darn. darn. DARN!
"2007 most controversial blog of the year"



   

<< May 2008 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03
04 05 06 07 08 09 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:






Thursday, July 19, 2007
YAHOO tagal ng break!

himala!

isang himala! napadpad uli ako sa aking blog! pano nga ba nangyari yon??? wala lang. ehe. actually ngayon naghahanap ako ng ways kung paano magcommute from UP to Ongpin. naman kasi. malapit na ang aking debu-- (cough!).. ahem... 18th birthday! YAY! im gonna be an adult!

    *pwede nakong uminom ng alcoholic beverages! (hic! joke)
    *pwede nakong manuod ng X-rated films! XD loka!
    *pwede nakong magtrabaho! (no thanks next tym nalang)
    *pwede nadin akong makulong!!! :O :O

anyways. at dahil malapit na nga ang aking pagiging dalaga? (talaga lang.... hahaha!) ako'y magcecelebrate sa sabado! YAY! ininvyt ko na ang mga ETHEREALS, EMTEN at ang MATKLAB. kaya nga lang. karamihan nga sa kanila ay ndi marunong pumunta! hay! xempre ako dapat magturo kung pano pumunta eheheh!

tumatanda nako!!! yuck! uhuhuhu...

kumusta naman ang aking ikalawang taon ng pamumuhay sa UP???

    OMG SECOND YEAR NA PALA AKO!!!

haha. ndi parin ako thoroughly nakaget-over sa fact na yon! woohoo! kakatuwa naman! anyways! sobrang sabog ako dis sem! sabog ng sked, sabog ang pagtulog,  sabog ang oras ng pagkain, at lahat lahat na!


ano toh? Q&A Portion sa Miss Universe??? haha basta!

    ***xempre kinakarir ko na ang pagiging math major ko! yahoo!


1.) bakit sabog ang aking sked?

PROOF:


    kumusta nga naman! tingnan nyo nga!

MONDAYS   TUESDAYS   WEDNESDAYS   THURSDAYS   FRIDAYS   SATURDAYS
gudnes lab!  buong araw!  pasaway talaga!   hows that?!   isa pa toh! akalain nyo?!

Physics71.1      Geog1            CWTS1            Physics72         Geog1        Stat101
(10-12nn)        (7-830am)        CSMSI            (230-330pm)    (7-830am)    (9-12nn)
                                             (8-10am)
Physics72         Math109                                     Math64         Math109
(230-330pm)   (10-1130am)                              (4-515pm)   (10-1130am)

Math64            Physics72                                                        Physics72
(4-515pm)      (230-330pm)                                                   (230-330pm)

                         Math64                                                               Math64
                        (4-515pm)                                                        (4-515pm)

looks can be deceiving nga nman diba! dko lang nilagay mga 3hour breaks ko jan!

grabe! adik!!! haggard!!! ayan. SABOG nga nman tlga sked ko!

end of proof.// kamon! :D


2.) bakit sabog ang pagtulog ko?

    kasi naman! sabog nga sked ko! kaya paiba iba ng oras ang aking pagtulog at paggising! tulad na nga lang ngaun! palibhasa eh thursday na at 230pm pa ang una kong klase! adik!!! at kung TF nman eh 530am dapat nakabangon na ako! uhuhu! kaawa-awa nga nman ako!

    haggardness my goodness!
   
    i can therefore say that p-->q,
                    where p(x)="x has a sabog schedule this sem"
                               q(x)="x has abnormal sleeping patterns now"
                   and we take x to be "melissa".

    in words, if melissa has a sabog schedule this sem , then melissa has abnormal sleeping patterns now. by modus ponens, if p is true and p-->q is also true, we can conclude that q is true.

    ***ohshet adik nako sa math109!!! saya ke mam paras!!! :D :D :D though dko natapos ang quiz kahapon... :'c


3.) bakit sabog ang eating times ko?

kasi. ayoko na nga! katamad nang magexplain. its just a case of (p--> q)-- > r!
                                    
                  where p(x)="x has a sabog schedule this sem"
                               q(x)="x has abnormal sleeping patterns now"
                               r(x)="x is eating random amounts of food at random times."
                   and we take x to be "melissa".

