darn. darn. DARN!
"2007 most controversial blog of the year"



   

<< March 2008 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01
02 03 04 05 06 07 08
09 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:






Thursday, February 14, 2008
i cardioid you my foot!

at dahil feb 14 ngayon,

birthday ng math club!
  • ang bading ng tambayan namin. pero sana wag nang tanggalin iyon. (salamat sa samalaki!)
  • binalik ang results ng mga exams sa geol1 at math110.1. (huhu)
  • nagsex education kami sa math140. (connect?)
  • kuhaan ng club shirts! (yay!)
  • tinakbo namin mula AS steps papuntang Sunken para pakinggan ang Dalandan Soda sa UP fair. (mga engot din kami)
  • nagdinner date with blockmates sa LB. (as in lutong bahay)
  • walang kamatayang joke sessions kasama ang blockmates. (wag na kayo humingi ng sample. inside joke eh. wahaha)
PLUS. pretty in pink ako today. para maiba. buwahaha.

bye-bye blog for now. balikan kita after ng wizard okay? :)

#115

Posted at 11:06 pm by melissa
comments? suggestions?  

Wednesday, February 13, 2008
i seriously need to cut down on food

in short, kelangan ko ng magdiet. darn.

akalain niyong sumuko ung shorts na suot ko kanina habang nag-eexam. buti nalang my jogging pants akong dala dahil may p.e ako ngayong araw.

THANK GOD FOR PHYSICAL EDUCATION.
buwahaha!

anyways, midterms namin kanina. (oo, sa p.e) at bilang partner ko si eka, kelangan talaga ay competitive kami sa practicals. well may point nga naman siya.

sino nga bang attacker ang tatanga-tanga na aatake ng biktima ng mahinhin?
kaya nga lakas nung pagkapit ni eka sa balikat ko. dinig sa buong dojo. ayus!

mahusay, busy parin dapat ako ngayon bilang hindi pa tapos ang wizard namin. pero nagbblog pako.

bahala na. tatapusin ko pa pala ang reaction paper ko.

four minutes to feb14. dates ko! walang injanan!:)

#114

Posted at 11:53 pm by melissa
comments? suggestions?  

Tuesday, February 12, 2008
STRESSED

alam kong tapos na ang hardcore exam kong kinarir ko ng husto pero naiinis talaga ako. hindi parin ako tinatantanan ng mga epal na requirements. i just want to enjoy life. (weh!) please.

minsan lang naman akong aangal (out loud) na wala nakong pahinga (dahil sa kelangan) kaya pagbigyan niyo nako.

basta. masyado lang siguro ako maraming iniisip kaya badtrip ako ngayon.

magsigaw nako ng maraming foul words (sorry na), wala parin.

ARGH.

#113

Posted at 08:52 pm by melissa
comments? suggestions?  

Sunday, February 10, 2008
preview of the AAC pictorial

dahil na kay micent ang kopya ng lahat ng pictures namin, eto lang muna ang mapapakita ko sa inyo.






#112

Posted at 12:02 am by melissa
comments? suggestions?  

Saturday, February 09, 2008
the mainlib chronicles

akalain mong may sequel pala ang Camera, Biskwit at Cellphone?
ang masaklap, mabilis ang pagsunod ng part2...

hayaan niyo nakong pamagatan itong

RESIBO sa RED RIBBON
(ang kwentong mainlib part2)

when we last left our heroes, they had decided to move their group study to the next day instead. and so...

    personA:
       8am. dito parin. walang injanan! ang ma-late manlilibre ng ice cream.

    personM:
       ay. maghahanda na nga ako ng maraming pera bukas. XD

and true enough, late ngang nagising si personM. 730am. mahusay. at dahil alam niyang hindi na siya makakaabot on time, hindi narin siya nagmadaling pumasok. mga 8am, lumabas na si personM ng bahay. ngunit tumungo siya sa kabilang direction.

