darn. darn. DARN!
"2007 most controversial blog of the year"



   

<< June 2008 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:






Monday, June 09, 2008
hindi natuloy ang aking haircut.

balik eskwela implies many things...
  • balik sa katips.
  • balik sa walang cable na tv.
  • balik sa mabagal na internet connection.
  • balik sa pagtulog ng maaga.
  • balik sa paggising ng maaga.
  • balik sa stress.
  • balik sa pagiging independent (kuno).
...kaya ako'y nagbabalik din! *yehey*

antagal ko nang hindi nag-a-update. andami kasing pwedeng gawin kapag nakakawindang ang bilis ng net. pero hanggang blogging lang talaga pwede kong gawin dito sa katips. kahit ang pagcheck ng mail hassle pa.

oo. nasanay nako sa mabilis na connection. at oo, umaangal ako.

anyways, what better way to spend your last day of vacation than to pump balloons?! okay, hindi ako nagpump. pero isa ako sa mga nagbuhol nun. SOBRANG MASAKIT siya sa daliri. at sa kamay. at sa braso. all those effort for the incoming freshies. one wrong move at mumurahin na kayo ni gabby. hahaha! at susumpain na namin kayo! joke.

masaya parin kahit nasasaktan na kami (literally). at syempre may new friends! at mas maraming trabaho. pero sa tingin ko mag-eenjoy naman ako. yahoo!

#161

Posted at 06:52 pm by melissa
vi0lenT reActi0n (1)  

Wednesday, June 04, 2008
byebye summer

bayad nalang at officially enrolled nako for the first sem.

kwentong enrolment

9 units pa ang kulang ko. lahat majors.


6am palang gising nako. nakarating ako ng UP wala pang 8. nakuha ko kaagad ang form5a ko at dumiretso ng MB. pangatlo akong dumating sa aming batch. ayos. minsan lang ito. hehe.

at dahil june2, mga freshies and graduating lang dapat pwedeng makapag-enlist. pero dahil sa college of science kami, pwede na rin! mabilis kong naenlist ang 123 at 150. yehey. ang 110 sa hapon pa magbubukas ng bagong section (umaasa kasing iba ang prof! hahahaha!) kaya nakipagkwentuhan pako sa kung sinu-sinong math people.

naglunch sa grill queen kasama sina tin, thea, laarni, rye, eks, dudubs at onin. at bumalik ng MB para kumuha ng 110. darn. pareho lang ang prof. ohwell.

nagpa-assess at umuwi na. wala pa kasi akong pambayad. XD bagsak sa kama pag-abot sa bahay. bumawi muna sa tulog.

i have to say na mas nadalian ako sa enlistment ngayon. kahit 9 units pa ang kulang ko, at least puro majors. so lahat sa MB lang. hindi na kelangang palipat lipat ng buildings.

21 units ako this sem. at 15 doon ay math subjects. kakayanin ko to! XD


#160

Posted at 12:25 am by melissa
comments? suggestions?  

Monday, May 26, 2008
wahaha, hindi nako nakakapagkwento lately.

nagawa ko nadin ang gusto kong gawin!
1. swimming sa wakas!
salamat kay thea, onang, & co. para sa pagkakataong ito. super saya niya! :) next time ulit.

2. nanuod ng sine sa wakas!
at dalawa pa sa loob ng isang linggo. at may bagong dvd din pala kami. AT natuto nakong manuod sa internet. (kaya marami talaga akong pinanuod.)


ginagawa ko parin ang dating gawain.
1. puyat hanggang sunrise. (almost everyday)

2. tulog. nap. idlip. basta yon.

3. nuod ng cartoons. at magpakababoy.

4. hugas ng pinggan. at some other chores.


one of the worst things to do on a sunday morning: pumunta sa star city para mag 'sunbathing'. tapos makikipagsiksikan ka pa sa maraming tao. tapos nakaitim ka pa.

#159

Posted at 02:51 am by melissa
comments? suggestions?  

Thursday, May 22, 2008
nooo!

ang mga kelangan kong maths this sem, closed na lahat. f*ck. kainis!!! tatlo sila. meron bang taong kasing malas kong wala pang 110.2 at 123.1, 150.1? help help!

#158

Posted at 11:40 pm by melissa
vi0lenT reActi0ns (2)  

Tuesday, May 20, 2008
argh.

ayaw talaga. may kinabukasan pa ba kaming mga minamalas?!
madali lang ang finals namin kanina. pagandahan nalang ng sulat sa bluebook to. yahoo. andaming nagrewrite sa haba ng oras. hehehehe.

#157

Posted at 02:41 am by melissa
comments? suggestions?  

Friday, May 16, 2008
malala na ang sipon ko.

argh. nauubusan nako ng dugo dahil sa pesteng lamok na hindi ko mapatay!
(kelangan talagang magsimula parati sa pagrereklamo. ayos.)

nahihirapan nako sa sipon ko. todo singhot ako buong gabi. kanina naman hindi ako makahinga ng maayos. tapos hindi ako makarinig nang maayos.

at kumusta naman ang pagtulog ko ng halos buong araw:

-kagabi ng 8pm tulog nako.
-nagising ng mga 130am para uminom ng gamot.
-tulog ulit ng mga 2am.
-nagising ng mga 6am para lang tingnan ang orasan.
-tulog ulit.
-nagising ulit ng 9am para pag-isipan kung manunuod ng cartoons pero natulog lang ulit.
-officially bumangon ng 1230pm para magbantay ng bahay at kumain ng lunch.
-uminom din pala ulit ako ng gamot.
-tapos nanuod lang ng tv hanggang sa antukin nanaman ako sa sofa.
-tutal umalis nadin ang plantsadora. pero may papakuha pa si mami.
-hindi nako nakapigil. mga 3pm, nakaidlip ako. mga 15minutes.
-tapos nagising dahil tumawag si papa sa bahay.
-tapos bangag mode ulit habang nanunuod ng tv.
-tapos nakaidlip ulit ako mga 330pm na. mga 15minutes ulit.
-tapos nung umuwi si erick, dumiretso nako ng kwarto.
-siya na ung pinabantay ko ng bahay.
-natulog nanaman ako. mga 4pm palang un.
-tapos nung nagising ulit ako mga 6+ na ng gabi.

un ang huling tulog ko as of now. tapos na-realize ko na umiinom ako ng dec0lgen f0rte. kaya pala bangag ako ng fatale. hehehe. hindi muna ako uminom nung gabi para magising.

at kumusta din ang test of knowledge na ito.

kakauwi ko lang galing lakwatsa. bangag nako at sobrang sinisipon.
narinig ko si madee sa kabilang kwarto na may sinasabing "okay lets ask miji to see if she's really smart."


aba aba. ano ako? tanga?

pumasok si madee sa kwarto kung nasaan ako.

ako: so what are you gonna ask me?

madee: (may hawak na mga flashcards na nalaman kong pambata) (nagsimulang magbasa ng isang riddle) blah blah blah blah blah...

ako: fireman. duh. what an easy question.

busy pako sa pagbibihis noon.

ako: dont ask me any more questions. those are too easy. im not that stupid.

madee: okay sige. last na ito.

ako: okay fine.

madee: okay. what contains rocks and dirt and has everything?

ako: huh? uh... pot? (flower pot sana)

madee: no.

ako: garden? (kahit alam kong mali. hahaha)

madee: no.

gusto ko pang maghanap ng ibang salita. kahit anong salita. para lang may masabi. pero naubusan ako ng words noong panahong yon.

shet. suko nako.


ako: so what's the answer?

madee: Earth!

oh come on. pahiya ako doon. kainis. hehehehe.

#156

Posted at 11:07 pm by melissa
comments? suggestions?  

Thursday, May 15, 2008
naman!

topak ang yah0o! ngayon. bakit kaya?!
-----
tapos na ang huling araw ng summer classes. isang probset at isang final exam nalang, at...

... tapos na ang buhay 2nd year college student.

sige. hayaan muna akong magflashback.
hay. kelan lang nang magulat akong 2nd year nako. old times, old times.


onga pala, nacornihan lang ako sa party size ng eyaji. apat nga ang dips. hindi naman marami ang chips. (aba nagrhyme!) basta, marami siya pero dahil sa durug-durog na silang lahat. nahirapan tuloy ako kumain. WAHAHAHAHAHA! ano bang kwenta nito?

doon naman tayo sa mas mahahalagang bagay.

L0L!T S0L!$ nagsorry na kay $AM M!LBY at P!0L0 PA$CUAL!

at inurong na nila ang kaso. bati na daw sila. kamon! bakit kinailangan pa nilang maghintay ng PITONG BUWAN para lang magkaayos?! haaay. isang simpleng sorry lang pala ang kelangan. ang daming kaartehan na dadaan pa sa korte blah blah blah blah blah...

WAIT LANG AH, mahalaga ba yon?!
seryoso na.

nakakadepress ito, dudes.

ang dami ng namatay na tao sa myanmar dulot ng cyclone at sa china na dahil sa 7.9 earthquake. ewan ko ba. pero sige, isipin mo nalang ang sitwasyon kung saan isa ka sa mga biktimang naipit sa mga gumuhong buildings, tapos nagkataon ay sinuwerte ka't buhay ka pa. nang makita ka ng mga rescuers, malalaman mo na lang na hindi ka nila maihatak palabas dahil nakaipit pa ang iyong paa. tapos wala ng ibang paraan na iligtas ka kungdi putulin ang iyong paa. WTF. kumusta naman yon diba. tapos sa bata nila yon ginawa. O_O (antagal ko na palang hindi nagamit ang O_O) tapos may isang buntis din silang na-rescue na natrap ng mga 50 hours. ang tibay niya grabe. tapos ung iba pang bata, super maga ang kalahati ng mukha nila nung nailigtas na sila.

hindi naman sa gusto nang mamatay ang mga taong un, pero argh. nadepress lang ako bigla.

nako, bakit hindi pa tapos ang make-up paper mo? mahaba pa ang araw mo mamaya! bilis!

#155

Posted at 01:56 am by melissa
comments? suggestions?  

Wednesday, May 14, 2008
WHY?!?!

bakit hindi ko mapreenlist ang math 12*.1???? T_T
haaay. ung ibang subjects naman wala pang open na sections.

ano bang gagawin ko sa buhay?!
para lang may drama effect. wehe.

and
HAPPY BIRTHDAY NICHOLE!!!
tumanda ka nanaman, pero best friend parin kita! :)

marami akong gustong ikwento, pero tinatamad nako. XD

#154. wow ang cool! kapag jinumble mo pala ito ay magiging 5-14. naalala ko ang number 23. hala.

Posted at 01:15 am by melissa
comments? suggestions?  

Sunday, May 11, 2008
ay ewan.

kilala ba ako ng tao kaya ako ina-add sa mult!ply? so bakit hindi ko sila kilala? hm hm.

sikat ka kasi, melissa.
lol. asa ka.

anyways.

sa huling sakay ko pauwi kanina, may nakasabay akong 2 babae sa jeep. ung isa nanay ata na karga ang baby at ina-assume kong ung isa pa ay ung yaya dahil andami niyang milk bottles na dala. katabi ko ung yaya tapos katapat ko ung nanay.

ang cute nung baby.
nakatingin lang ako sa direksyon nila.


ayun. tiningnan din ako ng bata. lalong bumilog ang mga mata niya dahil narin siguro sa maliit pa ang mukha niya.

anong gagawin ko?
papansinin ko ba siya?


