|
 |
|
Tuesday, May 06, 2008
well this is unusual. minsan na lang ako ma-tag, tapos dun sa natripan ko ng gawin dati.
rules are simple: Post 10 things that recently made you happy, then tag ten other people.
nagawa ko na ito dati (see it here), pero hindi na siya recent nung tinag ako ni chase (which was a month and a day ago, nice one.) at ngayon lang ako sinipag na gumawa.
so technically, kelangan kong gumawa ng bagong list. ... at dahil mahal kita chase, gagawa ako ng bagong list. :)
1. getting to talk heart to heart with madee nung weekend. habang naghuhugas ako ng plato. ayos. wala din kasi siyang magawa at mas masaya ang chores kapag may kausap. :)
2. seeing high school friends after 10 years. madaya itong number na ito. hindi na siya ganun ka-recent. pero to specify, madalas ko na makita at makakwentuhan si anay around campus these days.
3. pagtext ni inna sakin kanina. wala lang, it's been a while since nagtext ako para lang makipagkwentuhan sa tao.
4. existence of airconditioners, halo-halo at ice cream! sa pamatay na init ng summer, ewan ko na kung hindi ka pa magpapasalamat na may ganito sa earth!
5. ang daily routine na merienda sa mainlib with blockmates. kahit nakakasawa na ang pagkain, hindi parin ako magsasawa sa company ng mga autistic kong blockmates! hehehe. hindi kami nauubusan ng mapag-uusapan. :)
6. ang pag-progress ng pag-aayos ng friendship. kahit paunti-unti, basta alam mong papunta na sa direksiyong iyon.
7. summer classes, as a whole. sa schedule palang, masaya nako! may mga little complaints, pero may natututunan naman ako. hindi naman ako naii-stress masyado. wehehe. nakikita ko naman ang crush ko araw-araw.
8. ang pagpupuyat for no reason. parang ngayon. nagba-blog lang. :) im a night person kung hindi niyo alam. (madaling araw person to be exact. adik lang.)
okay, number 8 palang un?! exhausted na ang utak ko. corny na ng mga naiisip ko. ay eto may naisip ako ulit.
9. ang successful operation ng isang friend. haha. hindi naman sa super major operation yan pero mabuti naman at tapos na. sorry nga pala kung inakala kong joke lang yun. wahehehe.
10. pag-uwi nang mag-isa. weird pero naisip ko lang kasi na baka ito nalang ang time na meron ako para magmuni-muni ng kung anu-ano. uy ano kaya yon?! basta. time for yourself na walang iniisip na problema.
ayan! natapos na din sa wakas! ang hirap nun. hehe. at tulad ng last time, tinatamad akong magtag. oh well.
#151
|
|
|