darn. darn. DARN!
"2007 most controversial blog of the year"



   

<< May 2008 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03
04 05 06 07 08 09 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:






Friday, May 16, 2008
malala na ang sipon ko.

argh. nauubusan nako ng dugo dahil sa pesteng lamok na hindi ko mapatay!
(kelangan talagang magsimula parati sa pagrereklamo. ayos.)

nahihirapan nako sa sipon ko. todo singhot ako buong gabi. kanina naman hindi ako makahinga ng maayos. tapos hindi ako makarinig nang maayos.

at kumusta naman ang pagtulog ko ng halos buong araw:

-kagabi ng 8pm tulog nako.
-nagising ng mga 130am para uminom ng gamot.
-tulog ulit ng mga 2am.
-nagising ng mga 6am para lang tingnan ang orasan.
-tulog ulit.
-nagising ulit ng 9am para pag-isipan kung manunuod ng cartoons pero natulog lang ulit.
-officially bumangon ng 1230pm para magbantay ng bahay at kumain ng lunch.
-uminom din pala ulit ako ng gamot.
-tapos nanuod lang ng tv hanggang sa antukin nanaman ako sa sofa.
-tutal umalis nadin ang plantsadora. pero may papakuha pa si mami.
-hindi nako nakapigil. mga 3pm, nakaidlip ako. mga 15minutes.
-tapos nagising dahil tumawag si papa sa bahay.
-tapos bangag mode ulit habang nanunuod ng tv.
-tapos nakaidlip ulit ako mga 330pm na. mga 15minutes ulit.
-tapos nung umuwi si erick, dumiretso nako ng kwarto.
-siya na ung pinabantay ko ng bahay.
-natulog nanaman ako. mga 4pm palang un.
-tapos nung nagising ulit ako mga 6+ na ng gabi.

un ang huling tulog ko as of now. tapos na-realize ko na umiinom ako ng dec0lgen f0rte. kaya pala bangag ako ng fatale. hehehe. hindi muna ako uminom nung gabi para magising.

at kumusta din ang test of knowledge na ito.

kakauwi ko lang galing lakwatsa. bangag nako at sobrang sinisipon.
narinig ko si madee sa kabilang kwarto na may sinasabing "okay lets ask miji to see if she's really smart."


aba aba. ano ako? tanga?

pumasok si madee sa kwarto kung nasaan ako.

ako: so what are you gonna ask me?

madee: (may hawak na mga flashcards na nalaman kong pambata) (nagsimulang magbasa ng isang riddle) blah blah blah blah blah...

ako: fireman. duh. what an easy question.

busy pako sa pagbibihis noon.

ako: dont ask me any more questions. those are too easy. im not that stupid.

madee: okay sige. last na ito.

ako: okay fine.

madee: okay. what contains rocks and dirt and has everything?

ako: huh? uh... pot? (flower pot sana)

madee: no.

ako: garden? (kahit alam kong mali. hahaha)

madee: no.

gusto ko pang maghanap ng ibang salita. kahit anong salita. para lang may masabi. pero naubusan ako ng words noong panahong yon.

shet. suko nako.


ako: so what's the answer?

madee: Earth!

oh come on. pahiya ako doon. kainis. hehehehe.

#156

Posted at 11:07 pm by melissa

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry