Thursday, May 22, 2008
ang mga kelangan kong maths this sem, closed na lahat. f*ck. kainis!!! tatlo sila. meron bang taong kasing malas kong wala pang 110.2 at 123.1, 150.1? help help!
#158
Posted at 11:40 pm by melissa
Permalink
Tuesday, May 20, 2008
ayaw talaga. may kinabukasan pa ba kaming mga minamalas?! madali lang ang finals namin kanina. pagandahan nalang ng sulat sa bluebook to. yahoo. andaming nagrewrite sa haba ng oras. hehehehe.
#157
Posted at 02:41 am by melissa
Permalink
Friday, May 16, 2008
argh. nauubusan nako ng dugo dahil sa pesteng lamok na hindi ko mapatay! (kelangan talagang magsimula parati sa pagrereklamo. ayos.)
nahihirapan nako sa sipon ko. todo singhot ako buong gabi. kanina naman hindi ako makahinga ng maayos. tapos hindi ako makarinig nang maayos.
at kumusta naman ang pagtulog ko ng halos buong araw:
-kagabi ng 8pm tulog nako. -nagising ng mga 130am para uminom ng gamot. -tulog ulit ng mga 2am. -nagising ng mga 6am para lang tingnan ang orasan. -tulog ulit. -nagising ulit ng 9am para pag-isipan kung manunuod ng cartoons pero natulog lang ulit. -officially bumangon ng 1230pm para magbantay ng bahay at kumain ng lunch. -uminom din pala ulit ako ng gamot. -tapos nanuod lang ng tv hanggang sa antukin nanaman ako sa sofa. -tutal umalis nadin ang plantsadora. pero may papakuha pa si mami. -hindi nako nakapigil. mga 3pm, nakaidlip ako. mga 15minutes. -tapos nagising dahil tumawag si papa sa bahay. -tapos bangag mode ulit habang nanunuod ng tv. -tapos nakaidlip ulit ako mga 330pm na. mga 15minutes ulit. -tapos nung umuwi si erick, dumiretso nako ng kwarto. -siya na ung pinabantay ko ng bahay. -natulog nanaman ako. mga 4pm palang un. -tapos nung nagising ulit ako mga 6+ na ng gabi.
un ang huling tulog ko as of now. tapos na-realize ko na umiinom ako ng dec0lgen f0rte. kaya pala bangag ako ng fatale. hehehe. hindi muna ako uminom nung gabi para magising.
at kumusta din ang test of knowledge na ito. kakauwi ko lang galing lakwatsa. bangag nako at sobrang sinisipon. narinig ko si madee sa kabilang kwarto na may sinasabing "okay lets ask miji to see if she's really smart."
aba aba. ano ako? tanga?
pumasok si madee sa kwarto kung nasaan ako.
ako: so what are you gonna ask me?
madee: (may hawak na mga flashcards na nalaman kong pambata) (nagsimulang magbasa ng isang riddle) blah blah blah blah blah...
ako: fireman. duh. what an easy question.
busy pako sa pagbibihis noon.
ako: dont ask me any more questions. those are too easy. im not that stupid.
madee: okay sige. last na ito.
ako: okay fine.
madee: okay. what contains rocks and dirt and has everything?
ako: huh? uh... pot? (flower pot sana)
madee: no.
ako: garden? (kahit alam kong mali. hahaha)
madee: no.
gusto ko pang maghanap ng ibang salita. kahit anong salita. para lang may masabi. pero naubusan ako ng words noong panahong yon.
shet. suko nako.
ako: so what's the answer?
madee: Earth!
oh come on. pahiya ako doon. kainis. hehehehe.
#156
Posted at 11:07 pm by melissa
Permalink
|
|
|