onga pala, siya nga pala kasi ang inaasahang bibili ng cake ni friendD. birthday kasi niya ngayon. (HAPPY BIRTHDAY! ^^) at nung pumasok na si personM sa nearest bakeshop, umorder ng cake, nagbayad ng *** pesos (na inambag ng sampung tao), sinabing babalikan ang order by 230pm at kinuha ang resibo, umalis na si personM at binalak ng sumakay ng jeep papuntang skul.

tatawid na sana si personM sa overpass ng nagbago ang isip niya. sa terminal nalang siya kamo sasakay ng jeep. sabay may nakitang jeep na dumaan. hahabulin pa sana ni personM ang jeep, pero nakaalis na ito. kaya sa terminal na nga sumakay si personM. at sa kamalasan, si personM ang huling sumakay sa jeep bago mapuno ang sasakyan kaya napilitan siyang makipagsiksikan sa loob ng jeep.

nang makarating na sa mainlib, nakasalubong niya si personA na bumibili ng kape.

    personM:
       oi. anjan na si personB?

    personA:
       oo. nasa loob na. hinihintay ko lang si personR para iabot sakin un kopya ko ng sample exam.

    personM:
       ay. ako nahuli. tsk tsk tsk.

makalipas ng ilang minuto, dumating din si personR, inabot ke personA ang kanyang sample exam at umalis din muli. pumasok na si personM at personA para magsimula muli.

at nag-aral nga sila. mejo mabagal ang pacing, pero meron paring progress kahit papaano. tapos dumating si dakilang tagapagligtas ng sambayanan (shortcut: DTS)! at dahil sa tulong ni DTS, dumami ang nasagutan ng 3 sa sample exam.

pero talagang may sagabal.

    personM:
       shoot. nasan na un resibo?!
       *halungkat sa gamit*

       NO. this can't be! hindi ito maaari! bakit siya nawawala?!
       *hanap parin but to no avail*

lumabas pasok na si personM para hanapin ang resibo sa bag niya na naiwan sa counter (dahil bawal magpasok ng malalaking bag) at sa mga papeles na dala-dala niya. wala talaga.

    personM:
       ayoko na nga dito sa lib! parati nalang akong nagpapanic dito! huhu...

    DTS:
       balik ka nalang. baka kasi mamaya, wala na ung taong nag-take ng order mo at wala ng maniniwala sayo.

    personM:
       eeeh... gagastos pako ng pamasahe...

(kumusta ang kaartehan ni personM.)


    DTS:
       pamasahe o ***?!

    personM:
       shet.

biglang may lumapit na babaeng may hawak na papel na kasing laki ng resibo.

    babae:
       kung pwede sana magregister kayo sa labas at gumamit nalang ng discussion room...

    personM:
       ay ok. pasensya na po.

langya. pinaasa lang si personM na resibo ang nasa kamay niya. heto ang nakasulat sa papel:
"kung pwede po sana pakihinaan ang boses niyo. consideration naman po sa ibang tao na nasa lib."

ayun. pinilit parin ni personM na mahanap ang resibo pero wala na talaga. kaya nagdecide na din siyang bumalik sa bakeshop.

at akalain niyong ang jeep na sinakyan ni personM pabalik ay pareho sa jeep na sinakyan niya nung papunta siya ng skul. at nagkataong maraming papel na nakakalat doon sa loob!

sa kasamaang palad, wala doon ang resibo. pinaasa nanaman si personM. tsktsk. inabot pa siya sa terminal para hanapin ang resibo pero talagang wala na ito.

naglakad muli si personM pabalik ng bakeshop. at sa bawat puting papel na nakakalat sa daan, sadyang mapapatingin si personM at nagpapakasakaling baka un ang nawawala niyang resibo.

wala parin. nakabalik na siya ng bakeshop. 1145am palang. at maraming customers. nahiya naman si personM na magtanong bilang siya na ang may kasalanan sa kawalan ng resibo. kaya naghintay muna siya hanggang sa wala ng customers na pumipila.

