|
 |
|
Friday, March 14, 2008
last day na ng pre-enlistment for summer. pero gusto ko pang kumuha ng something else. (i.e. math 150.1 na di pala available sa pre-enlistment darn it.) diko trip mag-p.e ngayon dahil ung mga gusto ko pangit ang oras.
2 down 3 to go (plus 1 probset) bago magholy week (na 4 days nalang ang pagitan from today). kaya ko to. sana mataas ang 3rd long ko sa 110.1. XD
2 final exams to go. (hopefully)
more ballotings to come. nakiki-comelec kasi ako.
8 days to go before madee's birthday.
14 days to go before apps' party.
15 days to go before magpa-spa (sosyalan) with mommy.
16 days to go before CSA semender.
sige. bilang pa. bwahahaha. may exam ka pa bukas.
#127
Posted at 09:01 pm by melissa
Permalink
Wednesday, March 12, 2008
dahil may exam pako. (bwahaha. sige lang!)
1. tapos na din ang F.I. season! yahoo! eto na siguro ang huling araw na uuwi ako ng super late this sem. (huli na nga ba...)
2. epal ang partner ko. epaaaal!
3. masaya ako dahil settled na ang mga issues na medyo matagal na ding nagbobother sa friends ko.
4. nakakatakot pala ako. huhuhu.
5. huling hirit ng second sem: may exam ako bukas, sa friday, sa saturday, sa monday, sa tuesday. hindi nako pinakawalan! XD XD
6. hindi parin ako makapagdecide kung ano dapat kong piliin...
ok, aral ulit.
#126
Posted at 10:59 pm by melissa
Permalink
Thursday, March 06, 2008
things that made me happy recently galing kay eka na gumaya din kay phia at janis. :D
It’s simple, just a list of the things that has recently made you
happy. Then you have to tag ten more people and force them to post
their list on their blogs.
at dahil tinatamad ako este wala naman akong maitag na tao tinatamad pala ako, hindi nadin ako magtatag. hehe.
1. ang lecture sa math 110.1. (nasabi ko na bang naka-perfect nadin ako sa wakas ng isang prob set! yahoo!)
2. ang first time ever interview ko bilang memcom at ang sapilitang pagtataray. (oo, masaya siya)
3. pagkain ng masarap na cake na baon ni pareng olga. (in celebration of _____ )
4. pagsukat para sa math club jacket! yahoo! (kung kelan summer na. hehe)
5. pagbili ko sa aming adidas sale. (new bag. new cap. new shoes! :D)
6. ang pagsigaw ng ADIDAS SALE 50% OFF ON ALL ITEMS sa 2nd floor ng balay. (nakakahiya pero kebs lang)
7. ang libre ni micent na vanilla ice cream. (yum yum. matagal nakong hindi nakakain.)
8. pagkapanalo ng friend sa game show. (pare. libre naman jan. wahaha)
9. pagkapanalo ng friends sa elections. (congrats ulit!)
10. nakasabay sa jeep ang ateng may dalang puppy sa loob ng paper bag. (cute ng dog... hehe)
ang bading ng kulay diba. hehe.
at kumusta ang usapan namin ni madee sa ym... (gamit pala ni madee ang ym ni mikki)
mikki: hello miji i lost a tooth melissa: again? melissa: which tooth? mikki: it's hardto tell mikki: it's hard to tell melissa: sa taas o sa baba? mikki: sa baba melissa: ok
(closes IM window) (sabay pahabol)
mikki: i love you melissa: love you too XD mikki: what is xd? melissa: nothing mikki: then why did you say that melissa: no reason mikki: ok
wala lang. :D
#125
Posted at 08:50 pm by melissa
Permalink
Wednesday, March 05, 2008
para sa pinanggalingan ng blog name
maaga akong umuwi today!para bumawi sa tulog. (yun yon eh.)bakit ba andami ng na-pe-pressure samin?bilang magte-third year na daw kami, dapat alam na daw namin kung ano ang gusto namin sa buhay. PURE o APPLIED?at kumusta naman ang inspirational talk ni kuyang taga-CS na napakahaba. akala ko maaabutan pa naming dumaan si dr. P (bilang may dumaan ng dalawang prof na hinginan din ng advise ni leo). akala ko hindi na matatapos yon. hehe. no offense, nangangawit na kasi ako sa katatayo. XDat kumusta naman ang katamaran ko. hanggang ngayon hindi parin ako tapos sa mga unfinished business ko. at di pako nagsisimula sa mga must-finish tasks ko. hehehe. tsk tsk tsk.at dahil hindi nako makahintay pa ng bukas,
HAPPY BIRTHDAY SIR MANJO!!! sana matuloy po ang balik niyo dito. pahingi po ng pasalubong! (joke)
#124. pahabol. *congrats din pala sa mga winners sa elections!*
Posted at 10:47 pm by melissa
Permalink
may napala din naman kami
kahit na magkaribal tayo, may napala din pala kami sa inyo. (bilang mas maraming tao bigla ang dumaan sa venue at mas kita ang amin kumpara sa inyo. bwahaha)
maraming salamat dudes. at dahil tapos na ang amin, bati na ulit tayo. (bwahaha ulit)
sa wakas may dialtone na ulit dito. less hassle. okay balik sa bloodshed project. or else wala talaga akong tulog. hehe.
