|
 |
|
Thursday, May 22, 2008
ang mga kelangan kong maths this sem, closed na lahat. f*ck. kainis!!! tatlo sila. meron bang taong kasing malas kong wala pang 110.2 at 123.1, 150.1? help help!
#158
Posted at 11:40 pm by melissa
Permalink
Tuesday, May 20, 2008
ayaw talaga. may kinabukasan pa ba kaming mga minamalas?! madali lang ang finals namin kanina. pagandahan nalang ng sulat sa bluebook to. yahoo. andaming nagrewrite sa haba ng oras. hehehehe.
#157
Posted at 02:41 am by melissa
Permalink
Friday, May 16, 2008
argh. nauubusan nako ng dugo dahil sa pesteng lamok na hindi ko mapatay! (kelangan talagang magsimula parati sa pagrereklamo. ayos.)
nahihirapan nako sa sipon ko. todo singhot ako buong gabi. kanina naman hindi ako makahinga ng maayos. tapos hindi ako makarinig nang maayos.
at kumusta naman ang pagtulog ko ng halos buong araw:
-kagabi ng 8pm tulog nako. -nagising ng mga 130am para uminom ng gamot. -tulog ulit ng mga 2am. -nagising ng mga 6am para lang tingnan ang orasan. -tulog ulit. -nagising ulit ng 9am para pag-isipan kung manunuod ng cartoons pero natulog lang ulit. -officially bumangon ng 1230pm para magbantay ng bahay at kumain ng lunch. -uminom din pala ulit ako ng gamot. -tapos nanuod lang ng tv hanggang sa antukin nanaman ako sa sofa. -tutal umalis nadin ang plantsadora. pero may papakuha pa si mami. -hindi nako nakapigil. mga 3pm, nakaidlip ako. mga 15minutes. -tapos nagising dahil tumawag si papa sa bahay. -tapos bangag mode ulit habang nanunuod ng tv. -tapos nakaidlip ulit ako mga 330pm na. mga 15minutes ulit. -tapos nung umuwi si erick, dumiretso nako ng kwarto. -siya na ung pinabantay ko ng bahay. -natulog nanaman ako. mga 4pm palang un. -tapos nung nagising ulit ako mga 6+ na ng gabi.
un ang huling tulog ko as of now. tapos na-realize ko na umiinom ako ng dec0lgen f0rte. kaya pala bangag ako ng fatale. hehehe. hindi muna ako uminom nung gabi para magising.
at kumusta din ang test of knowledge na ito. kakauwi ko lang galing lakwatsa. bangag nako at sobrang sinisipon. narinig ko si madee sa kabilang kwarto na may sinasabing "okay lets ask miji to see if she's really smart."
aba aba. ano ako? tanga?
pumasok si madee sa kwarto kung nasaan ako.
ako: so what are you gonna ask me?
madee: (may hawak na mga flashcards na nalaman kong pambata) (nagsimulang magbasa ng isang riddle) blah blah blah blah blah...
ako: fireman. duh. what an easy question.
busy pako sa pagbibihis noon.
ako: dont ask me any more questions. those are too easy. im not that stupid.
madee: okay sige. last na ito.
ako: okay fine.
madee: okay. what contains rocks and dirt and has everything?
ako: huh? uh... pot? (flower pot sana)
madee: no.
ako: garden? (kahit alam kong mali. hahaha)
madee: no.
gusto ko pang maghanap ng ibang salita. kahit anong salita. para lang may masabi. pero naubusan ako ng words noong panahong yon.
shet. suko nako.
ako: so what's the answer?
madee: Earth!
oh come on. pahiya ako doon. kainis. hehehehe.
#156
Posted at 11:07 pm by melissa
Permalink
Thursday, May 15, 2008
topak ang yah0o! ngayon. bakit kaya?!-----tapos na ang huling araw ng summer classes. isang probset at isang final exam nalang, at...... tapos na ang buhay 2nd year college student.
sige. hayaan muna akong magflashback. hay. kelan lang nang magulat akong 2nd year nako. old times, old times.onga pala, nacornihan lang ako sa party size ng eyaji. apat nga ang dips. hindi naman marami ang chips. (aba nagrhyme!) basta, marami siya pero dahil sa durug-durog na silang lahat. nahirapan tuloy ako kumain. WAHAHAHAHAHA! ano bang kwenta nito?doon naman tayo sa mas mahahalagang bagay. L0L!T S0L!$ nagsorry na kay $AM M!LBY at P!0L0 PA$CUAL!at inurong na nila ang kaso. bati na daw sila. kamon! bakit kinailangan pa nilang maghintay ng PITONG BUWAN para lang magkaayos?! haaay. isang simpleng sorry lang pala ang kelangan. ang daming kaartehan na dadaan pa sa korte blah blah blah blah blah...WAIT LANG AH, mahalaga ba yon?!seryoso na. nakakadepress ito, dudes.ang dami ng namatay na tao sa myanmar dulot ng cyclone at sa china na dahil sa 7.9 earthquake. ewan ko ba. pero sige, isipin mo nalang ang sitwasyon kung saan isa ka sa mga biktimang naipit sa mga gumuhong buildings, tapos nagkataon ay sinuwerte ka't buhay ka pa. nang makita ka ng mga rescuers, malalaman mo na lang na hindi ka nila maihatak palabas dahil nakaipit pa ang iyong paa. tapos wala ng ibang paraan na iligtas ka kungdi putulin ang iyong paa. WTF. kumusta naman yon diba. tapos sa bata nila yon ginawa. O_O (antagal ko na palang hindi nagamit ang O_O) tapos may isang buntis din silang na-rescue na natrap ng mga 50 hours. ang tibay niya grabe. tapos ung iba pang bata, super maga ang kalahati ng mukha nila nung nailigtas na sila.hindi naman sa gusto nang mamatay ang mga taong un, pero argh. nadepress lang ako bigla.nako, bakit hindi pa tapos ang make-up paper mo? mahaba pa ang araw mo mamaya! bilis!