Q.E.D. ~~~



and in the end... CONGRATS CONGRATS! nanalo ako ng SABOG AWARD! wow! galing! adik! wahaha!



anyways nag-aapply ako ngayon sa UPCSA (UP Chinese Student Association) at nakakaloka! 100 ata kaming applicants!!! yahoo! andami!

member nako ng UP Math Club. ndi ba obvious? busy na para sa FMQ!

at dko parin nareremove ang badminton ko! epal talaga! hmph!

GUESS WHAT? may bagong pag-asa! 97% ako sa 1st LE ko sa Math64! 1.0! here i come! yeah!!! :D :D :D


ohwell. mahaba na ulit ang entry ko! yehey! til here muna! 2:22am na! bawal dapat magpuyat! hahahah!

COUNTDOWN: 6days 21hrs 37minutes til my bday! hehehe! :D

Posted at 01:39 am by melissa
vi0lenT reActi0ns (2)  

Wednesday, March 21, 2007
nakapagtataka

***
walang tigil ang gulo sa aking pag-iisip
mula nang tayo'y nagpasyang maghiwalay
nagpaalam pagkat di tayo bagay
nakapagtataka...

kung bakit ganito ang aking kapalaran
di ba ilang ulit ka na nagpaalam
bawat paalam, ay puno ng iyakan
nakapagtataka, nakapagtataka

hindi ka ba napapagod
o di kaya'y nagsasawa
sa ating mga tampuhan
walang hanggang katapusan
napahid ng mga luha
damdamin at puso'y tigang
wala nang maibubuga
wala na kong maramdaman

walang tigil ang ulan at nasaan ka araw
napaano ng pag-ibig sa isa't isa
wala na bang nananatiling pag-asa
nakapagtataka, saan na napunta?

hindi ka ba napapagod
o di kaya'y nagsasawa
sa ating mga tampuhan
walang hanggang katapusan
napahid ng mga luha
damdamin at puso'y tigang
wala nang maibubuga
wala na kong maramdaman

kung tunay tayong nagmamahalan
ba't di tayo magkasunduan

***

hmm. senti mode. nababanas ako ngayon. last week na ng classes. eh andami ko pang requirements...

    *EEE project, 2nd long exam
    *Math 5th long, final exams
    *CS ME, final exam

haay buhay. talagang mas mahirap ang college kaysa sa high school ano??

namimiss ko na sobra ang ETHEREALS!!! T_T

haynako. bumalik na nga sa trabaho! baboosh!

Posted at 11:48 pm by melissa
vi0lenT reActi0ns (2)  

Wednesday, February 28, 2007
SALAD, anyone?

alam kong the title would seem to be out of topic. pero may basehan din yan. malalaman nyo din yan. naks!


akalain mo ba naman?! FEB28 na ngayon! at MARCH na bukas?! WTF?! ang bilis talaga ng panahon. kahit kelan talaga. next thing i know, bagong taon nanaman... (2008?!)


ang topic sa entring ito ay... ELECTIONS 2007.

layo noh? pero wait lang.

anyhow, d pa ako makakapag-vote this year. sa july pako mag-e-eighteen eh. imagine that. makakasabay kong first time magvote un mga mas bata sakin (by up to 3 years!) hmpH! madaya! pero okay lang. ndi din ako ganon ka-atat magvote anyways.

ndi naman yan ang kwento. pero as all of you know, senatorial elections ang magaganap this coming May 14, 2007 (bday ni bestpwend!=D) at xempre may campaigning period...


*ayan na... walang katapusang campaigns! nakupow!*
hindi ba nakakainis ito in some way!?


at kung mapapansin nyo. may ibang campaigns na JUST PLAIN IRRITATING... paulit-ulit mo ng nakikita sa TV at nangyayari eh...

"mas gugustuhin ko pang manuod ng mga commercials!"

OK fine. ako lang siguro yon.

at sa lagay na yan, malayo pa ang elections. panu na kaya kung ung tipong 1-2 weeks nlang bago ang May14?! e di tuluyan nang nawala ang mga commercials at baka pati mga teleseryeng pinapanuod ko eh, mawala din...-_-' ARAY naman.


*ndi ko nalang sasabihin ang mga ndi dapat sabihin. you know what i mean. ala-blind item ito ng showbiz! wahaha. baka makasuhan pko ng wala sa oras! LOL.

ilan sa mga feel kong walang saysay na campaign eh un ke >tooooooot<. kasi naman, hindi porket dumaan ka lang, eh tatawagin ka na ng mga tao. busy din nman ang mga taong ito diba? feel na feel pa nya ang paglingon, sabay kaway. kaninong campaign kaya ito?

ung iba naman, wala pa nung campaign period eh, nakakatatlong sunud-sunod na commercials(daw?!) pa. hay ang BUHAY nga nman. (MAGARA pa ba?) at ang mga kababaihan... ndi dapat inaabuso... MAHALIN nga diba!?

argh. nakakabadtrip eh. i mean, madaya yon. eh kung sa campaigning period palang dinadaya na tayo, mapagkakatiwalaan ba natin sila kpag nasa puwesto na sila!?

ang iba naman. nakakainis ang mukha. OK fine. discrimination. wala lang. ndi magandang tingnan sa TV. ang babaw na dahilan. LOL.


"pangarap kong makakain ng masasarap at masusustansiyang pagkain..."

"PWEDE MO NA AKONG KAININ!"

*AY MALI! este...*

"pangarap kong tuparin ang iyong pangarap."

PROSPERO PICHAY, PRO-PINOY. ITANIM SA SENADO.


*Gulay ng Senado, kamo?!*


LOL. naalala ko tuloy un usapan nming ng mga blockmates ko...
  • may gulay... Pechay?
  • tpos may naka-orange pa! Carrots?
  • may Cheese pa nga eh.
  • may isa pa daw, naka-green. Lettuce nga ba?
konting ingredients nalang, makakabuo na tayo ng SALAD sa senado! YAHOO. o diba? sinong na ang gutom?!


ngayong alam nyo na ang kinalaman ng salad sa entring ito, ang masasabi ko lang sa inyo, VOTE WISELY. thank you. seryoso eh noh?!

wahaha. seryoso nga ako.

Posted at 12:07 am by melissa
comments? suggestions?  

Tuesday, February 27, 2007
announcement!!!

may credit cardS na ako sa wakas! hehe.

*take note of the 'S'* lol.

sinong gustong magpalibre sakin?! sabihin nyo lang! =D

ahem ahem... ang liit eh noh? malabo pa! d na nga makita actually! sana walang makapansin....

ay wala! wala akong sinabi. ehehe... but no choice parin kayo! dahil

-JOKE LANG-

ang sinabi ko four(4) lines ago! ndi ko na kayo paaasa pa! wahaha >evil laugh<

maawa naman kayo ke papa. siya ang magbabayad ng lahat. nagparinig na nga bago ko pa mapirmahan ang card ko. LOL.

dont wori. d ako masamang anak. makakaasa ka sakin. d kita bibiguin. ANO KAMO? ang drama! haha.

but seriously, d naman ako ang tipong bibili ng just about anything i want. ndi tlga eh. bakit kaya?! may problema ba sakin?! kahit sarili kong damit ndi ako marunong pumili kung anong gusto ko... bakit kaya?! -_-'

buti nalang nakuha ko na ang credit card ko... sa wakas... i can spend in PEACE(?)

ano daw?!

=ahem ahem=

xempre ibibitin ko na kayo. hanggang jan lang. no more, no less! secret ko na ito. sikretong maluFet. bawal malaman ng kung sinu-sino! very confidential...! =P

Posted at 09:23 pm by melissa
vi0lenT reActi0ns (2)  

ndi ba?

...basta eh umoO nalang muna kayo.

naweweirdohan na talaga ako sa mga tao ngayon.

medyo naiinis nga actually.


bakit ba kasi kelangang i-exagg ang mga detalye ng buhay mo?

*para ba mapansin ka ng mga tao?
*para ba maawa sila sayo?
*o kaya naman eh, wala ka lang magawa sa buhay?

ganun ka na ba ka-desperado?

eh kasi ang lumalabas, ginagago mo lang kaming lahat, para lang sa sariling kapakanan.


opinion ko lang naman ito. walang personalan ito. OK?

Posted at 05:18 pm by melissa
comments? suggestions?  

Sunday, February 25, 2007
something i want you to know

abah?! ang drama ng title!? wala lang. may trip lang akong ilagay na trivia dito.


alam nyo ba kung ano ang GOOGOLPLEX?!

Googolplex- is the number 10 raised to the googol-th(?) power.
                  - a one followed by a googol zeroes.

eh ano nman ang googol?

Googol- 10 raised to the 100th power.

so technically, ang googolplex ay



o kaya nman ay



i-check nyo pa yan. 100 zeroes nga ang nasa exponent! LOL. amazing diba!?