#123
Posted at 12:35 am by melissa
Permalink
Monday, March 03, 2008
para lang diko makalimutan. hehe. nasa internet shop ako ngayon. badtrip ang pldt.
#122
Posted at 08:38 pm by melissa
Permalink
Friday, February 29, 2008
tapos komedya ang tawag nila doon? anyways, na-disappoint ako. magaganda daw kasi un mga naunang plays for the past weeks, tapos kung kelan ni-require nakong manuod, tsaka pa naging corny un palabas.
paulit-ulit lang naman ang mga scenes nila, tapos sobrang minimal un lines (given na puro nalang sila sayaw na paulit-ulit lang ang steps at background music) kaya hindi ko talaga mapag-connect un buong story.
tapos tumagal pa kami sa kakanuod bilang gusto naming masaksihan ang fireworks display na susunod matapos ang play. pero nabanas na kami sa sobrang boring at paulit-ulit na ang pinaggagagawa nila kaya hindi na namin tinapos ang event.
sabay maririnig namin ang paputok bago pa kami makasakay ng jeep. mahusay. wala na nga akong maisusulat na matino sa reaction paper ko, hindi ko pa napanuod ang fireworks.
buti nalang at may synopsis. woohoo!
onga pala, tuloy na tuloy parin ang ADIDAS SALE ng MATH CLUB! at darating na (finally) ang stocks ng apparel tomorrrow!
BILI NA KAYO! 50% off on ALL items ata dito. wag na kayong bumili pa sa iba jan. mga sagabal sa business ng may business. hmph.
KAYA ALALAHANIN (sa coming elections) ! ADIDAS SALE SALE SALE! 50% OFF ON ALL ITEMS! feb28 - mar4, 2008 sa UP BALAY KALINAW!
-BROUGHT TO YOU BY UP MATH CLUB! (wala ng iba!)
#121. so how was your extra day? march na pala bukas! happy birthday leo! :)
Posted at 11:18 pm by melissa
Permalink
Thursday, February 28, 2008
kung akala niyo ganyan lang kabilis, nagkakamali kayo. magpakita naman kahit na kaunting effort. magparamdam naman! nasaan ang initiative?
masyado na kaming naging mabait. hindi ko nga alam kung bakit kami ang kelangang mag-adjust para sa inyo. huwag niyo nang hintayin pang sabihan kayo bago kumilos!
AKALA NIYO MAKAKALUSOT KAYONG LAHAT? well, hindi ako papayag jan dudes. sorry nalang kayo.
ang taray! (practice pa lang yan!)
#120
Posted at 08:45 pm by melissa
Permalink
Wednesday, February 27, 2008
para sa iyo ito kuya aris
ayan. may update na. yehey! ang bagay na title for today is...
FOR THE (n+1)th TIME!
(malalaman niyo din kung bakit, sa dulo)
magaling na daw ako (SANA NGA). at natuto nako (sure na ito). at dahil kagagaling ko lang sa sakit, hirap pako sa paggising ng maaga. ganito yun.
8am turned 830am ang p.e ko kapag wednesdays dahil sa parating late ang prof namin (na coach ng some varsity ng areneyow na blackbelt din sa 7 martial arts ata at blah blah blah) kasi araw-araw silang nagtetraining tuwing umaga.
kumusta naman at nagising ako ng 820am. waow. 10 minutes.
binilisan ko ang pagligo ko. sinaksak ko ang tubig, tinapay, bimpo, at extra shirt sa backpack ko at sumugod na paalis ng bahay. naglakad papuntang terminal. at instead na umikot pa sa buong campus, bumaba ako kaagad sa romulo hall at sumakay ng ikot.
