darn. darn. DARN!



hey hey!


message me!
may tagboard naman sa baba. :D
   

<< March 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Sunday, March 01, 2009
super February post week 1!

as expected, my February was jam-packed with so many things that i can't even stop and think that "hey, i've been neglecting this site." ironically yet finally, it's March! i can now take my time typing what i want. thank goodness.

but first, Happy Birthday to Rheyza Medel and Leo Pineda! :)

(okay tagalog muna. di kakayanin ng powers ko kapag mostly english ang post)

1st week of February: Patikim palang ng Ka-busy-han

First meeting with MATTER. nilamok kami ng bongga sa madilim sa supposed HQ namin sa MBAn. ito na ata ang pinaka-okay ang attendance namin. XD

ACLE. walang pasok nung hapon. uyeh. tinamad akong puntahan ang career talk sa MMC dahil walang energy.

Photoshoot ng MATTER. ginanap sa *ahem* office *ahem* sabaw lang.

naghiraman lang nga pala kaming mga babae ng white blouse ni jackie. mahusay. si beng mukhang conductor sa bus. si karl nakakatakot ang unang picture. si clar at bea nakarami ng shots. si mike nahirapan sa ngiti niya. blah blah blah.

Math Club GenMit.
to be specific, ang annual na madramang genmit na nagaganap a week before Wizard. at dahil ACLE, nagsimula ni-schedule siya to start at 4pm.

magandang panimula sa agenda ang FinCom. woooh. argh dahil natamaan ako sa mga pinagsasabi nila thea at izzay, kasi minimal ang naitulong ko. naging joke time ang update ni alip sa AAC when it's actually urgent. mabilis ang update ni eks for WMC, at wala pa si onang para sa PRC. blah blah blah. umalis kami ni alip ng 6pm para humabol naman sa...

CSSC GA.
nagkataong hindi pa siya nagsisimula nung dumating kami. drained nako by this time. hindi ko na maalala ang mga pinag-usapan (tungkol sa CS Week). ito ata yung time na nagdecide kaming magtinda ng CS shirts sa math kahit hindi pa dumarating ang math shirts. (argh joni argh!)

CS Shirt Booth sa Math Day 1.
supposedly open ng 830-530, pero nawalan ng taong magbabantay ng 830-10. pero keri lang, dahil hindi pa mahagilap kung nasaan ang sample shirts. ang tanging 'sample' shirt na meron kami ay ang suot kong yellow KAPOW! shirt kasi wala talaga ang yellow sa choices.

during 117, nagtext nako sa mga tao para malaman kung nasaan ang mga sample shirts. dismissed na kami, hindi ko parin nafifigure out. eventually, nakuha ko kay raisa ang sample shirts. dumating nadin si vicman. aba, naka-KAPOW! shirt din siya! nagset-up kaagad kami ng booth sa tabi ng wizard sign-up booth at pinabayaan na si alip na magtinda for the time being.

late na kami ni vicman ng bongga for 162. mga around 30 minutes din. tapos terno pa kami ng shirt. so expected ko na ang scandalous grand entrance namin ko. pagkapasok na pagkapasok namin ng room, tingin lahat samin. O_O

uupo na sana ako sa usual seat ko sa harap kasama nina olga, bernard at karlo, BUT NO! nawawala sila! habang nakatayo (sa harapan ng class), hinanap ko sila sa loob ng classroom. ayun, nasa last row sila. magkakatabi parin.

me (pabulong kay olga): bakit anjan kayo sa likod?
olga (pabulong din): wala lang. XD


so pumunta ako sa likod at tinabihan ko si olga. pagkatingin ko kay sir, NAKATINGIN NADIN SIYA SAKIN. okay. scandalous! strike 2 nako sa 162 class. (dito ang strike 1.) XD

at dahil Thursday, 1130-4 ang break ko. at dahil exam ng 123.2 nung darating na Saturday, wala kaming meeting, so technically, wala na akong klase. ako nagbantay ng booth hanggang sa nagsara siya. XD

CS Shirt Booth sa Math Day 2. super sabaw na talaga. last day bago mag-order si den ng first (and only) batch of shirts. tapos 5 palang natitinda ko.  kasi (1) di nila feel ang design; (2) tinatamad pa silang bumili dahil nararamdaman nilang may next batch pa; (3) wala lang talaga silang pera.

dapat by 3pm ma-finalize na ang orders dahil aalis na si den to order. pero inextend din ni gabby to 5pm ang deadline. pero nagsara parin kami ng 230 dahil walang magbabantay ng booth kasi lahat kami may klase.

na-late ng ilang minuto sa 197 dahil biglang bumili ang mga tao sa MMC nung iniwan muna namin dun ang sample shirts. after 197, inattempt ko pang magtinda, pero 3 lang ang nadagdag. total of 17 shirts in 2 days. mga kuripot na math major. tsk. XD

request ni gabby na sana by 5pm, mabigay na ang pera sa kanya. at nasa MBB siya. tapos 430 na. nasa math pako. fastest way ay sumakay ng toki. pero wala nung mga panahong iyon. so nagdecide akong maglakad. at umuulan pala. argh.

as expected, putikan akong umabot sa MBB. after ibigay ang pera kay gabby, uwian na! kelangan pang mag-aral ng 123.2. naki-hitch ng ride kay gelo pauwi. thanks gelo! :)

Math 123.2 Exam at ang "GPOA Drafting" with MATTER. mas madali maiksi ang 2nd exam compared sa 1st exam. pero diko inayos. masyado nakong sabaw. at tinamad nakong magcheck. ayun. mas mababa ang grade compared sa 1st exam. :(

humabol lang ako sa GPOA drafting na ginanap sa RH tambayan. pag dating ko sa NIGS, walang tao. O_O naglunch break muna sila sa mcdo katips. sumunod ako at nakakain ng taro jelly na dala ni beng. (sobrang sarap!!!) bumalik kami after sa RH tambayan at nalaman kong nasa M parin sila sa M.A.T.T.E.R.! ang nagpatagal sa kanila, sustain ba o maintain? XD mas naging yearplan ang naganap rather than GPOA drafting. XD

eventually, kinopya lang namin ang GPOA from last year's MATTER. pero tinanggal namin ung mga feel namin hindi namin magagawa. tapos konting edit edit ng mga words. tapos tapos na!

then, pumunta kami ni beng, bea and clar sa CHK para manuod ng game ng science vs tourism. nabigyan na namin ang team ng tubig (finally) pero mukhang hindi sila aware, dahil yung baong tubig parin yung iniinom nila. hehehe. nanalo sila at pasok na sila ng semis! first time atang nag 5-0 standing ang science sa men's basketball sa diliman games. :)

tapos uwian na.

end of week 1. to be continued nalang. masyado nakong mabagal magtype! almost 430 na. XD

#272

Posted at 03:36 am by Melissa

miji
March 1, 2009   03:50 PM PST
 
haha tsaka na yun! report ko muna sa 197! :p
James
March 1, 2009   10:44 AM PST
 
Wooow. Congrats naman sa paglagpas mo sa linggong ito. Kung isa pang GPOA kelan mo gagawin? Hehe
 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry


random