#155
Posted at 01:56 am by melissa
Permalink
Wednesday, May 14, 2008
bakit hindi ko mapreenlist ang math 12*.1???? T_T haaay. ung ibang subjects naman wala pang open na sections.
ano bang gagawin ko sa buhay?! para lang may drama effect. wehe.
and HAPPY BIRTHDAY NICHOLE!!! tumanda ka nanaman, pero best friend parin kita! :)
marami akong gustong ikwento, pero tinatamad nako. XD
#154. wow ang cool! kapag jinumble mo pala ito ay magiging 5-14. naalala ko ang number 23. hala.
Posted at 01:15 am by melissa
Permalink
Sunday, May 11, 2008
kilala ba ako ng tao kaya ako ina-add sa mult!ply? so bakit hindi ko sila kilala? hm hm.
sikat ka kasi, melissa. lol. asa ka.
anyways.
sa huling sakay ko pauwi kanina, may nakasabay akong 2 babae sa jeep. ung isa nanay ata na karga ang baby at ina-assume kong ung isa pa ay ung yaya dahil andami niyang milk bottles na dala. katabi ko ung yaya tapos katapat ko ung nanay.
ang cute nung baby. nakatingin lang ako sa direksyon nila.
ayun. tiningnan din ako ng bata. lalong bumilog ang mga mata niya dahil narin siguro sa maliit pa ang mukha niya.
anong gagawin ko? papansinin ko ba siya?
sabay kong tinaas ang dalawang kilay ko (basta yun kaya niyo igets yan.) para sabihing pinansin ko siya.
aba. walang reaction. inulit ko ang ginawa ko. taas kilay ulit. hinintay ko ang reaction niya.
wala talaga. nakatitig lang siya sa direction ko. tumitingin sa kawalan? baka nga. hindi man lang nagbi-blink mga mata niya. grabe. talong talo nako sa staring contest kung yun man ang ginagawa namin.
ngumiti siya. wala pang ngipin. cute diba?
kinausap pala siya ng yaya niya. nagjo-joke ata tungkol pagbibigti ng kung sino. tawa lang ang baby. palibhasa hindi pa alam ang ibig sabihin ng salitang yun. tsk.
bumaba nako. dahil baka lumampas pa ako sa bababaan ko.
*isang walang sense na kwento. wehehe. cute lang talaga kasi ung baby! XD* #153
Posted at 02:22 am by melissa
Permalink
Friday, May 09, 2008
ano ba yan. malapit nang mag-3. sisihin nalang natin ang halos sampung beses kong pagrereset ng computer para lang matapos ang 1-page paper ko due bukas mamaya.
sige, simulan na ang pagkukwento.
malapit na kasing mamatay ang computer namin. akalain niyong sa bawat linyang nata-type ko, bigla nalang siyang maghahang at hindi pako nagsesave ng file. at kung sakaling ma-save ko nga, sa hindi malamang dahilan ay hindi naman nare-retrieve ng word ang latest save ko. nakakabaliw! buti nalang naaalala ko pa ang mga gusto kong sabihin at natapos nako sa wakas!
at sa kahuli-hulihang pagrereset ko, nag CTRL+S nako sa bawat salitang matype ko para siguradong hindi na mawawala ang natype ko. ayos.
mabuti naman at inuna mo ang paper kesa sa pagba-blog. aba syempre! minsan lang ito. dahil jan, magpapaburger ka na. BURGER! BURGER! BURGER! (ano ba gasgas na. tigil na.)
speaking of burgers...
isang malaking crisis! hindi ako apektado pero wala ng meal#4 doon sa a+e mar!e's burger sa may mainlib! nahalata na ata nilang luging-lugi sila doon. kasi naman kapag hiwa-hiwalay mo silang binili, ang 2packs ng pancit / palabok (wala na din ata ito sa menu) = P25. PLUS C2 small / halo-halo / whatever shake = P25. PLUS french fries / cheeseburger = P20. for a total of P70. noon ko pa ito na-compute. tapos ang singil lang nila is P58. luging-lugi sila. P12 per order. tapos at least 3 orders pa mula sa 3 taong gutom na by 5pm. tapos mga 4-5 times a week pa. magkano kaya yon diba?!