9am. pag dating ko ng vanguard, wala pa si sensei. WHEW. umupo ako sa tabi ng mga friendships ko sa aikido at huminga ng maluwag.
dumating si sensei mga 5-10 minutes later. late daw nagstart ang training nila kaya late din natapos. tapos tinuruan na kami ng technique #2. at napadapa kami sa dojo ng maraming beses. (as in flat on the floor)
kumusta ang amoy ng mat! hindi siya kanais-nais. swear. sinisi pa kami ni sensei. hindi daw kasi kami magpractice ng rolling habang wala siya. tapos yung duming kumapit kay sensei nung nagdemo siya, PINAHID niya sa shirt ng kaklase kong malapit sa kanya. tsk tsk tsk. mahusay.
nang idismiss kami, pinunta ko naman ang last GA/miting de avance ng CSA. late ako as usual, pero this time, katanggap-tanggap naman ang rason. (kasi parating late ako nagigising bilang sabado usually ang GA.)
tapos dumiretso naman ako ng mathclub. workday workday! pero wala pa si bossing micent, kaya nagpahinga muna ako at kumain (ng tinapay na oil-free f.y.i.!).
maya konti lunch time na, at kumain ako (ng sandwich. kakaawa naman ako.) sa CASAA kasama sina ralph, eka, olga, bernard, iris, gracie, allen at kuya mike. bumalik ng tambayan para ihanda ang mga sarili sa outside pub para sa
ADIDAS SALE SALE SALE feb28-mar4,2008 @ UP Balay Kalinaw 50% OFF ON ALL ITEMS!
pinanuod ang WMC na gumawa ng tarp para sa sale. tumulong ng konti. nag-enjoy si ate iris. hehe. sinamahan si jodi sa CASAA para bumili ng lunch. nakasalubong ang KAISA party nila titus sa labas ng CASAA. nakita din sa wakas ang kandidatong si chorva.
"Ay ikaw pala si chorva!" -jodi
nagoutside pub kasama sina james at aljohn sa dagohoy at balara. hindi namin kinaya ang target time na 1hour. :( bumalik ng tambs at naglaro ng pusoydos with chris, iris and alip (na pinalitan ni jocs dahil nangampanya na si alip). dumami ang tao kaya trumps na ang nilaro namin.
nakuha din sa wakas ang free koko krunch, nesvita at kape. pinapak ni chris ang rejected nesvita (dahil sa packaging). at pinasnow niya sa buhok ng kung sino ang oats na nagmukhang malalaking flakes of dandruff. (yuck)
natanggal agad kami ni les, james, at chris kaya nagsolo kami at naglaro ng pusoydos. nagdesisyong maglaro ng bridge after ilang rounds dahil pang-bridge daw parati ang baraha namin. naglaro ng ilang rounds ng bridge na pang-pusoydos naman ang hand. grabe.
nagsi-uwian na ang lahat pero tinamad pakong umuwi. dalawa lang kami ni jodi na naiwan. nagkwentuhan lang kami at nagwalis ng konti (dahil andaming nakakalat na campaign stuffs) at ginabi sa pag-uwi.
kumain ng dinner. naghugas ng kinainan. nagcheck ng email...
WTF?! may ka-competition pala tayo. overlapping dates. same brand. same venue. pero carry lang. mas cute ata kami. HAH!
#119. tigil na. mahaba na masyado eh.
Posted at 09:35 pm by melissa
Permalink
Thursday, February 21, 2008
hindi sa ganitong paraan, Lord, please?
hindi parin talaga naitanim sa utak ko na: ang gluttony, lack of self-control at discipline, at maraming maraming oil, ay maaaring makapatay ng tao (thru undescribably intense abdominal pain, mind you).maraming salamat sa suporta ng aking family, friends na kahit na ang layu-layo ko sa inyo o kaya naman ay napakadami pa ng ginagawa sa sari-sarili niyong buhay (or both), eh talagang nag-effort pakong puntahan para dalhan ako ng gamot. hehe. PWEDE NAKONG MAMATAY KAHIT WALANG LOVELIFE! pero syempre it's really nice to know that a lot of people really care. (awww...)salamat din pala sa aking cellphone at headset na tumulong para ako'y makatulog ng mahimbing despite the pain. harharhar.btw, im feeling much better. :D good for me. kelangan ko na palang maghanda for class!(wala pala akong intention na ma-miss ang classes ko ngayon. at sa lagay na okay nako. dapat talaga ako pumasok!)
simpleng kahilingan mula sa Panginoon (as in Panginoon.): *sana matuto nako once and for all*
#118
Posted at 10:59 am by melissa
Permalink
|
|
|