*courtesy of wikipedia, the free encyclopedia*


...just a thought...

panu kaya kung may ganyan ako karaming pera?! HUWAW. ehehe.

humihingi kasi c nichole ng pera na may halagang avogadro's number(6.02 * 10^23). eh bakit ndi nlang perang may halaga na googolplex?!

YAHOO. asa pa tayo.

hindi nman ata dadami ng ganun ang money supply sa mundong ito. imagine mo. may reserved requirement na kelangang itago ang mga banks for emergency purposes just in case na may client na magwiwithdraw ng malaking halaga. supposedly 10% ang reseved requirement, 90% nalang ang pwedeng ipahiram ng bank sa tao, kaya 90% lang ang magsicirculate sa mga tao. kaya 90% lng ang money supply...

*blah blah blah blah...*

shet. why am i talking about economic nonsense here?! pasensya na. may exam pko sa econ11 mmyang 1-3pm ng SUNDAY. ganon tlga ang econ dept. ang hassle diba?! at hindi parin ako nag-aaral. at least may alam na akong RESERVED REQUIREMENT. yeeha!


o cge cge. enough for now. kelangan ko pang mag-aral! good luck sakin! :D

*the end*

Posted at 11:03 am by melissa
comments? suggestions?  

Saturday, February 24, 2007
bakit ganun?!

ang pagkaalam ko...

***dreams are supposed to symbolize something that happened or will happen to you. o kaya nman un opposite nun. eh panu na kung un napanaginipan mo eh...

NANGYARI TALAGA?!

ano kamo?! eh may ganun cases talaga. for example, (xempre kwento ko ito. malay ko ba kung ndi nman ito nangyari sakin.) =ahem! ahem!=


february 13, 2007. night before math63 third long exam.

*aral aral aral aral aral aral aral aral aral aral aral aral aral aral aral aral aral aral tulog*

xempre kelangang matulog. ayoko ng maulit ang mag-exam ng walang tulog. hindi maganda ang results. kaya ako ay natulog. at xempre kapag ang tao'y tulog, mananaginip din!

*enter dream*

im sitting on a chair inside a classroom. sabay pasok ng prof namin. may inabot na yellow paper sakin. what i see in front of me is a very big....

87%

nakabilog pa nga eh. o diba!? bigla akong nagising! tapos na ang panaginip. wow.


february 14, 2007. valentines day. day of our exam. how nice.

"wala nman cgurong makikipagdate sayo ng umaga..."
-manj0logs       

argh. wala lang. may karapatan nman akong magalit diba? kahit wala akong date, im just using my rights. wahaha. basta! ang pangit parin.

ayun. e di nag-exam. so-so ang exam ko. pasado nman. pasado lang! uhuhuh. ndi ako makabawi! CR*P!!! =ahem! ahem!= mga klasmates ko blanko ang bluebooks. marunong nako sa lagay na yon.


february 19, 2007. just another ordinary school day... para sa class ko.

sa ibang section? hindi. sinoli un bluebooks nila. tatlo lang ang pumasa sa kanila. 3 lang!!! MYGOSH! kinabahan ako bigla.

shet! baka babagsak din ako... for the first time in my math history... babagsak ako?!

kinabahan talaga ako. nakita nga ng blockmate kong si eka... si vicman daw (magaling sobra sa math)... nakatulala... "bagsak ako..." sabi nya. shet! pano n ako?


february 22, 2007. deadline for dropping subjects.

dont worry.  ndi ako magddrop. pero dahil deadline na ng dropping, kelangang ibalik ang exam nmin... kung sakali man may klasmate akong may balak magdrop. ayun.

pumasok si manjo. may dalang bluebooks. eto na. ibibigay na nya. shet. pero naglecture pa muna xa. sa dulo ng class, tska nya binigay. ayan. inisa-isa na.

moment of truth! inabot na ni sir un bluebook ko... at pagkabuklat ko... ang nakita ko ay...GUESS WAT?!

*ay ang bilis nmang hulaan yan...!*

BAGSAK!!! ARGH! FIRST EVER BAGSAK SA MATH SA BUONG BUHAY KO!!!T_T

joke lang! loka! hinding hindi ako papayag na bumagsak sa math! obvious ba ang grade ko?! kaya nga pinasok ang panaginip ko kanina eh...