sabay kong tinaas ang dalawang kilay ko (basta yun kaya niyo igets yan.) para sabihing pinansin ko siya.

aba. walang reaction.
inulit ko ang ginawa ko. taas kilay ulit. hinintay ko ang reaction niya.


wala talaga. nakatitig lang siya sa direction ko. tumitingin sa kawalan? baka nga. hindi man lang nagbi-blink mga mata niya. grabe. talong talo nako sa staring contest kung yun man ang ginagawa namin.

ngumiti siya.
wala pang ngipin. cute diba?


kinausap pala siya ng yaya niya. nagjo-joke ata tungkol pagbibigti ng kung sino. tawa lang ang baby. palibhasa hindi pa alam ang ibig sabihin ng salitang yun. tsk.

bumaba nako.
dahil baka lumampas pa ako sa bababaan ko.


*isang walang sense na kwento. wehehe. cute lang talaga kasi ung baby! XD*

#153

Posted at 02:22 am by melissa
comments? suggestions?  

Friday, May 09, 2008
what time is it?!

ano ba yan. malapit nang mag-3.
sisihin nalang natin ang halos sampung beses kong pagrereset ng computer para lang matapos ang 1-page paper ko due
bukas mamaya.

sige, simulan na ang pagkukwento.

malapit na kasing mamatay ang computer namin.
akalain niyong sa bawat linyang nata-type ko, bigla nalang siyang maghahang at hindi pako nagsesave ng file. at kung sakaling ma-save ko nga, sa hindi malamang dahilan ay hindi naman nare-retrieve ng word ang latest save ko. nakakabaliw! buti nalang naaalala ko pa ang mga gusto kong sabihin at natapos nako sa wakas!

at sa kahuli-hulihang pagrereset ko, nag CTRL+S nako sa bawat salitang matype ko para siguradong hindi na mawawala ang natype ko. ayos.


mabuti naman at inuna mo ang paper kesa sa pagba-blog.
aba syempre! minsan lang ito. dahil jan, magpapaburger ka na. BURGER! BURGER! BURGER! (ano ba gasgas na. tigil na.)

speaking of burgers...

isang malaking crisis!
hindi ako apektado pero wala ng meal#4 doon sa a+e mar!e's burger sa may mainlib! nahalata na ata nilang luging-lugi sila doon. kasi naman kapag hiwa-hiwalay mo silang binili, ang 2packs ng pancit / palabok (wala na din ata ito sa menu) = P25. PLUS C2 small / halo-halo / whatever shake = P25.
PLUS french fries / cheeseburger = P20. for a total of P70. noon ko pa ito na-compute. tapos ang singil lang nila is P58. luging-lugi sila. P12 per order. tapos at least 3 orders pa mula sa 3 taong gutom na by 5pm. tapos mga 4-5 times a week pa. magkano kaya yon diba?!

ayon. nag-isip sila ng solusyon: menu makeover.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------
DISCLAIMER:
lahat ng mga sasabihin ko ay sariling opinyon lamang. wala pang scientific studies and proofs (that i know of. malay mo meron na pala.) na tama ang mga bagay na mababanggit sa mga sumusunod na talata. HINDI ITO RELIABLE SOURCE kung masama man ito sa mga searches niyo. kindly disregard this crap after reading. magandang araw at maraming salamat po.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------

the use of calculators is bad for your health!!!
joke. wala lang, todo kasi ang hilo at sakit ng ulo ko hanggang gabi matapos kong gamitin ang scical ko
after 10 years sa isang quiz namin. walang katapusang pagpipindot ang ginawa ko dahil nakarami din ako sa maling pagpipindot. umabot ata ng mga isang oras yon. ayon. nangawit tuloy ang leeg ko. wahehehe. kasalanan ko din pala iyon.

oh sige, tigil na. kelangan ko din ng tulog at nangangawit nanaman ako.

#152

Posted at 02:52 am by melissa
comments? suggestions?  

Next Page