darn. darn. DARN!



hey hey!


message me!
may tagboard naman sa baba. :D
   

<< August 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01
02 03 04 05 06 07 08
09 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Friday, August 14, 2009
*tears*

blog! i missed you so. *huuug*
kung kaya mang mayakap ang sariling blog. haha. moving on.

taralets Q&A portion! :))

so anyway highway, bakit nga ba't bigla nalang akong nag-AWOL?
hindi ko din alam e. nawala lang siguro ako sa blogging mode ko. i mean, dati nagagawa ko naman siyang i-update daily kahit na super daming ginagawa. diba diba?

so bakit mo namang naisipang mag-update ngayon, of all times?
kasalanan ito ni iael. gumawa siya ng wordpress account kani-kanina lang. ayun. narealize kong sobrang napabayaan ko na si blog. :(

ah ganun? feel ko hindi ka lang tinamad e. balita ko busy kang tao lately.
ay sinabi mo pa. tadtad kami ng events sa council at matklab for some reason. :)) at siguro iba nadin ang usapan kapag ikaw ang head ng committee diba? haggard. pero masaya naman pag natapos mo silang lahat. hindi mo akalaing mabubuhay ka pa after ng event.

mahirap ding mag-isip ng itatanong a. o eto, ano namang bago sa buhay mo ngayon?
uh, *nablanko ako siyempre* wala masyado. pero marunong nako ng basic japanese! buhaha! :D

sa acads naman. musta ang 1st sem ng huling taon mo as an undergraduate student?

sana nga huling taon na. haha. ang sagot ko: bano. sabaw. yeah. parati nalang akong late as usual. T_T kasi ba naman todo internet parin ng ganitong oras. dun sa isa kong subject? ang masasabi ko lang ay:

ごめなさいネメンゾせんせい! わたしのチシスはフェイルです! T_T

sabi ko sayo marunong nakong magHapon. ;)

nakita ko nga pala ang mga FB at Multiply ng friends mo, marami na ang nag-upload ng grad pics nila. nasaan yung iyo?

secret. ayoko pang ipakita sa mundo. wag mo nakong ipilit. maarte ako e. chos! :)) teka. pano mo pala nakita yun? stalker? haha. sino ba kasi exactly itong nagtatanong sa akin?! sabaw lang.

wag mo nang alamin yun. o, musta lovelife?

ang hilig din nito sa chismis! hindi ito magkakaupdate anytime soon, kk? babalitaan naman kita kapag meron. i think. haha! :))

o siya aalalahanin ko yan. so, ano ang plano mo sa buhay?
ugh. wag mo muna akong tanungin. masyado kang excited! hmph. hindi ko pa alam.

sorry naman!
apat na nga lang pala ang sorry powers mo for today. ;) liimited na kasi siya since 2 weeks ago.

ay ganun ba? sorry na.
tatlo nalang.

ano ba naman to. o sige. bago pa maubos ang sorry powers ko, matulog ka na nga!
matutulog na nga, ininterview mo pa kasi ako e!

so--, o basta. good night!

おやすみなさい! :)


#287. congrats to me! na-update na ulit si blog! <:-p

Posted at 02:11 am by Melissa

miji
August 14, 2009   03:57 AM PDT
 
wag ka ng umasa sa bagong kaalaman! :)) hindi ako magbibigay unless trip ko. so hintayin mo nalang ang panahong un. :))
James
August 14, 2009   02:58 AM PDT
 
weebee Miji! Pramis nag-enoy ako sa pagbabasa! :) (kahit na wala naman akong masyadong nalaman) :P
 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry


random