kilala ba ako ng tao kaya ako ina-add sa mult!ply? so bakit hindi ko sila kilala? hm hm.
sikat ka kasi, melissa.
lol. asa ka.
anyways.
sa huling sakay ko pauwi kanina, may nakasabay akong 2 babae sa jeep. ung isa nanay ata na karga ang baby at ina-assume kong ung isa pa ay ung yaya dahil andami niyang milk bottles na dala. katabi ko ung yaya tapos katapat ko ung nanay.
ang cute nung baby.
nakatingin lang ako sa direksyon nila.
ayun. tiningnan din ako ng bata. lalong bumilog ang mga mata niya dahil narin siguro sa maliit pa ang mukha niya.
anong gagawin ko?
papansinin ko ba siya?
sabay kong tinaas ang dalawang kilay ko (basta yun kaya niyo igets yan.) para sabihing pinansin ko siya.
aba. walang reaction.
inulit ko ang ginawa ko. taas kilay ulit. hinintay ko ang reaction niya.
wala talaga. nakatitig lang siya sa direction ko. tumitingin sa kawalan? baka nga. hindi man lang nagbi-blink mga mata niya. grabe. talong talo nako sa staring contest kung yun man ang ginagawa namin.
ngumiti siya.
wala pang ngipin. cute diba?
kinausap pala siya ng yaya niya. nagjo-joke ata tungkol pagbibigti ng kung sino. tawa lang ang baby. palibhasa hindi pa alam ang ibig sabihin ng salitang yun. tsk.
bumaba nako.
dahil baka lumampas pa ako sa bababaan ko.
*isang walang sense na kwento. wehehe. cute lang talaga kasi ung baby! XD*
#153