|
 |
|
Thursday, April 17, 2008
tapos umuulan.kasalanan ito ng global warming! at sino bang sisisihin dito?OKAY, TIGIL NA.hindi naman kasi ako ung tipo na magpopost dito tungkol sa mga mabibigat na isyu tulad ng global warming. pero hindi ibig sabihin na wala akong paki, mind you.balik sa dapat kong sasabihin, summer na summer, pero tumatayo na mga balahibo ko sa lamig!COME AGAIN?oo nga, giniginaw ako kanina sa lamig sa klase ko. imagine this: pawis na pawis kang umakyat papuntang room niyo, tapos nung umupo ka na sa puwesto mo, na-realize mo nalang na ung aircon ay directly behind you. (technically, hindi siya directly behind ko, pero directly behind siya sa katabi kong upuan, na f.y.i, iniwang bakante ng mga tao sa takot na magkasakit sila) AT, natiyempuhan pang naka-shorts lang ako. OH COME ON! JOKE BA YAN?akalain mong iyon pala ang tamang sagot. labo kasi. hindi naman kami expected na sumagot ng ganun sa aming mga papel, so pano namin maiisip na ganun pala ang tamang sagot?! mahirap kasing i-decipher kung nagloloko pa rin ba o hindi ang isang taong maloko (as in maloko na kahit sariling pagkakamali ayaw pang aminin, goodness). you get the point. OKAY KA PA?oo naman, kung ang ibig sabihin nung ay sobrang naiinitan na. pero ang labo ko talaga, sa hindi mailarawang dahilan (na siguro ay 'wala na akong magawa sa internet pero gusto ko pang magcomputer'), naisipan ko ng i-check ang schedule of classes para sa 1st sem 08-09... TA-DAA! sineryoso nga nila ang bagong schedule: TTh at WF classes na daw at ang dating wednesday classes, nailipat sa monday.HELLO? OKAY LANG KAYO?hindi man lang umabot ito sa student body tapos in-approve niyo na ang bagong patakaran. (duh nga naman, kasi kung nalaman nga naman namin iyon beforehand, e di andami nanamang mga rally na magaganap.)ang akin lang, ayoko jan sa bagong schedule. pero ano pa ang magagawa ko kungdi mag-adjust?*** at dahil wala nga akong magawa sa internet, nagawa kong i-browse ang mga previous posts ko, natuwa ako sa ilan at nalungkot sa iba pa, etc. etc. blah blah blah. pero dahil sa pag-iwas sa kontrobersiya, hindi ko na maalala kung bakit ko na post ito: sadness. la la la. ewan, maalala ko din yan one day.
#140
Posted at 09:25 pm by melissa
Permalink
Tuesday, April 15, 2008
nakakatawa lang kasi, nung na-bring up kanina ang tanong na "kapus0 ka ba?" sa klase at wala man lang sumagot ni isa samin, meaning, kapam!lya daw lahat.
... isang malutong na "d*mnyou!" ang sinagot samin pabalik.
ehehe. yun yon!
#139. wala. sabi ngang titigil nako sa ganito eh. ayoko na.
Posted at 11:06 pm by melissa
Permalink
Tuesday, April 08, 2008
tapos magbablog nang 4:29 ng madaling araw. mahusay.
nakakabanas na kasi, hindi talaga ako makatulog dahil lang sa isang simpleng tanong. "may problema (pa) ba?"
isang sagot lang naman ang hinihingi ko, hindi pa maibigay.
kung 'wala', e di tapos.
kung 'meron', e di sana nagawa ko na agad ang dapat kong gawin para maayos na ang problema.
onga pala, kung gusto niyong sagutin ang tanong, go lang! curious ako.
haay buhay.
#138
Posted at 05:28 am by melissa
Permalink
Saturday, April 05, 2008
tamad magkwento, tamad magtype. dahil jan, wag muna kayong umasa na magkakaroon dito ng bagong post. pero andito lang ako. swear.
un lang. XD
#137
Posted at 10:41 pm by melissa
Permalink
Wednesday, April 02, 2008
ngayon ko lang na-realize na tama nga hindi ko ginawa ung gustong mangyari ng iba, kasi hindi pa talaga ako handa.
in relation to that, ahem ahem. grabe at nataranta ang lahat nang dahil sakin, tsk tsk tsk. pasensya na, at dahil tapos na ang lahat, hindi nako makakabawi. -_-'
anyways,isang picture na galing kay mimay:
ayun ang chinese name ko. beach hotel na pala ah. ayus!
#136
Posted at 02:51 am by melissa
Permalink
Monday, March 31, 2008
lahat ng plano ko sa buhay (joke), hindi natuloy...
...lahat ng dahil SAYO! nakakainis ka. bakit ka pa dumating sa buhay ko? badtrip talaga.
#135
Posted at 02:39 am by melissa
Permalink
Saturday, March 29, 2008
death is not the enemy. forgetting is. and we have conquered it.
-JB
"will you marry me?" "kahit paulit ulit pa!"
-Jackie and Eli
eto hardcore.
kuya, masakit ba talaga magmahal?!
-Onay to Eli
wahoo. tapos na ang Maging Sino Ka Man. at sa history of teleserye endings na napanuod ko, ito na ang da best! (corny ung iba para sakin eh) buti nalang hindi ko ito pinalagpasan. hehe.marami pang kinowt na quotable quotes sa credits. pero hindi ko na maalala.tapos na din ang lahat ng exams ko for this sem! kaya it's (apps') party time! maghanda na kayo. Salamat Sir Manjo!sarap ng chocolate. :p namiss po namin kayo.
#134. ang tagal ng bagong post. hehe. vacation mode nako. pati sa blogging. XD
Posted at 01:17 am by melissa
Permalink
Sunday, March 23, 2008
akala ko weird na ang mga news na nagsasabing may maniac na teenager na around 10-15 years old... hindi ba't mas malala pa kung ung maniac, around 6-8 years old lang? tsk tsk tsk.
may mga tao pala na umuupo sa sahig ng tricycle --- para lang malagay sa upuan ang TV nila. (hindi sa sinasabi ko na bawal yon... pero mas comfortable ba kapag ganun? sabihin nyo naman sakin...)
wala akong nagawang matino nung break. tsk tsk tsk...
ANYWAYS, magpapakatino na muna ako. hehe.
#133
Posted at 08:26 pm by melissa
Permalink
Saturday, March 22, 2008
HAPPY BIRTHDAY to MADEE and KUYA ARIS!!!
#132
Posted at 03:42 am by melissa
Permalink
Friday, March 21, 2008
masyado nakong maraming iniisip. feel ko ang sama-sama kong tao. -.-
next time na ang updates. pagod nako.
#131
Posted at 12:52 am by melissa
Permalink
|
|
|