darn. darn. DARN!
"2007 most controversial blog of the year"



   

<< May 2008 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03
04 05 06 07 08 09 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:






Friday, May 09, 2008
what time is it?!

ano ba yan. malapit nang mag-3.
sisihin nalang natin ang halos sampung beses kong pagrereset ng computer para lang matapos ang 1-page paper ko due
bukas mamaya.

sige, simulan na ang pagkukwento.

malapit na kasing mamatay ang computer namin.
akalain niyong sa bawat linyang nata-type ko, bigla nalang siyang maghahang at hindi pako nagsesave ng file. at kung sakaling ma-save ko nga, sa hindi malamang dahilan ay hindi naman nare-retrieve ng word ang latest save ko. nakakabaliw! buti nalang naaalala ko pa ang mga gusto kong sabihin at natapos nako sa wakas!

at sa kahuli-hulihang pagrereset ko, nag CTRL+S nako sa bawat salitang matype ko para siguradong hindi na mawawala ang natype ko. ayos.


mabuti naman at inuna mo ang paper kesa sa pagba-blog.
aba syempre! minsan lang ito. dahil jan, magpapaburger ka na. BURGER! BURGER! BURGER! (ano ba gasgas na. tigil na.)

speaking of burgers...

isang malaking crisis!
hindi ako apektado pero wala ng meal#4 doon sa a+e mar!e's burger sa may mainlib! nahalata na ata nilang luging-lugi sila doon. kasi naman kapag hiwa-hiwalay mo silang binili, ang 2packs ng pancit / palabok (wala na din ata ito sa menu) = P25. PLUS C2 small / halo-halo / whatever shake = P25.
PLUS french fries / cheeseburger = P20. for a total of P70. noon ko pa ito na-compute. tapos ang singil lang nila is P58. luging-lugi sila. P12 per order. tapos at least 3 orders pa mula sa 3 taong gutom na by 5pm. tapos mga 4-5 times a week pa. magkano kaya yon diba?!

ayon. nag-isip sila ng solusyon: menu makeover.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------
DISCLAIMER:
lahat ng mga sasabihin ko ay sariling opinyon lamang. wala pang scientific studies and proofs (that i know of. malay mo meron na pala.) na tama ang mga bagay na mababanggit sa mga sumusunod na talata. HINDI ITO RELIABLE SOURCE kung masama man ito sa mga searches niyo. kindly disregard this crap after reading. magandang araw at maraming salamat po.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------

the use of calculators is bad for your health!!!
joke. wala lang, todo kasi ang hilo at sakit ng ulo ko hanggang gabi matapos kong gamitin ang scical ko
after 10 years sa isang quiz namin. walang katapusang pagpipindot ang ginawa ko dahil nakarami din ako sa maling pagpipindot. umabot ata ng mga isang oras yon. ayon. nangawit tuloy ang leeg ko. wahehehe. kasalanan ko din pala iyon.

oh sige, tigil na. kelangan ko din ng tulog at nangangawit nanaman ako.

#152

Posted at 02:52 am by melissa

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry