|
 |
|
Thursday, May 15, 2008
topak ang yah0o! ngayon. bakit kaya?!-----tapos na ang huling araw ng summer classes. isang probset at isang final exam nalang, at...... tapos na ang buhay 2nd year college student.
sige. hayaan muna akong magflashback. hay. kelan lang nang magulat akong 2nd year nako. old times, old times.onga pala, nacornihan lang ako sa party size ng eyaji. apat nga ang dips. hindi naman marami ang chips. (aba nagrhyme!) basta, marami siya pero dahil sa durug-durog na silang lahat. nahirapan tuloy ako kumain. WAHAHAHAHAHA! ano bang kwenta nito?doon naman tayo sa mas mahahalagang bagay. L0L!T S0L!$ nagsorry na kay $AM M!LBY at P!0L0 PA$CUAL!at inurong na nila ang kaso. bati na daw sila. kamon! bakit kinailangan pa nilang maghintay ng PITONG BUWAN para lang magkaayos?! haaay. isang simpleng sorry lang pala ang kelangan. ang daming kaartehan na dadaan pa sa korte blah blah blah blah blah...WAIT LANG AH, mahalaga ba yon?!seryoso na. nakakadepress ito, dudes.ang dami ng namatay na tao sa myanmar dulot ng cyclone at sa china na dahil sa 7.9 earthquake. ewan ko ba. pero sige, isipin mo nalang ang sitwasyon kung saan isa ka sa mga biktimang naipit sa mga gumuhong buildings, tapos nagkataon ay sinuwerte ka't buhay ka pa. nang makita ka ng mga rescuers, malalaman mo na lang na hindi ka nila maihatak palabas dahil nakaipit pa ang iyong paa. tapos wala ng ibang paraan na iligtas ka kungdi putulin ang iyong paa. WTF. kumusta naman yon diba. tapos sa bata nila yon ginawa. O_O (antagal ko na palang hindi nagamit ang O_O) tapos may isang buntis din silang na-rescue na natrap ng mga 50 hours. ang tibay niya grabe. tapos ung iba pang bata, super maga ang kalahati ng mukha nila nung nailigtas na sila.hindi naman sa gusto nang mamatay ang mga taong un, pero argh. nadepress lang ako bigla.nako, bakit hindi pa tapos ang make-up paper mo? mahaba pa ang araw mo mamaya! bilis!
#155
Posted at 01:56 am by melissa
|
|
|