ayon. nag-isip sila ng solusyon: menu makeover.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
DISCLAIMER:
lahat ng mga sasabihin ko ay sariling opinyon lamang. wala pang scientific studies and proofs (that i know of. malay mo meron na pala.) na tama ang mga bagay na mababanggit sa mga sumusunod na talata. HINDI ITO RELIABLE SOURCE kung masama man ito sa mga searches niyo. kindly disregard this crap after reading. magandang araw at maraming salamat po.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
the use of calculators is bad for your health!!! joke. wala lang, todo kasi ang hilo at sakit ng ulo ko hanggang gabi matapos kong gamitin ang scical ko after 10 years sa isang quiz namin. walang katapusang pagpipindot ang ginawa ko dahil nakarami din ako sa maling pagpipindot. umabot ata ng mga isang oras yon. ayon. nangawit tuloy ang leeg ko. wahehehe. kasalanan ko din pala iyon.
oh sige, tigil na. kelangan ko din ng tulog at nangangawit nanaman ako.
#152
Posted at 02:52 am by melissa
Permalink
Tuesday, May 06, 2008
well this is unusual. minsan na lang ako ma-tag, tapos dun sa natripan ko ng gawin dati.
rules are simple: Post 10 things that recently made you happy, then tag ten other people.
nagawa ko na ito dati (see it here), pero hindi na siya recent nung tinag ako ni chase (which was a month and a day ago, nice one.) at ngayon lang ako sinipag na gumawa.
so technically, kelangan kong gumawa ng bagong list. ... at dahil mahal kita chase, gagawa ako ng bagong list. :)
1. getting to talk heart to heart with madee nung weekend. habang naghuhugas ako ng plato. ayos. wala din kasi siyang magawa at mas masaya ang chores kapag may kausap. :)
2. seeing high school friends after 10 years. madaya itong number na ito. hindi na siya ganun ka-recent. pero to specify, madalas ko na makita at makakwentuhan si anay around campus these days.
3. pagtext ni inna sakin kanina. wala lang, it's been a while since nagtext ako para lang makipagkwentuhan sa tao.
4. existence of airconditioners, halo-halo at ice cream! sa pamatay na init ng summer, ewan ko na kung hindi ka pa magpapasalamat na may ganito sa earth!
5. ang daily routine na merienda sa mainlib with blockmates. kahit nakakasawa na ang pagkain, hindi parin ako magsasawa sa company ng mga autistic kong blockmates! hehehe. hindi kami nauubusan ng mapag-uusapan. :)
6. ang pag-progress ng pag-aayos ng friendship. kahit paunti-unti, basta alam mong papunta na sa direksiyong iyon.
7. summer classes, as a whole. sa schedule palang, masaya nako! may mga little complaints, pero may natututunan naman ako. hindi naman ako naii-stress masyado. wehehe. nakikita ko naman ang crush ko araw-araw.
8. ang pagpupuyat for no reason. parang ngayon. nagba-blog lang. :) im a night person kung hindi niyo alam. (madaling araw person to be exact. adik lang.)
okay, number 8 palang un?! exhausted na ang utak ko. corny na ng mga naiisip ko. ay eto may naisip ako ulit.
9. ang successful operation ng isang friend. haha. hindi naman sa super major operation yan pero mabuti naman at tapos na. sorry nga pala kung inakala kong joke lang yun. wahehehe.
10. pag-uwi nang mag-isa. weird pero naisip ko lang kasi na baka ito nalang ang time na meron ako para magmuni-muni ng kung anu-ano. uy ano kaya yon?! basta. time for yourself na walang iniisip na problema.
ayan! natapos na din sa wakas! ang hirap nun. hehe. at tulad ng last time, tinatamad akong magtag. oh well.
#151
Posted at 01:54 am by melissa
Permalink
Monday, May 05, 2008
sige na, feel ko nga na tama ka friend, na clueless ako. mali ata talaga ung iniisip ko. enlighten me. (ang pangit pakinggan.)
wala lang. nung umuwi ako, sumakay ako ng jeep na may dibidi player. ang hitech nila. tapos ung palabas ru$h h0ur (1 or 2 di ko maalala). tapos halos lahat ng pasahero nanunuod. pati driver nanunuod. ayos. buti walang nangyaring masama.
gusto ko ng manuod ng sine!!! pero wala akong pera. hay hay. andami nang nakapila. forbidden kingdom. iron man. tapos sa wednesday, speed racer. ang loser ko naman! XD
#150
Posted at 11:45 pm by melissa
Permalink
Sunday, May 04, 2008
maayos na.
iba ang feeling na alam mong wala ng problema. :) #149
Posted at 01:59 am by melissa
Permalink
|
|
|