malipas ang 30 minutos ng paghihintay ni personM...

    personM:
       uh, pwede po bang magtanong?

    bakeshop lady:
       ano po iyon?

    personM:
       ah, kasi, nawala po un resibo ko. pwede pa po bang ma-claim un order ko?

pumasok si bakeshop lady sa likod part ng kitchen thing nila. mga 5 minuto pa at lumabas siya na may reprinted copy ng resibo.
   
    bakeshop lady:
       heto po. pakita nyo nalang din po ang id nyo mamaya para mas sigurado po tayo.

    personM:
       SALAMAT PO!:)
       *nakahinga ng maluwag*

mabuti nalang at mabait sila! yahoo. malaking pasasalamat ni personM na mababait ang tao sa bakeshop. dahil jan, susuwertehin daw ang inyong business, sabi ni personM (ano to? fortune teller?)

matapos nito, nagtext kaagad si personM sa bestfriend niyang may pakana ng lahat.

"WAG NA WAG MO NAKONG PABIBILI NG CAKE EVER AGAIN. PLEASE."

na nireplyan lang niya ng simpleng "hahaha:)"

mahusay.

#110.1 ay 111 pala.

Posted at 09:41 pm by melissa
comments? suggestions?  

Friday, February 08, 2008
entry number 110. mahusay.

pumunta naman tayo sa comedy.

WARNING.
ang mga sumusunod ay base sa totoong buhay.

as suggested by Eka, ito daw ang nararapat na title. ahem ahem.

Camera, Biskwit at Cellphone.
(ang kwentong mainlib)

isang Biyernes ng hapon nang napag-isipan ng mga magkakaibigan na mag-aral sa loob ng mainlib para sa nalalapit nilang hardcore exam sa math***.* (hindi din masyadong obvious) sa Lunes. nang biglang...

(hindi din masyadong obvious un code names. hindi!)

    personB:
        o eto. may baon akong biskwit. kain tayo para hindi magutom.

    personA:
        hindi ka din masyadong handa.
        *sabay kuha ng biskwit at patagong kinain ito*

    personM:
        o ako din pahingi!

    personO:
        ako din.

    personL:
        ako pa!
        (si personL pa. hindi tumatanggi sa ganitong bagay)


malalaman mo nalang, ang 5 magkakaibigan ay kumakain na (ng patago) at nagtatawanan sa mga kalokohang pinaggagagawa nila. mahuhusay na mga estudyante. akala ko ba mag-aaral kayo.

maya't maya'y na-bore si personA.

    personA:
       ui. pahiram ng fone ah!... bakit may security code?!

    personM:
       e ganun eh.
        *sabay balik sa so-called 'pag-aaral'*

    personO:
       ndi ba 5 characters yon?

    personM:
       yup... sige hulaan niyo.

    personA:
       m***?! ay tanga. 5 characters nga.
        * sabay type ng code na m***d*. mahusay. 5 characters nga eh.*

          (nakaisa na.)
      
       ay mali. isa pa nga... hmmm.... h***g. mali parin.

          (dalawa.)

    personM:
       o sige na! sasabihin ko na nga. s***d**t n*m**r ko ang code.

    personA:
       talaga?
        *types in code. kaya lang. sumobra nanaman*

           (tatlo.)

    personO:
       ndi ba dapat *0*** lang? kasi 5 characters lang eh.

    personA:
       sabi ko nga.
       *this time. tama na.*

       o. mali naman eh. seryoso bang *0*** ang code?

    personM:
       ndi nga? mataba lang mga daliri mo. wahahaha.

    personA:
       oo nga. ayaw.

    personM:
       akin na nga.
       *kinakabahan. tinype-in ang code na *0***. CODE ERROR.*
       *inulit pa ng ilang beses. wala parin.*
       *nagpapanic na. ayaw talagang mag-unlock ng fone*

       WTF?! bakit ganito!? ano nangyari?!

    personA:
       hala? hindi mo ba napalitan ang code mo?

