blogging time t = x minutes, where x > 200
kanina pako nag-iisip ng magandang intro pero wala talaga. (ang laki ng problema grabe.) bahala na, magkukwento nalang ako.
HINDI KO NA TALAGA MAHULAAN KUNG JOKE O HINDI
so, nag-quiz nanaman kami today, pero group quiz naman ngayon. sana maayos na ang performance namin diba? kasi may typo nanaman (kung ano man ang tawag dun, kasi handwritten pala siya). at akalain mong sineryoso niya ung kalokohan niya, bilang friday is casual day daw (pero wala naman silang uniform, so ewan.) at disturbing talaga ung ginawa niya nung matatapos na ang class.
hindi pako nasanay, eh 1week na ang dumaan. ganun nga pala talaga siya. hehe. masaya parin naman dun eh. XD
MAY HALONG KABA ARAW-ARAW
takot talaga ako sa recitation (except math siguro, kasi mas tumatatak talaga sakin ang concepts dun (hindi lagi, mas lang. kapag nagreview. aba! side comment sa loob ng side comment. (alam niyo ba ito ang dahilan kung bakit hindi ako pwedeng maging professional writer. (nakahihilo kasi sila sa sobrang dami! (sabi ko sayo eh))))).
as i was saying, takot ako sa recitation (lalo na kapag iniisa-isa talaga lahat sa klase). guilty kasi ako of not reading the assigned story kanina, well, nagbasa ako, 2 out of 3 stories nga lang. kaya nga nananalangin ako na hindi ako tanungin tungkol sa story na hindi ko binasa.
pero tinawag ako. malas ko lang. hehehe. nakasagot naman ako, after a very long moment of 'silence' at pagtitig sa readings at maraming clues na binigay ni sir.
POWER FAILURE
kasi hindi pa dumiretso sa pag-uwi after i-dismiss sa klase. nagawa ko pang maglakad-lakad around campus. kaya ung pumasok nako ng kat!punan station ng el-ar-ti-tu, chumamba ako ng timing na iwan ng train. sabay namatay lahat ng ilaw. grabe ang kadiliman! ung makikita mo lang ay ung dalawang digital clocks sa station, ang ilaw sa likuran ng train (dahil hindi pa sila nakalayo nung nagbrown out), ang flashlight ni kuyang guard, at mga silhouette ng mga taong gumagamit ng cellphone (slash mp3 slash ipod slash whatever-techy-thing.)
eto ang sinasabi kong ilaw sa likod ng train.(aba, pinicturan ko siya! (parang tanga lang) at madilim nga.)
hindi ko lang magets kung bakit pinapaupo kami ni kuyang guard. pero umupo parin ako sa tabi. baka patayin ako nun kapag hindi ako sumunod eh.
mga 5-10 minutes later, bumalik na ang kuryente, pero mga 5 minutes ulit bago dumating ung train, kawawa talaga kaming mga na-stranded. hehehe. corny.
dahil siguro sa power failure, unusually maraming tao sa train, kasi hindi naman dapat rush hour papuntang rect0 kapag gabi na. (chineck ko pa talaga kung nasa tamang direksyon ang punta ko...)
which reminds me, at hindi ko pa naman nakkwento dito, magflashback muna tayo!
FLASHBACKnung kelan lang nung gumala kaming magbblockmates sa SM N0rth ay mga 6+ na ng gabi kami umuwi, at sa mahabang pag-iisip ko, nagdecide ako na mag-em-ar-ti nalang papuntang araneta para magtransfer sa el-ar-ti-tu tsaka pupuntang rect0 dahil mas mabilis at mas mura ng sais pesos. (sabi ko sayo pinag-isipan ko eh)dahil medyo bangag nako, muntik pakong lumampas ng araneta station (dahil hindi naman ako usually nag-e-em-ar-ti at parating rect0 ang binababaan ko (na last station) kapag nag-e-el-ar-ti, kaya okay lang kung nakatulala ako sa loob ng train)bago pa gumulo ang kwento, nakababa naman ako sa araneta ng hindi lumalampas. tapos e di nagtransfer nako sa kabilang line, sumakay ng train. aba, napansin ko pa ngang maraming tao, pero marami naman talagang sumasakay sa cubao station, so hindi ko pinansin.
nagsara ang train doors. umandar ang train. inayos ko na ang tayo ko para hindi mawalan ng balance. nag-announce na ung announcer (duh)..."the next station is AN0NAS. ang susunod na istasyon ay AN0NAS. this train is up to SANT0LAN."
nabigla nalang ako. wtf? mali ako ng sakay!!! kaya bumaba ako agad sa an0nas station (first time btw) at lumipat sa kabilang side. grabeng kahihiyan. (buti wala masyadong tao. muwehehehe)at nakauwi nako ng maayos. XDend of flashback. (hindi pala ito ang first time...)
nagwa-wonder lang ako kung may connection ung power failure sa pagkawala ng signal sa cellphone (or baka sa smart lang) dahil nung bumalik ung ilaw, nagfull signal naman ako. tingin niyo?
MIJI CAN YOU HELP ME?
bakit ito pinapagawa sa mga batang tulad ni madee? (ito pala ang tamang tanong: bakit ito kinarir ni madee?)

"count them"
how many triangles are there? how many rectangles are there?
ung mga shading sa papel, ako may pakana.
(nahirapan din ako f.y.i. ang complex kaya nito!)
#141. woohoo. napakahaba!
Posted at 10:55 pm by melissa