Wednesday, February 27, 2008
para sa iyo ito kuya aris
ayan. may update na. yehey! ang bagay na title for today is...
FOR THE (n+1)th TIME!
(malalaman niyo din kung bakit, sa dulo)
magaling na daw ako (SANA NGA). at natuto nako (sure na ito). at dahil kagagaling ko lang sa sakit, hirap pako sa paggising ng maaga. ganito yun.
8am turned 830am ang p.e ko kapag wednesdays dahil sa parating late ang prof namin (na coach ng some varsity ng areneyow na blackbelt din sa 7 martial arts ata at blah blah blah) kasi araw-araw silang nagtetraining tuwing umaga.
kumusta naman at nagising ako ng 820am.
waow. 10 minutes.
binilisan ko ang pagligo ko. sinaksak ko ang tubig, tinapay, bimpo, at extra shirt sa backpack ko at sumugod na paalis ng bahay. naglakad papuntang terminal. at instead na umikot pa sa buong campus, bumaba ako kaagad sa romulo hall at sumakay ng ikot.
9am. pag dating ko ng vanguard, wala pa si sensei. WHEW. umupo ako sa tabi ng mga friendships ko sa aikido at huminga ng maluwag.
dumating si sensei mga 5-10 minutes later. late daw nagstart ang training nila kaya late din natapos. tapos tinuruan na kami ng technique #2. at napadapa kami sa dojo ng maraming beses. (as in flat on the floor)
kumusta ang amoy ng mat! hindi siya kanais-nais. swear. sinisi pa kami ni sensei. hindi daw kasi kami magpractice ng rolling habang wala siya. tapos yung duming kumapit kay sensei nung nagdemo siya, PINAHID niya sa shirt ng kaklase kong malapit sa kanya. tsk tsk tsk. mahusay.
nang idismiss kami, pinunta ko naman ang last GA/miting de avance ng CSA. late ako as usual, pero this time, katanggap-tanggap naman ang rason. (kasi parating late ako nagigising bilang sabado usually ang GA.)
tapos dumiretso naman ako ng mathclub. workday workday! pero wala pa si bossing micent, kaya nagpahinga muna ako at kumain (ng tinapay na oil-free f.y.i.!).
maya konti lunch time na, at kumain ako (ng sandwich. kakaawa naman ako.) sa CASAA kasama sina ralph, eka, olga, bernard, iris, gracie, allen at kuya mike. bumalik ng tambayan para ihanda ang mga sarili sa outside pub para sa
ADIDAS SALE SALE SALE
feb28-mar4,2008 @ UP Balay Kalinaw
50% OFF ON ALL ITEMS!
pinanuod ang WMC na gumawa ng tarp para sa sale. tumulong ng konti. nag-enjoy si ate iris. hehe. sinamahan si jodi sa CASAA para bumili ng lunch. nakasalubong ang KAISA party nila titus sa labas ng CASAA. nakita din sa wakas ang kandidatong si chorva.
"Ay ikaw pala si chorva!" -jodi
nagoutside pub kasama sina james at aljohn sa dagohoy at balara. hindi namin kinaya ang target time na 1hour. :( bumalik ng tambs at naglaro ng pusoydos with chris, iris and alip (na pinalitan ni jocs dahil nangampanya na si alip). dumami ang tao kaya trumps na ang nilaro namin.
nakuha din sa wakas ang free koko krunch, nesvita at kape. pinapak ni chris ang rejected nesvita (dahil sa packaging). at pinasnow niya sa buhok ng kung sino ang oats na nagmukhang malalaking flakes of dandruff. (yuck)
natanggal agad kami ni les, james, at chris kaya nagsolo kami at naglaro ng pusoydos. nagdesisyong maglaro ng bridge after ilang rounds dahil pang-bridge daw parati ang baraha namin. naglaro ng ilang rounds ng bridge na pang-pusoydos naman ang hand. grabe.
nagsi-uwian na ang lahat pero tinamad pakong umuwi. dalawa lang kami ni jodi na naiwan. nagkwentuhan lang kami at nagwalis ng konti (dahil andaming nakakalat na campaign stuffs) at ginabi sa pag-uwi.
kumain ng dinner. naghugas ng kinainan. nagcheck ng email...
WTF?! may ka-competition pala tayo. overlapping dates. same brand. same venue. pero carry lang. mas cute ata kami. HAH!
#119. tigil na. mahaba na masyado eh.
Posted at 09:35 pm by melissa