    personL:
       baka naman mali lang pindot mo. o kaya naman napalitan mo nga un code..

    personM:
       loko ka din! mas marunong ka pa sakin! imposibleng mangyari yon!
        personA. ikaw may kasalanan nito... huhu...

    personA:
       nako. wag kang ganyan personM. naba-bother nako eh.

    personM:
       hindi. hindi! kasalanan mo ito!

    personA:
       naman. kapag nasira nga, hindi nako magpapakita sayo.

    personM:
       MUMULTUHIN KITA!!!
       okay. pano un mangyayari?!

     personO:
       bakit ganun? un fone ko naman infinite ang pwedeng pagkakamali ng type...

    personA:
       baka ito un isa sa mga fone na dapat maghintay ng ilang minuto bago ulit ma-unlock... manalangin tayo...

    personM:
       sana nga. huhuhu.
       *minura na ang sariling fone sa sobrang banas at takot at panic*

   personB:
       oy teka lang. hindi ba camera yang nasa itaas?

    personA:
       *napangiti*
       hala. hindi nga?!

    personM:
       asan?!
       *harap sa camera.*
       sheet. onga noh. kanina pa tayo nasita?!

    personA:
       naman. idagdag pa ito. cellphone. ngayon pati camera. naman!

    personM:
       personA. exposed na exposed ka ah. xempre ako nakatago na nga, humarap pa. mahusay. ayan. huli nadin ako.

    personB:
       joke lang. aircon yan.

    personM:
       lul.

    personB:
       kahit naman masita tayo wala din silang magagawa eh. sabay ipa-expel daw tayo rito?!

    personM:
       langya. tayo na nga itong nag-aaral, tayo pa ang i-eexpel!

mahaba pa ang usapan sa loob ng 5minutong hinintay. pero sige, i-skip na natin. boring na eh.

    personA:
       eto na! moment of truth. manalangin tayo.
       *types in *0*** as code...*
      
       AYUN. okay na!

    personM:
       *hinga na maluwag*
       woohoo! buti nalang. hehehe.

at mula noon, sa bawat pagkakataong i-unlock ni personM ang kanyang cellphone, may kasama ng isang YES! na pagsigaw. mahusay.


EH...

*anong nangyari sa biskwit?!

    inubos ng magkakaibigan.

*anong nangyari sa camera?!   
    pinaniniwalaang aircon.

*anong nangyari sa magkakaibigan?!
    wala. wala silang napala sa plano nilang iyon. sa sumunod na araw nalang daw. at ang ma-late sa pagdating, manlilibre ng ice cream.

ay wait lang ah. ayoko ngang manlibre ng ice cream. im oppressed today eh.
wahahaha.

#110

Posted at 11:05 pm by melissa
comments? suggestions?  

Thursday, February 07, 2008
kung hei fat choi!

YO! musta ang mga mathematical abs niyo?
(sabay sasagot si leo/kennett. MABUTI NAMAN!)
in leo's case, mathematical ab lang siya. hehehe. peace tayo.

PROFOUND.
four color theorem. first isomorphic theorem. hairy ball theorem. nakaka-amaze at napakamakapangyarihan talaga ang math. yahoo!

MAS PROFOUND.
dapat (marunong gumamit ng) FIT para SLIM ang grade katawan.

waow. nakakamiss mag-blog in tagalog. oo. namimiss ko talaga. sabi din ng iba mas fun ako mag-blog in tagalog. (xempre sang-ayon ako jan) mas free-flowing ang ideas kapag nagtatagalog ako (yeah right)

may dahilan ito dudes. may dahilan.
emo kasi ako at masyadong maraming iniisip.


sige. simulan na natin.