***sa mga mababagal ang utak dahil sa kababasa ng entry na ito, 87% ang grade ko. shet ang baba! at least pumasa... pero ang hirap nang i-uno ang math63 sa lagay na yan. tsk tsk tsk!


bago ko pa tapusin itong post... huling tanong lang po sa inyo...

PSYCHIC BA AKO?!

LOL. joke lang. pero seriously?! ndi nga?! wahahaha. the end.

Posted at 08:01 pm by melissa
vi0lenT reActi0ns (3)  

Friday, February 23, 2007
an entry with no specific purpose

ang ganda ng title ano? anyhow, kung mapapansin nyo, mahilig talaga ako gumawa ng

MAHAHABAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANG

entries. wala lang. napansin ko lng din. LOL. bihira lang nman akong mag-update. pagbigyan nyo na ako. wahahaha! anyhow, wala din kayong choice. blog ko toh! =P

Posted at 11:20 pm by melissa
comments? suggestions?  

mirror, mirror on the wall...

...who's the greatest crammer of all?!

asus. stupid question yan. ndi na kelangan ng magical mirror para malaman ang tamang sagot jan. sino nga ba?! eh di AKO. dati ko pa ito naiisip eh. pero ngaun lng sa oras na ito, sa minutong ito ko lng narealize... na totoo nga. ako nga ang greatest crammer... baket nga ba? sige. simulan na naten.

once upon a time... wait lng... ndi nman ito fairy tale. ok... restart.

it all started at the first meeting of kas1--- phil history (yuck!)... we were oriented of what the course requirements are... namely... 2 long exams and 1 paper. not just any paper. it's a 10-page-single-spaced paper. oh dear god. how about that. i suddenly remembered my term paper back in high school. it was so crap. never mind the details of this term paper. you just have to know that i finished it the night before the deadline. with not-so-good-results to match. i expected that though. nothing good cramming can give you. the problem is, i will never learn.

so back to the story, the good thing is, deadline's but until the end of the sem. what a paper. so what? i still got a whole sem to worry about it. i got other requirements to fulfill in my other subjects. the paper was at the bottom of my priority list. tough luck for the paper. tsk tsk.

progress on kas paper: 0%
days to go before submission, oct6: roughly 120 days? 4 months.

as weeks went by, it's as if i've completely forgotten about the paper. my classmates have been seeing the prof for consultations regarding their paper and the paper was the last thing on my mind.

progress on kas paper: 0%
days to go before submmission, oct6: 90 days or 3 months.

they have finished their outlines yet i havent got a clue on which topic to write about. then it dawned on me. the fact that there's only 2 months left and ten more pages to write about something. i've got to do something!

but i cant think of anything. my mind's blank. and so i've asked a friend for suggestions of a topic. anything related to the philippines. suggestion: reality shows. somewhat cool topic huh?! what happens next is that i didnt start at all. i've got a topic? so what. big progress here! sorry outline but you'll have to wait some more.

progress on kas paper: 0.01% --- topic
days to go before submission, oct6: 60 days or 2 months.

more weeks went by, and for every meeting for this course, i would ask my classmates how their papers were doing. no progress they said. wow. i'm not alone at almost 0%. what an achievement. though there are still who are very dedicated regarding theirs. they've started already. sad to say, you can still count them with the fingers of your right hand. how about that. at most 5 students have started by that time. they are like so.... dedicated. and im so not dedicated. hmmm... then the burden adds up.

we were required to do some field work/ interview / survey to our papers to make it much more credible. how about that. hassle's the word dont you think? what a paper. demanding is it not?! now ive hated the paper much more.

countdown--- 1 week left. amazing. i still havent started. i again asked my classmates for their progress... others havent started still yet most have at least a page already. this time, you can count with the fingers of your left hand the people who still has yet to progress; 0%. nothing at all. that includes me of course. now isnt that nice?!

that night, or so i remembered, i decided to start my PHILO paper wc was given to us just the week before. how nice. well, this one's a lot easier to finish. eventually i end up typing only 10% of it and an outline for my kas paper that isnt not even specific on what to talk about. yahoo.

progress on kas paper: 0.1% -(topic and outline)
days left before submission, oct6: 5 days to go.

then came monday... usual school day. only this tym i went home late because of my F.I.... i concentrated on my F.I for the night.

progress on kas paper: still 0.1%
days left before submission: 4 days to go.

then it was tuesday. day if my F.I. i finished it 7pm. omg. i was too drained after that.

progress on kas paper: still 0.1%
days left before submission, oct6: 3 days to go


*hmmm... break nga muna.... LOL... kahit ba nman ang entry na ito. iccram ko pa next time?! XD


*WOW. ang tagal na ng break ng blog ko. AS IN... months. nyehehe. ngaun lng tlga ako ulit sinipag na i-update ito.


