darn. darn. DARN!
"2007 most controversial blog of the year"



   

<< April 2008 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:






Tuesday, April 08, 2008
tamad pala ah?!

tapos magbablog nang 4:29 ng madaling araw. mahusay.

nakakabanas na kasi, hindi talaga ako makatulog dahil lang sa isang simpleng tanong.
"may problema (pa) ba?"

isang sagot lang naman ang hinihingi ko, hindi pa maibigay.

kung 'wala', e di tapos.

kung 'meron', e di sana nagawa ko na agad ang dapat kong gawin para maayos na ang problema.

onga pala, kung gusto niyong sagutin ang tanong, go lang!
curious ako.

haay buhay.

#138

Posted at 05:28 am by melissa
comments? suggestions?  

Saturday, April 05, 2008
tamad mode part n

tamad magkwento, tamad magtype.
dahil jan, wag muna kayong umasa na magkakaroon dito ng bagong post.
pero andito lang ako. swear.

un lang. XD

#137

Posted at 10:41 pm by melissa
comments? suggestions?  

Wednesday, April 02, 2008
beach hotel

ngayon ko lang na-realize na tama nga hindi ko ginawa ung gustong mangyari ng iba, kasi hindi pa talaga ako handa.

in relation to that, ahem ahem. grabe at nataranta ang lahat nang dahil sakin, tsk tsk tsk. pasensya na, at dahil tapos na ang lahat, hindi nako makakabawi. -_-'


anyways,isang picture na galing kay mimay:
 
ayun ang chinese name ko.
beach hotel na pala ah. ayus!


#136

Posted at 02:51 am by melissa
comments? suggestions?  

Monday, March 31, 2008
panira!

lahat ng plano ko sa buhay (joke), hindi natuloy...

...lahat ng dahil SAYO!

nakakainis ka. bakit ka pa dumating sa buhay ko? badtrip talaga.

#135

Posted at 02:39 am by melissa
vi0lenT reActi0ns (2)  

Saturday, March 29, 2008
wakas. end. fin.

death is not the enemy.
forgetting is.
and we have conquered it.
-JB                                           

"will you marry me?"
"kahit paulit ulit pa!"
-Jackie and Eli                                       

eto hardcore.

kuya, masakit ba talaga magmahal?!
-Onay to Eli                                               

wahoo. tapos na ang Maging Sino Ka Man. at sa history of teleserye endings na napanuod ko, ito na ang da best! (corny ung iba para sakin eh) buti nalang hindi ko ito pinalagpasan. hehe.

marami pang kinowt na quotable quotes sa credits. pero hindi ko na maalala.

tapos na din ang lahat ng exams ko for this sem! kaya it's (apps') party time! maghanda na kayo.

Salamat Sir Manjo!

sarap ng chocolate. :p namiss po namin kayo.

#134. ang tagal ng bagong post. hehe. vacation mode nako. pati sa blogging. XD

Posted at 01:17 am by melissa
comments? suggestions?  

Sunday, March 23, 2008
random thoughts

akala ko weird na ang mga news na nagsasabing may maniac na teenager na around 10-15 years old... hindi ba't mas malala pa kung ung maniac, around 6-8 years old lang? tsk tsk tsk.

may mga tao pala na umuupo sa sahig ng tricycle --- para lang malagay sa upuan ang TV nila. (hindi sa sinasabi ko na bawal yon... pero mas comfortable ba kapag ganun? sabihin nyo naman sakin...)

wala akong nagawang matino nung break. tsk tsk tsk...

ANYWAYS, magpapakatino na muna ako. hehe.

#133

Posted at 08:26 pm by melissa
comments? suggestions?  

Saturday, March 22, 2008
babati muna! :D

HAPPY BIRTHDAY
to MADEE
and KUYA ARIS!!!


#132

Posted at 03:42 am by melissa
comments? suggestions?  

Friday, March 21, 2008
kung kelan holy week

masyado nakong maraming iniisip. feel ko ang sama-sama kong tao. -.-

next time na ang updates. pagod nako.

#131

Posted at 12:52 am by melissa
comments? suggestions?  

Tuesday, March 18, 2008
friendship drama

eto na siguro ang record-breaking pinaka-nabother akong issue with a friend.

FRIEND, inamin ko na ang pagkakamali ko, ngunit na-realize ko na may isa pakong mas malaking pagkakamali sayo. sa akin nalang iyon. SORRY NA FRIEND, for being insensitive, inconsiderate, conceited, etc etc. :(

titigil na ko. alam kong lalo ka lang mababadtrip sa mga ganitong kadramahan.

sige, wala munang pangungulit. ibibigay ko muna ang space na hinihingi mo. pero OO, hihintayin ko ang araw na magkakaayos din tayo. swear. sa maniwala ka o hindi.

OTHER FRIENDS, salamat sa lahat ng advice na binigay ninyo sa akin. amateur pa kasi ako sa ganitong mga bagay bagay. hindi ko talaga alam ang dapat kong gawin. hindi ko alam kung ano ba ang tama sa maling reaction.

WALA. TIGIL NA.
sasakit lang lalo ang ulo ko.

#130

Posted at 10:08 pm by melissa
comments? suggestions?  

Monday, March 17, 2008
kaunti nalang

alam kong dapat masaya ako pero dahil may nagsabi na nga na i should keep it down, i guess i really should. sorry na kung na-offend ko kayo. -.-

siguro kasi di pako na-expose sa mga ganitong klaseng pangyayari. excuses, yes, pero hindi ko talaga sinasadyang ipalabas ang kung ano man ang pagkakaintindi niyo. (sorry malabo)

salamat naman at pinaramdam ninyo ito sakin. makakatulong ito sa aking pagkatao, swear. :)

sige na, peace na tayo... PLEASE???

#129

Posted at 10:46 pm by melissa
comments? suggestions?  

Next Page