#1
mga loko din kayo. ginagawa niyo nanaman ang ginawa niyo noong nakaraan. hindi din kayo masyadong nawili, ano? palibhasa pinagbigyan kayo last time. alam kong selfish ang pinagpipilitan kong mangyari pero demit! selfish din ang ginagawa niyo. hindi sa hindi ko kayo naiintindihan, pero dapat lang talagang panindigan ko ang point ko. (kasi this is starting to turn into your habit. at ayaw natin yon guys. swear.) hindi ako galit sa inyo. pero sana matuto na kayong humarap sa bawat
problema pagsubok na itatapon sa harap niyo. hindi naman kasi sa lahat ng oras ay pwede kayong tumakas. in short, this is for your own good. labo diba?

#2
salamat sa pakikinig sakin. pasensya na kung binuhos ko sa inyo ang aking mga hinanakit. may tama naman sa mga sinasabi ko diba? hehe. maraming salamat talaga.

#3
friend. alam kong you're trying your best to be neutral. and i really appreciate it very much. salamat salamat.

#4
sorry na kung sa tingin mo ay hindi ako masyadong nakatulong sa iyo. babawi din ako. hehe.

#5
salamat dude at sinagot mo ang tanong. bangag kasi ako at ayaw ng mag-isip. nabuhay muli ang pag-asa. never say die nga kumbaga. wehehe.

#6
alam kong natext ko na ito sayo pero sige uulitin ko na rin. isang MALAKING SORRY naman. nabother ka ata sa nasabi ko nun. wag kang mag-alala. marami lang kasi akong iniisip nun at nadala nako sa pressure. pasensya na kung lumalabas na hindi ako naniniwala sa kakayahan mo. hindi ko iyon sinasadya. hehe. susuportahan kita all the way sa kung ano mang balak mong gawin. (basta walang bad intentions ok?)

#7

langya. hindi ko naman sinasadyang ma-offend ka eh. kelangan mo ba talaga akong kalmutin!?

OKAY. masyado na kasi itong madrama. titigil na nga ako.

#109

Posted at 11:19 pm by melissa
comments? suggestions?  

Monday, February 04, 2008
promote promote



for a larger version of the poster, click one of the links:

ClickTheCity.com    88db.com    getzmo.com

abangan ang commercial ng Math Wizard 08 sa NBN 4!

***

anyhow, im excited for our AAC pictorial!:)

hardcore quote of the day:
    "halika na kayo! free taste! bili na!"

#108

Posted at 07:38 pm by melissa
comments? suggestions?  

Wednesday, January 30, 2008
meet the frustrated cook

it makes me realize that INDEED, practice makes perfect.

bye. back to being busy.
(wow an alliteration)

#107

Posted at 09:20 pm by melissa
vi0lenT reActi0ns (2)  

Monday, January 28, 2008
for the sake of not being late

what would you do if everything SEEMS to be AGAINST you?

you start the day badly. i.e, you woke up late. and you still lack sleep. you need to go but all available c.r.'s are unavailable. (ok wtf?) you're in a hurry. but you still need to take a bath. so you turn on the shower, only to find out that no water is coming out! now that you've left home, you're still in a hurry. and gosh check out the heavy traffic! you're really in a hurry. and you're carrying your heavy backpack.

okay, to make things simpler, imagine yourself in a hurry all throughout. you dont wanna be late for class now, do you?

you got your pants wet while briskwalking thru the wet train station entrance's floor. you are all sweaty because of all the hurrying. you ride the el-ar-ti and they are coincidentally very slow. add to that, they had the aircon off from 1st to 2nd station. you got off the train and briskwalked again. only faster. no wonder your legs hurt! you reached your apartment, went up the stairs, and yes, still carrying the heavy backpack. you unload all the unnecessary stuffs, and without rest left the building. you walked again, this time almost running, to the jeepney terminal, to get to school AT LAST. then, your slippers gave in. OH COME ON. you got up the jeep after paying and immediately took off your right slipper to fix. what a messy task. the jeep took off and you finally got to rest.

in the end, you came to class just in time. (hahaha!)
all this happenings, not bad.

not bad at all.


#106

Posted at 11:50 pm by melissa
comments? suggestions?  

Previous Page Next Page