*ang haba na ng entry. actually sinave ko ito as a draft (long time ago...) sa sobrang haba at ngaun ko lng ulit natripang ituloy... buti nlng medyo naalala ko pa ang istorya! nyehehehe!

please bear with me. mahaba-haba pa itong katuloy. kung ndi na kaya ng mga mata nyo, next time nyu na ituloy. dapat ituloy! :D

I WARNED YOU! i will not be responsible sa mga masasamang mangyayari sa mata ninyo if ever!

whew! OK! continuation...!


anyhow, nung tuesday na yon absent ako sa klase dahil sa F.I... our prof announced na ang deadline ng paper ay oct.9! woohoo! kaya ayun. less pressure. no progress.

progress on kas paper: still 0.1%
days left before submission: 6 days to go

ayan. wednesday na, wala akong ginawa, as expected. LOL.

progress on kas paper: still 0.1%
days left before submission: 5 days to go

*blah blah blah blah* same old story. im not doing what im supposed to do. magsasawa lang kayo kung iisa- isahin ko pa. though to tell you the truth, dko na din maalala kung anu ba ang pinaggagagawa ko those days at ndi ko ginawa ang paper. wahaha. ang galing diba?!

at magically, napostpone ulit ang deadline sa friday oct.13! YEAH!!! ndi daw matapos ng iba kong klasmates. pinagbigyan ng prof. kaya ayun. besides, may exam pko ng math sa tuesday. kung kayo ay math major at tatanungin, alin ang uunahin mo?

ang MATH na major subject mo, o ang KAS paper na NAGFIFEELING MAJOR mo?

you know what happens next. wala. no progress sa kas paper! -_-'

anyhow, departmental exam(finals ito!) ko din pla ng chem1 sa oct13... hows dat?! weeee... umaga ang exam. 1pm pa ang deadline ng paper. alin ang uunahin? e di ang exam. *CRAM ULIT*

oct.12 >day... errr.... night before deadline.<
xempre aral muna chem1... 6 hours of staring at my readings with minimal results. whew! pero no choice. kelangan ng SIMULAN ang paper.

ayoko ng idetail? pa ang dreadful night ko na walang tulog na napakasakit sa mga mata ko na alang-alang lang sa aking kas paper. ayaw na daw?! fine. hnggang jan nlng nman un.

dumating ang umaga at mamula-mula na ang aking mata. mukha na akong addict. pero sa kasamaang palad ndi pko tapos. OUCH! pero kinakailangan ko ng maligo at pumasok para sa exam. whew!


SITUATION: ndi ka natulog pero ndi dahil nagpuyat ka sa pag-aaral mo para sa exam. pano ka kaya papasa ng exam!?

SAGOT: ndi ko din alam. pero ang pagkaalam ko, pumasa parin ako! wahahaha.


anyhow, back to the story. tapos na ang exam. kelangan ng ituloy ang paggawa ng paper. punta ako ng SC para magpatuloy sa pagttype. sa sobrang bangag, binaboy ko na. pumila na ako sa rum ng prof ko. sa kasamaang palad. mahaba ang pila. xempre lahat ng tao, sinagad ang time. ang problema, ngrereject parin ang prof ng mga papers!

ARGH! malakas na kutob ko na irereject lang din nya un akin. d nako nglakas-loob pang iabot un paper ko. pinagbigyan ulit kmi. sa monday daw ulit. dapat maayus na ang lahat lahat. weeeeeee.

F.Y.I sarcastic ako. ibagsak mo na ang paper ko! wag mo ng ipaulit sakin! ayoko ng gumawa ng paper!!!! pero no choice. ayoko ding bumagsak. -_-'

MORE TIME FOR ME.... to cram. wahahahah. hulaan nyo kung kelan ko inayos ang paper ko? saturday? ndi eh. monday morning? wag nman. sunday night nman! wahahah.

anyhow, basta. pinasa ko na ng monday. e d chinek ng prof ko. disappointed xa! wat do you expect!? kinram ko lng yan. pero napilitan xa tanggapin ang paper ko! wahahaha! sorry ka nlng!

in the end, ang nakuha kong grade sa kas1.... 2.25. ang galing. to think na ndi ko kinareer ang subject! what more if i did!? wahahahahahaha.

ayan. yon lng muna. pahinga na muna ang mata! thank you thank you!

