darn. darn. DARN!
"2007 most controversial blog of the year"



   

<< April 2008 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:






Wednesday, April 23, 2008
basta.

note to self:
use the same k kapag hindi nagbago ng situation. ayun. ok na sana pero hindi.

strike 2!
two consecutive days na. dapat ko ng i-condition ang aking sarili. wahehehe.

ako ba yun?
kasi kung oo... hala! bad melissa, bad!


#144

Posted at 11:21 pm by melissa
comments? suggestions?  

Monday, April 21, 2008
head & sh0ulders will save the world!

hindi ko alam kung bakit pero kagabi ko lang napanuod ang movie na "evolution" sa dos. at naaliw ako dahil isang dandruff shampoo (technically, super daming bottles of it, pero iisang brand lang) ang tumapos sa alien na balak kainin ang earth. wahehehe.

tapos nag-endorse pa sa dulo:
"not only does it keep your scalp flake-free and your hair shiny, it can save the world."

or something like that.


#143. i love you daw. bleaugh. wala ito. pramis.

Posted at 11:22 pm by melissa
comments? suggestions?  

Sunday, April 20, 2008
nakalimutan ko pala

nung friday ng hapon nung sinamahan namin si leo papunta ng SC, may nakita kami isang batang humihingi ng tulong. umiiyak na nga siya. tapos ung nakalapit na kami, nalaman naming naipit ang kanyang hinlalaki sa chain nung bike niya... (morbid! joke)

andaming taong dumating para tumulong, at naitanggal din naman ng bata ang daliri niya nang buo parin. ang nagawa ko lang ay bigyan ng payo ang bata pero hindi din niya sinundan.

sadyang pinagtagpo ang landas namin... kasi kami daw ang "chosen ones".

waaaah. corny. sisisihin si leo (or kung sino man sa 3 dito: kennett, ralph, grego).
dahil jan, magpa-cheeseburger ka naman!


#142. bakit may topak ang multiply inbox ko???

Posted at 02:13 am by melissa
comments? suggestions?  

Saturday, April 19, 2008
"no regrets"

yan daw dapat ang pananaw mo sa buhay.

oo nga naman, kasi kahit na ung pinakamaliit na details sa buhay mo, kasama parin sa buong pagkatao mo. at ang bawat pagkakamali mo ay nagsisilbing bagong aral na magpapaalala sayo na "huwag mo na itong ulitin pa."

kaya dapat lahat ng nangyari sayo, mapasama o hindi, dapat hindi ibinubura sa iyong isipan. un nga lang, wag dibdibin. hehe.

#142. anong klaseng drama ito? wehehehe.

Posted at 03:06 am by melissa
comments? suggestions?  

Friday, April 18, 2008
blogging time t = x minutes, where x > 200

kanina pako nag-iisip ng magandang intro pero wala talaga. (ang laki ng problema grabe.) bahala na, magkukwento nalang ako.

HINDI KO NA TALAGA MAHULAAN KUNG JOKE O HINDI
so, nag-quiz nanaman kami today, pero group quiz naman ngayon. sana maayos na ang performance namin diba? kasi may typo nanaman (kung ano man ang tawag dun, kasi handwritten pala siya). at akalain mong sineryoso niya ung kalokohan niya, bilang friday is casual day daw (pero wala naman silang uniform, so ewan.) at disturbing talaga ung ginawa niya nung matatapos na ang class.

hindi pako nasanay, eh 1week na ang dumaan. ganun nga pala talaga siya. hehe. masaya parin naman dun eh. XD


MAY HALONG KABA ARAW-ARAW

takot talaga ako sa recitation (except math siguro, kasi mas tumatatak talaga sakin ang concepts dun (hindi lagi, mas lang. kapag nagreview. aba! side comment sa loob ng side comment. (alam niyo ba ito ang dahilan kung bakit hindi ako pwedeng maging professional writer. (nakahihilo kasi sila sa sobrang dami! (sabi ko sayo eh))))).

as i was saying, takot ako sa recitation (lalo na kapag iniisa-isa talaga lahat sa klase). guilty kasi ako of not reading the assigned story kanina, well, nagbasa ako, 2 out of 3 stories nga lang. kaya nga nananalangin ako na hindi ako tanungin tungkol sa story na hindi ko binasa.

pero tinawag ako. malas ko lang. hehehe. nakasagot naman ako, after a very long moment of 'silence' at pagtitig sa readings at maraming clues na binigay ni sir.