O ANO? NDI BA AKO ANG GREATEST CRAMMER?

*mga may objections, lgot kayo sakin! joke. patunayan nyong hndi!*

Posted at 10:24 pm by melissa
vi0lenT reActi0n (1)  

Monday, October 02, 2006
Reasons Why I Hate Bagyong Milenyo

1. Walang kuryente.
 madilim. mainit. walang tv. walang phone. etc...any objections?!
2. Walang pasok.
Sige lang. mag-angal ang kelangang mag-angal. sori po. pero naghahabol kc ako sa mga requirements eh.
3. Napilitan akong mag-aral.
gasp! ako ba yan?! wala kcng magawa. sheet.
4. Hindi nman ako nakapag-aral.
hello?! wala ngang kuryente.
5. Nagsayang ako ng ilang araw.
bilangin nyu pa. thursday. friday. saturday. sunday. APAT. 4 days wasted. wala nga akong nagawa. tsk tsk.
6. Natulog ako.
duh?! no electricity nga! how many times ko pa kelangang ulitin?!
7. Walang nangyari sa mga papers ko.
kahit man lang ang outline eh wala. eh kasi nga natulog ako.
8. May kuryente na.
nothing to be happy about. nawala nako sa studying/do-my-papers mode.
9. Napostpone pa ang F.I. ko sa tuesday.
eh dapat nung friday pa ako tapos. walang pasok eh. sa mga ndi nakakaalam, F.I. ay formal interview. requirement ito sa application sa math club.
10. Dahil wala ngang pasok, anung meron?
eh di make-up class. what else?
11. Dumami pa ang gagawin ko this week.
papers. two papers to be exact. plus F.I. plus make-up klas. plus exams. plus problem set. gudlak saken.
12. Hindi ako umuwi ng manila.
wala din parin kasing kuryente dun. eh dito sa katips meron na. ndi ba?
13. Hindi nadala ang extra white shorts ko para sa p.e.
walang kuryente. panu mu ipaplantsa? buti nalang may spare pkong isa. isa nga lng.
14. Kelangan kong magdala ng extra pants for p.e. HASSLE.
eh kasi nga isang lng shorts ko. kelangan ko pang suotin ulit sa thursday.
15. Isa na nga lng shorts ko, bumigay pa.
feel na feel ko kc ang p.e today sa kakalaro. eventually ayun. ayoko ng i-emphasize pa. buti nga kamo nagdala nga ako ng extra pants. LOL.
16. At dahil nga postponed ang F.I. ko
late ako umuwi para ISAPUSO ang constitution ng math club. eew. isapuso. not really. understand lng nman. ngpatulong ako sa buddy ko eh.
17. At dahil im understanding the consti at late ako umuwi
inabutan ako ng malakas na ulan. ndi nman si Milenyo. ikaw na ba yan Nene?
18. Sarado pa ang mga acad oval.
walang jeep na dumadaan. kelangan pang maglakad ng malayu papuntang vinzons hall sa sakayan ng katips.  bad trip tlga oh. hassle nman.
19. Muntik nakong MASAGASAAN.
seryoso ako. buti nga kamo paa ko lng. poor foot. haaay. maga xa ngaun. tsk tsk. ndi ko nman nkita un kotse. ndi din ako nkita ng kotse. dilim kase. topak ng mga street lights. at ndi nman ako uuwi ng late kung di dahil sa F.I. ko. at kung ndi nman nasuspend ang klases e d tpos nko sa F.I. ko. ARGH!
20. Napagalitan pako ng nanay ko.
kasi nga. baket ako late umuwi?! ayun. ndi nman daw mangyayari yon kung maaga ako umuwi. eh kasi nga F.I. ko.

yon na. maraming rason na yan. pagud nkong mag-icip pa. bad trip ako ngaun eh.

***CONCLUSION***
I HATE TYPHOON MILENYO.

ndi lng dahil don. panu mga trees?! wawa nman cla. tsk tsk.

P.S. sa mga nagtetake ng philo subjects jan, sufficient na ba ang mga premises ko para i-support ang conclusion sa argument na ito?! wahaha.

Posted at 08:42 pm by melissa
comments? suggestions?  

Previous Page Next Page