POWER FAILURE
kasi hindi pa dumiretso sa pag-uwi after i-dismiss sa klase. nagawa ko pang maglakad-lakad around campus. kaya ung pumasok nako ng kat!punan station ng el-ar-ti-tu, chumamba ako ng timing na iwan ng train. sabay namatay lahat ng ilaw. grabe ang kadiliman! ung makikita mo lang ay ung dalawang digital clocks sa station, ang ilaw sa likuran ng train (dahil hindi pa sila nakalayo nung nagbrown out), ang flashlight ni kuyang guard, at mga silhouette ng mga taong gumagamit ng cellphone (slash mp3 slash ipod slash whatever-techy-thing.)



eto ang sinasabi kong ilaw sa likod ng train.
(aba, pinicturan ko siya! (parang tanga lang) at madilim nga.)

hindi ko lang magets kung bakit pinapaupo kami ni kuyang guard. pero umupo parin ako sa tabi. baka patayin ako nun kapag hindi ako sumunod eh.


mga 5-10 minutes later, bumalik na ang kuryente, pero mga 5 minutes ulit bago dumating ung train, kawawa talaga kaming mga na-stranded. hehehe. corny.


dahil siguro sa power failure, unusually maraming tao sa train, kasi hindi naman dapat rush hour papuntang rect0 kapag gabi na. (chineck ko pa talaga kung nasa tamang direksyon ang punta ko...)

which reminds me, at hindi ko pa naman nakkwento dito, magflashback muna tayo!


FLASHBACK
nung kelan lang nung gumala kaming magbblockmates sa SM N0rth ay mga 6+ na ng gabi kami umuwi, at sa mahabang pag-iisip ko, nagdecide ako na mag-em-ar-ti nalang papuntang araneta para magtransfer sa el-ar-ti-tu tsaka pupuntang rect0 dahil mas mabilis at mas mura ng sais pesos. (sabi ko sayo pinag-isipan ko eh)

dahil medyo bangag nako, muntik pakong lumampas ng araneta station (dahil hindi naman ako usually nag-e-em-ar-ti at parating rect0 ang binababaan ko (na last station) kapag nag-e-el-ar-ti, kaya okay lang kung nakatulala ako sa loob ng train)

bago pa gumulo ang kwento, nakababa naman ako sa araneta ng hindi lumalampas. tapos e di nagtransfer nako sa kabilang line, sumakay ng train. aba, napansin ko pa ngang maraming tao, pero marami naman talagang sumasakay sa cubao station, so hindi ko pinansin.

nagsara ang train doors. umandar ang train. inayos ko na ang tayo ko para hindi mawalan ng balance. nag-announce na ung announcer (duh)...


"the next station is AN0NAS. ang susunod na istasyon ay AN0NAS. this train is up to SANT0LAN."

nabigla nalang ako. wtf? mali ako ng sakay!!! kaya bumaba ako agad sa an0nas station (first time btw) at lumipat sa kabilang side. grabeng kahihiyan. (buti wala masyadong tao. muwehehehe)

at nakauwi nako ng maayos. XD

end of flashback. (hindi pala ito ang first time...)


nagwa-wonder lang ako kung may connection ung power failure sa pagkawala ng signal sa cellphone (or baka sa smart lang) dahil nung bumalik ung ilaw, nagfull signal naman ako. tingin niyo?

MIJI CAN YOU HELP ME?

bakit ito pinapagawa sa mga batang tulad ni madee? (ito pala ang tamang tanong: bakit ito kinarir ni madee?)



"count them"
how many triangles are there? how many rectangles are there?
ung mga shading sa papel, ako may pakana.
(nahirapan din ako f.y.i. ang complex kaya nito!)



#141. woohoo. napakahaba!

Posted at 10:55 pm by melissa
comments? suggestions?  

Thursday, April 17, 2008
summer na summer

tapos umuulan.
kasalanan ito ng global warming! at sino bang sisisihin dito?

OKAY, TIGIL NA.
hindi naman kasi ako ung tipo na magpopost dito tungkol sa mga mabibigat na isyu tulad ng global warming. pero hindi ibig sabihin na wala akong paki, mind you.

balik sa dapat kong sasabihin, summer na summer, pero tumatayo na mga balahibo ko sa lamig!

COME AGAIN?
oo nga, giniginaw ako kanina sa lamig sa klase ko. imagine this: pawis na pawis kang umakyat papuntang room niyo, tapos nung umupo ka na sa puwesto mo,  na-realize mo nalang na ung aircon ay directly behind you. (technically, hindi siya directly behind ko, pero directly behind siya sa katabi kong upuan, na f.y.i, iniwang bakante ng mga tao sa takot na magkasakit sila) AT, natiyempuhan pang naka-shorts lang ako.

OH COME ON! JOKE BA YAN?

akalain mong iyon pala ang tamang sagot. labo kasi. hindi naman kami expected na sumagot ng ganun sa aming mga papel, so pano namin maiisip na ganun pala ang tamang sagot?! mahirap kasing i-decipher kung nagloloko pa rin ba o hindi ang isang taong maloko (as in maloko na kahit sariling pagkakamali ayaw pang aminin, goodness). you get the point.

OKAY KA PA?

oo naman, kung ang ibig sabihin nung ay sobrang naiinitan na. pero ang labo ko talaga, sa hindi mailarawang dahilan (na siguro ay 'wala na akong magawa sa internet pero gusto ko pang magcomputer'), naisipan ko ng i-check ang schedule of classes para sa 1st sem 08-09... TA-DAA! sineryoso nga nila ang bagong schedule: TTh at WF classes na daw at ang dating wednesday classes, nailipat sa monday.

HELLO? OKAY LANG KAYO?
hindi man lang umabot ito sa student body tapos in-approve niyo na ang bagong patakaran. (duh nga naman, kasi kung nalaman nga naman namin iyon beforehand, e di andami nanamang mga rally na magaganap.)

ang akin lang, ayoko jan sa bagong schedule. pero ano pa ang magagawa ko kungdi mag-adjust?

***

at dahil wala nga akong magawa sa internet, nagawa kong i-browse ang mga previous posts ko, natuwa ako sa ilan at nalungkot sa iba pa, etc. etc. blah blah blah. pero dahil sa pag-iwas sa kontrobersiya, hindi ko na maalala kung bakit ko na post ito: sadness. la la la. ewan, maalala ko din yan one day.

#140

Posted at 09:25 pm by melissa
comments? suggestions?  

Tuesday, April 15, 2008
saan nga ba ako?

nakakatawa lang kasi, nung na-bring up kanina ang tanong na "kapus0 ka ba?" sa klase at wala man lang sumagot ni isa samin, meaning, kapam!lya daw lahat.

... isang malutong na "d*mnyou!" ang sinagot samin pabalik.


ehehe. yun yon!

#139. wala. sabi ngang titigil nako sa ganito eh. ayoko na.

Posted at 11:06 pm by melissa
comments? suggestions?  

Tuesday, April 08, 2008
tamad pala ah?!

tapos magbablog nang 4:29 ng madaling araw. mahusay.

nakakabanas na kasi, hindi talaga ako makatulog dahil lang sa isang simpleng tanong.
"may problema (pa) ba?"

isang sagot lang naman ang hinihingi ko, hindi pa maibigay.

kung 'wala', e di tapos.

kung 'meron', e di sana nagawa ko na agad ang dapat kong gawin para maayos na ang problema.

onga pala, kung gusto niyong sagutin ang tanong, go lang!
curious ako.

haay buhay.

#138

Posted at 05:28 am by melissa
comments? suggestions?  

Saturday, April 05, 2008
tamad mode part n

tamad magkwento, tamad magtype.
dahil jan, wag muna kayong umasa na magkakaroon dito ng bagong post.
pero andito lang ako. swear.

un lang. XD

#137

Posted at 10:41 pm by melissa
comments? suggestions?  

Wednesday, April 02, 2008
beach hotel

ngayon ko lang na-realize na tama nga hindi ko ginawa ung gustong mangyari ng iba, kasi hindi pa talaga ako handa.

in relation to that, ahem ahem. grabe at nataranta ang lahat nang dahil sakin, tsk tsk tsk. pasensya na, at dahil tapos na ang lahat, hindi nako makakabawi. -_-'


anyways,isang picture na galing kay mimay:
 
ayun ang chinese name ko.
beach hotel na pala ah. ayus!


#136

Posted at 02:51 am by melissa
comments? suggestions?  

Next Page